17

5 2 0
                                    




Bawat araw na lumipas ay todo todo ang pag iipon ko upang siguradong makakabayad ako sa tuition fee ni Rochelle, lalo na ngayon na nagka prostate cancer si Tiyo Fidel at isa sila Itay sa mga tumutulong sakanila sa pagpapagamot. Hindi kasi sila pinalad na magkaanak ni Tiya Carmen kaya naman sa tuwing bumibisita kami sa probinsya nila ay lubos ang kasiyahan na nakikita sa mga mukha nila dahil hindi man nila aminin ay siguradong sabik na sabik sila na magka anak.


"Uhm anak..." Tawig sa akin ni Inay. Kasulukuyan akong nag aagahan bago pumasok sa klase.

 "Ano po iyon, Inay?" Tanong ko at inabot ko ang baunan na kakatapos niya lang ayusin.


"Aalis muna kami ng Itay mo at luluwas sa Nueva Ecija upang bisitahin ang Tiyo Fidel mo, ang huling balita ni Ate Carmen ay nahihirapan na raw itong makalakad." Halata ang lungkot sa mukha ni Inay dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya masisi dahil maski ako ay nalulungkot dahil sa sinapit ni Tiyo. Si tiyo ay nakakatandang kapatid ni Inay. Mabilis akong tumango.


"Sige po, Inay. Ako na ho ang bahala kila Ivy at Rochelle."


"Salamat, anak. Salamat din sa pagtulong sa mga bayarin dito sa bahay. Anak, patawarin mo sana si Inay kung tanging edukasyon lang ang kaya naming ibigay ng Itay mo sa inyo." Hinawakan ko ang isang kamay ni Inay na nakapatong sa lamesa nang makita kong ano mang sandal ay mapapaluha na siya.


"Nay, huwag niyo na hong isipin iyon. Ang importante ho ay nakakaraos po tayo at kumpleto tayong pamilya. Alam ko hong marami na ho kayong naisakripisyo ni Itay, ano man ho ba yung makatulong ho ako ng kaunti." Saad ko.


"Hindi lang kaunti ang naitutulong mo anak. Sa amin ay malaking bagay iyon."


Nang sabihin ko iyon ay tuluyan na akong hinagkan ni Inay at narinig ang munting hikbi nito.


"Salamat, anak sa walang sawang pag intindi." Pagpapatuloy niya.


"Huwag kang mag alala, Inay kapag ganap na akong teacher ay hindi niyo na ho kailangan pang magbabad sa init kakatinda ng meryenda sa kanto at hindi na rin ho kailangan na mag drive ni Itay buong araw dahil ako naman ho ang mag aalaga sa inyo." Sabay yakap kay Inay ng mahigpit.


Isa ito sa mga tinanggap ko noon nang mapagdesisyunan kong kalimutan na ang nararamdaman ko para kay Marcus ay ang matupad ang pangarap ko at ang pangarap ng pamilya ko at hindi ako magtatagumpay kung nahahati ang oras ko sa ibang bagay na walang kasigaraduhan. Tulad na lang ng pagtingin ko kay Marcus. I realized na anuman ang gawin ko ay tiyak na may magbabago sa amin ni Marcus kapag nalaman na niya ang nararamdaman ko para sakanya. Maaring tanggapin niya ako at pwede ring hindi. Alin man sa dalawa, tiyak na mahihirapan din ako at masasaktan dahil kapag naging kami ay baka hindi ko rin siya mabigyan ng oras dahil sa mga responsibiladad ko at kapag naman na hindi niya ako tinanggap ay baka mabaliw lang ako sa kakaisip kung ano ang mali at kulang sa akin.


"Aba, ang aga nag dadrama ang mag ina ko. Sinong umaway sa prinsesa at reyna ko?"


"Itay!" I exclaimed at nilapitan si Itay upang siya naman ang hagkan ko.


"Naku, masyado ata akong namiss ng prinsesa ko." Natatawang sambit niya.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now