26

15 2 0
                                    






Pagkauwi sa bahay ay ang tahimik. Walang kasiyahan ang paligid. Tinext ko na rin si Sienna na susunduin ko na sila Rochelle kaya marahil ay papunta na rin sila sa dito. Naglinis muna ako ng bahay, nang mahagip ko ang paper bag na dala ko kanina ay kinuha ko ito upang tignan at nang makita ko ay tuluyan na akong napaupo dahil sa pagod. 


Hindi ko na alam kung anong klaseng pagod ang nararamdaman ko ngayon sa maghapon bang nangyari ngayon o sa buong pangyayari mismo. Bago kasi ako dumeretso dito ay dumaan muna ako sa dept. store upang bumili ng damit ni Itay na siyang bilin ni Inay kanina. Pinili ko ang pinakamahal para kay Itay.


"Hindi ganitong damit ang gusto kong ibili sayo Itay. Hindi bagay sa iyo ang barong na iyon." Tulala kong sabi na animoy may sasagot sa akin.


"Makati sa balat ito, Itay. Diba ayaw niyo ng mainit na damit? Sobrang init ng damit na 'to." Pagtutuloy ko gamit ang mahina kong boses.


Kinagatan ko ulit ang ibabang labi ko upang pigilan ang pag iyak baka kasi biglang dumating sila Rochelle at paniguradong iiyak na naman ang mga iyon kapag nakita nila ako. Ang dami dami ko pang pangarap sa pamilya namin, kay Itay. Hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng sakripisyo niya sa akin at sa pamilya namin, hindi pa ako handa Itay. Kailanman ay hindi ako magiging handa sa pag alis mo. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng bahay, parang kailan lang ay palakad lakad si Itay sa salas namin habang si Inay ay gumagawa ng meryenda.


Parang kailan lang ay nagdidilig pa siya ng mga halaman ni Inay sa labas dahil nakalimutan nito ang pinabibiling pasalubong nito sa kanya. Kailan lang din nung pinagalitan ako ni Itay nang makita niyang wala ng laman ang wallet ko, dahil sa kababayad ng mga requirements sa school, napangiti ako ng wala sa sarili habang sinasariwa ang mga alala ni Itay. Huling sermon mo na pala sa akin yon, sana ay sinundan ko pa at sinundan ko pa ng maraming marami.




Mabilis akong napatayo nang marinig ko ang tunog ng gate namin, andito na sila. Nang nakapag ayos na kami lahat ay lumabas na kami ng bahay. Parang gusto kong patigilan ang oras at tumakbo palayo pero kailangan ako ng pamilya ko. Bata pa ang mga kapatid ko at sobrang hina ni Inay ngayon, sa aming lahat tiyak kong siya ang pinakanasasaktan ngayon.


Nang makita ko na ang hospital ay napayakap na lamang ako sa bunsong kapatid namin na si Ivy dahil sa halo halong emosyon, takot, pangamba at pangungulila. Napalingon siya sa akin habang may pagtataka sa mukha marahil nagtataka sa higpit ng yakap ko sakanya. Habang nakatingin ako sa maamo niyang mukha ay hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Limang taon pa lang siya, sobrang bata niya pa para maulila sa ama.


Pinauna ko na sila Sienna at ang mga bata para magbayad sa tricycle na sinakyan namin, nang mapatingin ako sa may daan ay sakto namang nagkatinginan kami ni Marcus habang may kausap ito sa cellphone niya. Naka white suit shirt lang ito na nakatupi hanggang siko. Halata sa mata ni Marcus ang pagod at puyat, nang akmang lalapitan ko na sana siya upang kamustahin, dahil ang huling balita ni Sab ay kritikal pa rin daw si Tito, pero lalapit pa lang sana ako ay iniiwas na niya ng tingin niya at nagmamadaling pumasok sa hospital.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now