50 part two

8 0 0
                                    

N/A: enjoy! :)

-


Yo, okay
Yo, okay

na hogsi molla gyeong-gohaneunde

jigeum wiheomhae

jakku naleul jageughajima

nado nal molla

Ang unang kumanta ay si Xander at mistulang naging estatwa si Siena dahil sa napapanood niya. Dahil sa sobrang paghanga niya ay hindi na niya napigilan na isatinig ang saloobin nito.

"Puta. Ang galing ng dagang 'to."

sum-i jakku meojneunda

nega nal hyanghae geol-eoonda

naleul bomyeo usneunda

neodo naege kkeullineunji

nun-ap-i da kamkamhae

Pagkatapos 'kong sulyapan si Siena ay si Sab naman ang binalingan 'ko at wala na rin ito, masyado nang lunod ang mga mata niya sa paghanga para kay Landon. Malaki rin ang pasalamat 'ko sa ama ni Sab dahil ang daming nakakalat na mga sundalo, at pulis sa buong rest house nila tito upang masiguro na walang mangyayaring hindi maganda ngayon.

amudo neol mos boge

pum-e gamchugo sip-eo

neol nolineun siseondeul nae an-e il-eonan

geosen soyongdol-i

At nang si Marcus naman ang kumanta ay halos lumabas na ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Siya lang talaga ang namumukod tanging lalaki na kaya akong baliwin kahit sa maliit na bagay. Halos buong buhay ko ay kasama ko na siya. Halos lahat ng mga sikreto ko sa buhay ay alam niya.

Paano ako minamahal ng lalaking 'to, eh halos sakit at pighati lamang ang ibinigay ko sakanya? Paano niya nagawang mahalin ang isang katulad 'ko gayong puro panunumbat lang ang ipinadama ko sakanya? At paano niya ako nagagawang titigan gamit ang mata niyang punong puno ng pagmamahal samantalang puro pang iirap lamang ang isinusukli ko sakanya?

Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang sagot kung bakit ako minahal ni Marcus dahil sa tuwing tinatanong ko siya ay puro ngiti lamang ang ibinibigay niyang sagot sa akin.

geom-eun geulimja nae an-e kkaeeona

neol boneun du nun-e bulkkoch-i twinda

geunyeo gyeot-eseo modu da mulleona

ijen jogeumssig sanawojinda

na euleuleong euleuleong euleuleong dae

na euleuleong euleuleong euleuleong dae

na euleuleong euleuleong euleuleong dae

Ng silang tatlo na ang kumanta habang sumasayaw ay hindi na magkanda mayaw ang mga tilian ng mga babaeng nanonood. Akmang susugurin na sana ni Siena ang mga babaeng nasa tabi namin dahil sa lakas ng mga tilian nila pero mabilis siyang nahila ni Sab at sinabing kami na raw ang sunod na mag pe-perform.

"Babe! Na video-han mo ba ang talent ko kanina?" Makulit na tanong ni Landon kay Sab nang makababa ito sa entablado.

Hindi sumagot si Sab marahil hanggang ngayon ay nabigla pa rin ito dahil sa pasabog nila.

"Y-Yes..." Utal niyang saad at ibinigay kay Landon ang hawak nitong camera

"How was it?" Tanong naman ni Xander kay Siena nang maabutan niya ito.

Twilight PromisesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt