Chapter 1

2.9K 74 13
                                    

(Hello! This is the first chapter, Enjoy Reading!)

~0~

I'm busy grabbing all the things I need for my art class since I'm an art major. Ngayon ang unang araw ng klase, kaya hangga't pwede ay kinukuha ko na ang mga pwedeng gamitin. First day pa lang, I know, but can you blame me? I'm so excited for this.

"AC! Ang dami mo namang binibili, papayamanin mo ba itong National Bookstore?" napatingin ako sa kaibigan ko na si Victoria. Parehas kaming Art Major, napatingin ako sa basket niya na tangging isang set lang ng mechanical pencils ang laman habang ang basket ko ay hindi na magkasya.

"Seriously? What's this Aleister Cerys Alves? Washi tapes? Para saan yan gaga ka!" sabi niya, napatingin naman ako sa tatlong set ng washi tape na nasa basket ko. Nag peace sign ako sa kanya at tumawa. I love the designs kaya!

"Well, seriously too, Victoria Aaminah Ortega, bakit naman mechanical pencils lang ang binili mo?" ganti ko sa kanya at inayos ang mga boards na nilagay ko sa basket ko.

"Girl, hindi naman ako kasing yaman mo, mukha kang nag-panic buying letse ka! Haler, first day of class, aanhin natin iyang boards, canvas, paints, brushed with different f*cking sizes, and of course that washi tapes? Sayang pera girl." sabi niya sa akin. I pouted and hugged her, I got her. This is her weakness.

"Hindi naman sayang ang pera ko, gagamitin ko naman 'to lahat for projects and siyempre, pera ko naman 'to. Pinag-ipunan ko kaya 'to sa sobrang paggiging excited ko." sabi ko sa kanya, pabiro na lang siyang napairap sa akin.

"Halika na nga, ayos na 'to baka bugahan mo pa ako ng apoy, dragon na 'to. Bilhan nga kita highlighters." sabi ko sa kanya at kumuha ng apat na kulay ng highlighters pagkatapos ay nilagay sa kanyang basket.

"Para may magamit ka naman for note taking." sabi ko sa kanya.

"Kunwari ka pa, palibhasa mayroon kang isang set ng highlighters, dinamay mo pa ako. Pero salamat, pasalamat ka mahal kita Alves!" sabi niya sa akin kaya natawa naman akong umakbay sa kanya hanggang sa makarating kami sa counter.

Nakatunganga lang ako sa cashier na kinacount ang items ko, totoo nga ang sinabi ni Victoria, ang gastos ko nga. Napakagat na lang ako sa labi ko ng binigay sa akin ang resibo.

"Napaisip ka rin diba?" pang-aasar pa niya sa akin. Halos umabot ng tatlong libo lahat ng binili ko, but it's fine, masaya naman ako.

"Let's go, baka mahuli pa tayo, ang pangit naman tingnana kung first day ay nahuli tayo." sabi niya at sabay kaming lumabas ng National Bookstore.

"Commute tayo?" tanong niya sa akin.

"Huwag na, nandiyan si Manong Baron, halika na." sabi ko at hinatak na siya papalapit sa sasakyan namin.

"Manong!" bati ko at binuksan na ang pintuan ng fortuner. Pumasok naman roon si Victoria kaya pumasok na rin ako at isinara ang pinto.

"Ma'am AC, may dalawa pong Egg Mcmuffin at hot chocolate diyan, Almusal niyo po." sabi ni Manong kaya kinuha ko na ito sa likuran. Binigay ko ang isang egg mcmuffin at hot chocolate kay Victoria at sa akin naman ang isa.

"Manong sa school na po tayo." sabi ko at nagsimula ng magmaneho si Manong.

"Salamat dito, AC." nakangiting sabi ni Victoria.

"Always welcome, Vicah!" sabi ko at kumain na habang nakatingin sa bintana ng kotse.

"Anyways, nasaan nga pala si Roux?" tanong niya sa akin.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now