Chapter 25

872 25 6
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Matapos ng araw na iyon, palagi na akong sinusundo ni Kyst sa bahay, pati sa pag-uwi ay hindi na siya pumapalya kahit na minsan ay sinasabi kong hindi na muna. Sabay-sabay ang mga fests ng kada departments kaya maiintindihan ko naman kung magiging abala siya. 

Ngayon ay magkasama na naman kami, he's helping me with my entry for Art Fest. 

"Bakit ba nandito ka? Dapat ay nandoon ka sa department niyo." sabi ko sa kanya. 

He's hugging me from behind, hindi na niya inisip pa ang mga tao sa paligid namin. Kung tutuusin ay sikat na sikat siya sa school at kahit saan siya magpunta ay mayroong makakapansin sa kanya. 

"I'm tired mi rosa. Let me charge myself hmm?" sabi niya at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Napangiti na lang ako at inilapag muna ang mga paint brush na hawak ko bago humarap sa kanya. He's wearing his jersey kaya siguro ang sport fest ang inaatupag niya kanina.

"God. Look at that face, it makes me crazy." sabi niya at hinaplos ang aking pisngi.

"Napaka bolero mo talaga Kyst Hames. Lalo kang lumala nung naging boyfriend na kita." sabi ko sa kanya. Totoo naman iyon, mas lalo niyang inilalabas ang mga matatamis niyang salita, kahit sa kalagitnaan ng mga gawain hindi pwedeng hindi niya iyon maisisingit. And that thing made me look at myself with admiration, like how he sees me.

"Hindi kita binobola, iyon ang nakikita ko so don't blame me." sabi niya sa akin and kissed my cheeks.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Not yet. Coffee lang ang laman ng tiyan ko ngayon." sabi ko sa kanya.

"Sakto hindi pa rin ako kumakain. Let's eat outside." sabi niya sa akin.

"Let's go. Vicah, Roux, yung piece ko patingnan na lang ha? Thank you!" sabi ko sa dalawa kong kaibigan. They nodded and smiled at me.

Huling beses kasi na iniwan ko ang aking painting, pagbalik ko ay magulo na ito at halatang sinabotahe na. Hindi na ako nagreklamo pa pero alam kong si Jessica iyon, dahil noong nakita ko siya noong papasok ako sa classroom ay pinakitaan niya ako ng nang-aasar niyang ngisi.

Hindi ko na siya inisip pa, alam kong protektado ng mga kaibigan ko ang piece na ginagawa ko.

Kumapit na ako sa braso ni Kyst habang naglalakad kami papalabas ng school. 

He's so tall kaya minsan nagsusuot ako ng rubber shoes na medyo mataas para di ako nahihirapang abutin ang braso niyang gustong-gusto kong hawak palagi.

"Kahit na busy ka, don't forget to eat okay? Hindi ba palagi kong nilalagyan ng biscuits at almonds iyang bag mo? Eat that kapag wala kang time para lumabas." sabi niya sa akin.

"Yes po Sir." biro ko at niyakap ang kanyang braso. Since the day we became official mas lalo siyang naging maaalalahanin sa akin, he always think about me, and my state. 

He's everywhere, palagi siyang nasa tab ko kahit na ilang araw pa lang simula noong maging kami. Minsan naiisip ko that he's a little bit not fair, kasi mas iniisip niya ako kaysa sa sarili niya, sometimes I don't want that. Because I want him to take care of himself too.

"Kyst, can I have a new scrunchie? I forgot my hair tie sa court." sabi ko sa kanya. Huminto muna kami sa paglalakad, he grabbed a scrunchie from his pocket and tied my hair. He loves to touch and smell my hair. He loves to kiss my forehead everytime, magugulat na lang ako kapag hinihigit niya ako papalapit sa kanya just to kiss my forehead. You can read how passionate his forehead kisses are, I can feel how much he adores me by just letting his red rose colored lips, and those soft kisses that can make me feel floating in the sea of clouds. It's all soft and full of love.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now