Chapter 16

1K 38 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Nagpunta kami sa clinic at pinatingnan ang aking paa na medyo namamaga. Nilagyan lang namin iyon ng ice pack.

"Are you okay now, mi rosa?" tanong sa akin ni Kyst na siyang nakaupo sa akin tabi habang ang kanyang kamay ang may hawak sa ice pack.

"Oo, sakto lang. Hindi na masyadong masakit." sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong mayroon dito kay Kyst na ikinatatahimik ng dalawa kong kaibigan.

"I was worried. I'm glad you're feeling okay now." sabi nito at tinanggal na ang ice pack na kanina pa nakalagay sa paa ko. Tunaw na rin kasi ang yelo na nasa loob noon, atsaka ayoko na ring magtagal pa sa loob ng clinic, dahil baka hinahanap na rin ako ng basketball team.

"Pwede na ba akong bumalik doon sa court? Baka kasi kailangan na nila ako roon." sabi ko sa kanila.

"Hindi ka na muna babalik doon. Nagsabi naman na si Brandy sa coach nila, at ayos lang naman daw yun." sabi ni Victoria.

"Aalis lang ako saglit, babalik din ako, may hahanapin lang ako." sabi ni Roux, ibang-iba ang kanyang boses, seryoso ito at tila may halong galit pa kaya pinabayaan na muna namin siya. 

"May problema ba si Roux, Victoria?" tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin. Doon palang ay alam ko ng mayroon nga.

"Gusto ko nga sana sumama sa kanya, pero sabi niya ay kaya na niya raw iyon." sabi ni Victoria.

"Kyst, hindi ka pa ba babalik roon sa court? baka kailanganin ka na nila roon." sabi ko kay Kyst.

"Alam ko naman na yung gagawin doon. I don't need to be there. I'll stay here." sabi niya sa akin.

"Thank you, Kyst. But no need to stay here, I know that you have a lot of things to do. Nandyan naman si Victoria." sabi ko sa kaniya.

"Are you sure?" tanong pa nito at naniniguro. I smiled at him and nodded.

"Are you free later? May simple gig kasi kami after this diyan sa coffee shop." sabi niya habang isinusuot ang kanyang hoodie.

"Oo naman. Asahan mong makakapunta kami mamaya." sabi ko sa kanya.

"See you there, mi rosa." sabi nito bago tuluyang umalis sa clinic.

"It looks like Kyst likes you?" sabi ni Victoria. Namula ang aking mga pisngi roon. Mali man ngunit umaasa ako na ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Yung pag-iisip ko lang sa bagay na iyon, kahit na hindi naman totoo at walang kasiguraduhan, nagdudulot ng kagalakan sa puso ko.

"Wala siyang sinasabi." sagot ko at nag-iwas ng tingin. Dahil alam ko sa aking sarili na maling-mali na umasa sa bagay na hindi naman sigurado. Maling-mali na bigyan ng mga ibig sabihin ang mga magaganda niyang ginawa para sa akin. Hindi magandang umaasa, kung ang posibleng kaakibat nito ay kahihiyan.

"And? Umaasa ka?" tanong ni Victoria. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mata.

"I know that you like him, so much, that sometimes I know you're crying inside." sabi ni Victoria sa akin.

"I know you very well, Aleister. I know it when your eyes isn't happy anymore. Gusto ko lang sabihin na mahirap manatiling nakahawak at nakakapit kung wala kang matibay na pagkakapitan." sabi niya sa akin.

"Alam ko naman sa sarili ko. But a part of me is hoping. My hopes are high that I can't control it anymore. I like him so much and the fact the he don't feel the same breaks me. It breaks me. I can't help it. Victoria. He's making me happy in his own ways, with his unique ways that no one did for me. It is the first time for me, seeing myself this happy." sabi ko sa kanya at pinakatitigan na lamang ang aking mga kamay.

"But you need to stop, kailangan mong tumigil kung wala talaga, kasi ikaw lang din ang magiging talo. Ikaw ang talo sa dulo, Aleister." sabi niya sa akin.

"Tell me, how can I stop when I'm happy? How can I stop when there's this overflowing happiness I'm feeling right now?" sabi ko sa kanya.

"Hanggang kailan ba magiging masaya? Hanggang kailan ang itatagal ng kasiyahan? Hanggang kailan lang yan? Paano kapag natapos? Paano kapag tumigil?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Hindi mo alam hindi ba, the happiness you're feeling now, is not sure. Walang kasiguraduhan. Masaya ka nga, hindi ka naman sigurado. Hindi ka sigurado kung ano nga ba. Para lang iyang isang maduming salamin, kung hindi mo lilinisin at papalinawin, hindi mo malalaman at makikita ang totoong laman. I want you to be ready. I can't bare to see you miserable. You wanted to be happy, go for it, but make sure that you're heart won't  fall from the highest place and be shattered into the tiniest parts." sabi niya sa akin, tila isang malakas na sampal ang natamo ko. Ito yung katotohanan, yung katotohanan na itinatago sa akin ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon. 

"Kasi kung gaano ka lambot iyang puso mo, sa taas ng pag-asa mo sa kanya, baka madurog ka kapag hindi naging maganda ang kakalabasan." sabi pa niya.

"You deserve all the happiness, Aleister. I want you to be happy no matter what. But please, huwag ka magpabulag sa kasiyahang nararamdaman mo ngayon, you need to protect your heart too." sabi pa niya sa akin bago ako niyakap ng mahigpit.

"Thank you for reminding me this, Victoria. Thank you, kasi alam kong malapit na ko mawala sa tamang pag-iisip sa sobrang pag-asa sa kanya. I will try my best to clear the path I'm crossing and avoid getting injured and scratched." sabi ko sa kanya.

"I understand you. Maybe you're just blinded with the happiness you're feeling right now, because you never felt it before, but a friendly reminder, fate is playful." sabi niya pa sa akin.

"Excuse me, kayo po ba ang mga kaibigan ni Rouxelle?" bigla saad ng lalaking kakapasok lang sa clinic, hingal na hingal pa ito at nagmamadali. Tumango naman kami sa kanya.

"Patulong naman po, may nangyayaring away po kasi doon sa court." sabi nito kaya kahit na medyo masakit pa ang aking paa ay napatakbo kami papalabas ng clinic ni Victoria.

Rinig na rinig ko ang mga sigawan sa loob ng court, ang basketball team at soccer team ay nag-aawat sa dalawang babae na nagsasabunutan.

"Roux! Tama na yan!" sigaw naming dalawa ni Victoria.

"Hindi ako titigil hanggang di ako nakakaganti sa babaeng 'to! Kapal ng mukha mo, Jessica! Kuskusin mo rin yan para maging manipis!" sigaw ni Roux.

"Tama na Roux, puro ka na sugat." sabi ko sa kanya.

"Hindi ako titigil hanggang hindi rin nababali paa niyan ni Jessica. Ano akala mo sa akin tanga na hindi ko malalaman na ikaw may pakana kaya nadapa si AC?! Hayop kang babae ka sasampalin kita ng heels!" sigaw pa ni Roux habang hawak-hawak ang suot ko kanina na heels.

Napatili ako sa gulat mabuti nalang at naagapan agad ni Maximus ang kamay ni Roux.

"Ikaw pala may pakana ng nangyari kay Ali. I knew it wasn't an accident. I swear, hindi ako papayag na hindi ka maconsidered as suspended." sabi ni Kyst bago hinila ng marahas ang braso ni Jessica at kinaladkad ito papalabas ng court, natulala na lang ako habang sinusundan namin sila.

~0~

The Captivating Chaos Series Book I: Unpleasantly Captivating

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon