Chapter 44

1.2K 26 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Ang mga naging paliwanag niya ay ang naging dahilan para malaman ko ang bagay na mahalagang-mahalaga na para rin sa akin. Mahalin ko ang sarili ko, mahalin ko ang pangarap ko, higit pa sa kung ano man.

Totoo nga, nabulag ako sa pagmamahal, naging prayoridad ko ang pagmamahal. Isinantabi ko ang mga mahahagang bagay na para rin naman sa akin, dahil sa sobrang pagmamahal.

Napag-isip ko na magpapatuloy na ako. Tatapusin ko ang sinimulan ko, apat na taon na ang nakalipas.

Kahit na maayos na kami ni Kyst, hindi pa rin kami opisyal na magkasamang muli. Dahil sa pagkakataong ito, sarili ko naman ang pipiliin at uunahin ko.

"Mommy, are you leaving po?" tanong sa akin ni Enomis.

"Hindi po, Mommy will continue studying Arts po. Sabay na po tayo papasok sa school." sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata.

"Wow! Yehey po! Kasama pa rin po ba natin si Daddy?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko pa nakakausap ang Daddy mo, baby eh. I'll try to talk to him for you hmm?" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at kumalong tapos niyakap ako ng mahigpit.

"Is there something wrong baby?" tanong ko sa kanya.

"I miss him na po Mommy. Ilang days na po siya wala. Umuwi na po ba sila sa Philippines?" tanong niya sa akin at ngumuso. Halatang nalulungkot at nangungulila sa kanyang ama.

"H-Hindi ko kasi alam baby, hindi pa kami nakakapag-usap. Simula nung hinatid niya tayo dito last time hindi na kami nag-usap. Tatawagan ko siya, tapos sasabihin ko na lang sayo, okay? Pumasok ka muna doon sa kuwarto mo, hindi ba may assignment ka pa sa Science subject mo?" sabi ko sa kanya. 

"Okay po Mommy, sabihin mo po kay Daddy dalawin niya po ako. Hindi naman po ako manghihingi ng toys." sabi niya at umalis na sa kwarto.

I know that my Amarilla is not a materialistic kid. She just wants to be with his Dad and I don't want to meddle with what she wants, because it is simple. It it simple and I should give it to her. I should give the warmth of a father to her.

Kinuha ko na ang aking telepono, una ko munang tinatawagan si Roux dahil wala naman akong number ni Kyst kaya hindi ko siya agad matatawagan.

"Bakit ka tumatawag? May problema ba?" bungad niya sa akin. Tumawa ako ng mahina sa kanyang sinabi. Masyado namang nag-aalala ang babaeng 'to.

"Can I have Kyst's number?" sabi ko sa kanya. Napasinghap naman siya sa aking sinabi.

"Oh my goodness, Aleister Cerys? What's the meaning of this?" tanong niya sa akin, hindi ko alam pero natatawa ako sa kanyang reaksyon.

"I need to talk to him." sabi ko sa kanya.

"And for what? Don't tell me nagkabalikan kayo?" sabi niya, hindi ko muli maiwasang matawa. Kung nagkabalikan man kami, hindi ko na sana hihingin pa ang numero ni Kyst.

"Hindi. Hindi pa. I want to focus to myself first. That's what I said, and he smiled at me. That's the last thing we've talked about. And now, our daughter is finding him." sabi ko sa kanya.

"Fine. Explain everything to me once na magkita tayo. I'll send to you his number. Babush." sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Napangiti na lang ako. Sa lahat ng bagay, alam nilang dalawa ni Victoria ang mga nangyayari sa akin. And now, she's curious. Tingnan ko lang kung kakayanin niyang umabot sa isang araw nang hindi niya nalalaman ang totoo.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now