Chapter 18

878 29 3
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Ang mga titig niya sa aking mga mata hindi naalis, para akong hinihila noon, at ikinukulong kung kaya't hindi na ako makawala pa.

"Grabe ang titigan." sabi ni Roux kaya napaiwas na ako ng tingin kay Kyst at bumaling sa dalawa.

"Ano iyang titig na iyan, AC?" pakikisali pa ni Victoria.

"Wala naman, bakit?" tanong ko na lang kahit alam ko na alam nila ang nangyayari.

Ayokong maging sigurado sa mga bagay na hindi pa malinaw sa akin kaya minabuti ko na lang na huwag iyon pansinin pa.

Sa sobrang lutang ng aking isip ay hindi ko na namalayan na huling kanta na pala ang tinutugtog ng banda. 

Sa'n darating ang mga salitaNa nanggagaling sa aming dalawa?Kung lumisan ka, 'wag naman sanaIka'y kumapit na, nang hindi makawalaAking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw
'Wag mag-alala kung nahihirapan kaHalika na, sumama ka, pagmasdan ang mga talaAking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw


"Pagkatapos nito? Saan tayo?" tanong nila sa akin bigla nang matapos na sa pagkanta ang banda.

"Kayo ba? Saan niyo gusto? Kung saan naman kayo ay doon din ako." sabi ko sa kanila at inayos na ang pagkakasakbit ng aking bag sa aking balikat. 

"Wala akong ibang maiisip kung hindi ang mall, ilang linggo na rin tayong hindi nakapag-mall?" sabi ni Victoria. Napaisip tuloy ako, oo nga ano? Sa sobrang abala namin sa mga bagay-bagay ay hindi na kami nakapaglibot ulit.

"Doon na lang tayo, halika na." sabi ko at nagsimula nang maglakad papalabas ng venue, rinig ko ang pagmamadali ng kanilang mga hakbang bago ipinulupot ang kanilang braso sa akin.

"Girl, hindi ba kayo mag-uusap ni Kyst?" bulong sa akin ni Roux.

"Hindi, bakit naman kami mag-uusap?" tanong ko sa kanila na parang wala lang.

"Nakatingin siya sayo kanina doon sa loob." sabi naman ni Victoria.

"Ano naman?" sabi ko sa kanila. Pilit kong inililihis ang usapan dahil nahihiya pa rin ako sa nagawa ko kanina.

"May nangyari ba?" tanong nila sa akin. Umiling-iling ako tapos ay nauna ko nang buksan ang sasakyan namin tapos ay naupo na roon.

Ilang sandali lang din ay naupo na rin ang dalawa sa sasakyan. Nanatili lang akong nakatingin sa bintana, pinagmamasdan ang labas ng venue kung saan ko ginawa ang bagay na iyon.

Naramdaman kong umandar na ang sasakyan, sa sa pagkakataong iyon din lumabas si Kyst sa venue, mukha itong nagmamadali at may hinahanap, napangiti na lang ako ng mapait. Ikinahihiya ko ang sarili ko. Maling-mali na pinangunahan ko pa siya sa bagay na iyon.

"Sabihin mo iyan sa amin mamaya. Huwag mong itago iyan." sabi nilang dalawa sa akin. Ngumiti na lang ako at inilipat na lang ang aking tingin sa aking cellphone.

Nakita ko ang sunod-sunod na text messages na lahat ay galing kay Kyst. Maya-maya pa ang nag-ring ang aking cellphone dahil tumatawag naman ito. Sa gulat ko ay napatay ko ang aking cellphone, na sa aking tingin ay tama lang, dahil natatakot akong kausapin siya at ipagduldulan sa aking mukha ang mga bagay na kinakatakutan ko.

"Bakit mo naman pinatay?" tanong ng dalawa sa akin.

"Natatakot akong kausapin siya." sabi ko sa kanila.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now