Chapter 17

974 31 12
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Roux, kanina ako ang nasa clinic, ngayon ikaw naman, bakit kasi pinatulan mo pa yun si Jessica." sabi ko at tumutulong sa paglilinis ng mga kalmot niya sa kanyang braso.

"Nakita ko kung paano niya dinura yung bubblegum nung malapit ka na dumaan, di ako mabait, buti nga napigilan niyo ako, kung hindi, sira lalo yang sira niyang mukha." sabi ni Roux, galit na galit pa rin ito at pinapakalma lang ni Maximus na ngayon ko lang din napansin na nandito din pala sa clinic.

"Kaya nga hindi na kita sinamahan kasi alam kong kaya mo naman, pero grabe naman ginawa mo kanina girl, pati ikaw may sugat, usapan natin si Jessica lang masusugatan." sabi ni Victoria.

"Kasabwat ka rin pala rito, Victoria." sabi ko at sinamaan sila ng tingin. Ayoko talagang napapaaway sila para lang sa akin. Lalo na ngayon na nasugatan pa si Roux.

"Huwag lang kami ang pagalitan mo, hindi pa namin alam kung saan pumunta iyon si Kyst." sabi ni Roux. Napatingin ako sa tahimik na si Maximus. Umiling ito sa akin na tila sinasabi na hindi niya ala kung nasaan si Kyst.

"Baka naman nandiyan lang." sabi ko nalang at nagpatuloy sa paglagay ng gasa sa sugat ni Roux.

"Ako na muna ang bahala rito kay Roux, AC and Victoria. You can have you break time na muna." sabi ni Maximus. Nag-aalangan pa ko ngunit hinawakan ni Roux ang aking kamay at ngumiti. 

"Bantayan mo muna siya, bibilhan ka na lang namin ng halo-halo ha." sabi ko bago kami umalis ni Victoria sa clinic, nakakapit pa rin ako sa braso niya dahil medyo makirot pa ang pagkakatapilok ko kanina.

Nang makaalis kami sa clinic ay halos pinagtitinginan kami ng mga estudyante, hindi ko alam kung ako ba o kaming dalawa. Siguro dahil sa nangyari kanina, hindi ko na rin maiwasang mainis kay Jessica, wala naman akong ginagawa sa kanya pero ginawa niya yun sa akin. 

"Pumunta na muna tayo doon sa bilihan ng halo-halo, doon na rin muna tayo kumain, panigurado ay ayaw pa nun ni Roux bumalik tayo kasi nandoon si Maximus." biro ni Victoria kaya natawa ako. 

"Panigurado tuwang-tuwa yun kahit gutom." sabi ko naman kaya natawa rin siya.

Hawak-hawak ni Victoria ang aking kamay nang makarating kami sa halo-halo shop, ito talaga ang full time favorite naming tatlo.

Si Victoria na ang umorder kay Lola Lily dahil kumikirot ng kaunti ang aking paa, napatingin ako sa labas, may kagandahan din kasi ang itsura ng labas, kahit na ito ay daanan na ng mga sasakyan, umiilaw ang mga nagtataasang gusali.

Nakita ko na pumasok din sa store na ito sila Brandy, kasama ang ilan niyang ka team mates. Nang magtagpo ang aming mga mata ay kaagad siyang ngumiti sa akin at ganoon rin naman ako sa kanya.

"Nandito ka rin pala, nakapag-order ka na?" tanong niya sa akin.

"Si Victoria na ang umorder kay Lola Lily, ngayon lang kita nakita rito." sabi ko sa kanya.

"Nagpupunta lang kami dito kapag may bakanteng oras, at ngayon lang ulit kami nagkaroon, paborito namin kasi ang halo-halo dito ni Lola." sabi ni Brandy kaya napangiti naman ako lalo, nakakatuwa naman na malamang mahilig din siya sa halo-halo.

"Umorder na kayo, para makakain na rin kayo kaagad." sabi ko sa kanila, tumango naman si Brandy bago ginulo ang aking buhok tapos ay nagtungo na sa counter.

Ilang sandali pa ay dumating na si Victoria dala-dala ang tray na may lamang dalawang baso ng halo-halo na kakainin namin. Excited na ako kumain kaya pagka-upo pa lang niya ay nilantakan ko na ang halo-halo.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon