Chapter 38

979 32 19
                                    

(Enjoy Reading!) 

~0~

"Now we will play! Kids from the Moon, Star and Sun section, come here to the center for our stop dance!" sabi ng host, sabik na sabik ang mga bata na nagpuntahan sa gitna ng venue.

Malaking tulong din pala ang kulay pastel yellow na damit na suot ni Enomis ngayon dahil kahit maraming bata ay nakikita ko siya dahil sa kulay ng kanyang damit. She's smiling so wide simula pa kanina at sapat na iyon para mas maging masaya pa ako.

Nagplay na nga ang isang music at nagsimula na sila maglaro, marami kaagad ang natanggal dahil nagtatawanan ang mga ito ngunit si Enomis ay talagang competitive at ginagalingan sa pagsayaw at sa paghinto.

"Five kids lost immediately, it's okay, just join the next games, kids." sabi ng host, patuloy pa rin ang ibang bata sa pagtawa dahil ang iba ay nakahinto sa mahirap na sitwasyon. Maging ang mga magulang ay tumawa rin, lumingon sa akin si Enomis habang nagsasayaw sila at nag thumbs up pa sa akin. Ngumiti naman ako at sumenyas din ng fighting.

"Oh my! many more were eliminated in this round. Join the next games, kids." sabi muli ng host nang huminto ang music.

Kapag sinabi kong competitive si Enomis, totoo yun dahil hanggang ngayon na limang bata na lang sila ay nandoon pa rin siya at mukhang hindi man lang kinakabahan na matalo.

Nang sa sumunod na paghinto ng music ay tatlo naman ang natanggal, si Enomis na lang ang natira at ang isang batang babae. Malakas ang kutob ko na si Enomis ang mananalo, hindi iyan magpapatalo sa mga ganitong palaro.

Ngunit kahit ilang beses na huminto ang music ay wala pa ring natatanggal sa dalawa, mukhang competitive rin ang isang bata.

"The talent of these two. They really don't want to lose, they want the price so much!" sabi ng host, ang mga magulang ay nagsitawanan.

"What's your name?" tanong ng host kay Enomis.

"Amarilla Enomis." sagot ni Enomis. Tinanong naman ng host ang isang bata.

"What's yours?" tanong nito.

"I'm Patrica." sagot nito.

"Amarilla and Patrica, you want the price? You wanna know what's the price?" tanong muna ng host. Tumango ang dalawang bata.

"It's a big barbie!" sabi ng host at pinatugtog na ang music. Sumayaw muli ang mga bata ng halos ilang segundo bago muling tumigil ang music.

Ilang sandali pa sila nanatiling nakahinto nang biglang itulak ni Patrica si Enomis. Hindi na ako nag-isip pa at nagpunta na sa stage para itayo si Enomis.

Mukha namang nagulat din ang ibang magulang sa inasta ng batang si Patrica. 

"Patrica, say sorry. That's bad." sabi ng Ina nito.

"No! I want the barbie!" sigaw ng bata at umiyak.

"Patrica, you need to play first, you can't push your opponent in the game." sabi ng ama nito.

"Besides, I'm sure she's your friend. Say sorry to your friend." sabi pa nito. Hindi tumitingin si Enomis sa mga iyon dahil nakasubsob siya sa aking dibdib at mahinang humihikbi. Hinahaplos ko ang likuran nito para pakalmahin siya.

"She's not my friend, I don't want her! She doesn't have a Daddy!" sabi ng bata. Naramdaman kong mas lalong lumakas ang hikbi ni Enomis.

"Patrica! That's bad! You want Mommy to hit your butt huh?" sabi nito.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now