Chapter 26

761 23 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Today is Saturday, and it's our break after the preparations for the Art fest. This day is not just a break, but today is my Kyst Hames' birthday.

Simula kasi noong batiin ko siya kaninang madaling araw ay sinadya kong huwag na siyang kausapin sa messenger, dahil may nais akong gawin bilang regalo sa kanya ngayong araw.

Kasama ko ngayon si Roux dito sa mall para bumili ng regalong gitara para kay Kyst, siya lang ang kasama ko dahil abala si Victoria sa bahay nila. 

"Grabe naman ang girlfriend na ito, kaya pala panay kami ang nanglilibre sayo, may iba ka pa lang pinag-iipunan." biro sa akin ni Roux habang naglalakad kami.

"Syempre naman, ito ang unang birthday niya na kasama niya ako." sagot ko naman sa kanya.

"Ano bang balak mo? Gitara talaga ang bibilhin mo?" tanong niya sa akin.

"Oo, atsaka mga acrylic paints at brushes." sagot ko sa kanya.

"Ililibre mo ako ng pagkain after nito ah." sabi niya at umakbay sa akin habang papasok kami sa music store na nasa mall. 

May kalakihan ang store at maraming magagandang gitara ang naka-display sa unahan. Maging ang iba't-ibang instrumento ay naka-display din sa loob. Iba rin ang amoy ng tindahan, amoy kahoy ito na hindi naman masama dahil nagbibigay pa ito ng mas magandang atmosphere lalo na't gawa sa kahoy ang iilang instrumento na naririto. Hindi mo maipagkakaila na nasa loob kami ng music store sa amoy pa lamang ng loob nito.

"Magandang Umaga mga Ma'am!" bati sa amin ang nagtitinda.

"Magandang Umaga, gusto ko po sana ng gitara." sabi ko.

"Marami po kaming gitara dito, kung acoustic guitar o electric guitar, mayroon po kami niyan dito. Halika po." sabi nito at iginiya kami sa parte kung saan nakapuwesto ang mga gitara.

"Itong nasa itaas na banda, iyan po ang mga electric guitar, ito naman pong nasa ibaba ang mga acoustic guitar." sabi nito.

Ayoko na itong patagalin pa, dahil pipintahan ko pa ito bago ako makikipagkita kay Kyst.

"Ano po ang pinaka magandang acoustic guitar dito?" tanong ko. 

"Ito po ang pinaka magandang klase ng gitara sa amin, pero po maganda din ang presyo niyan." sabi nito at inabot ang kulay itim na gitara. Itim ang kabuuan nito ngunit para siyang mayroong glitters na nagpapa-angat sa ganda ng gitara. 

"How much po?" tanong ko at inilabas na ang aking wallet.

"25k po iyan." sagot nito sa akin.

"I'll take it po, pati yung sa guitar case na rin po." sabi ko. Tumango naman ito at inayos na ang aking binili matapos kong iabot sa kanya ang pera.

"Taray naman ng girlfriend na 'to." pang-aasar sa akin ni Roux.

"I want to make this special Roux. For sure naman magiging ganito o kaya ganito ka na rin kay Maximus." sabi ko naman sa kanya.

"Hindi lang 25k ang ilalabas ko, akala mo magpapakabog ako sayo ha?" sabi niya kaya sabay kami natawa.

Hinintay lang namin ang may-ari ng tindahan na balutin ang binili ko. Iniisip ko pa rin kasi kung ano ang iguguhit ko sa maliit na espasyo ng gitara para maging kakaiba naman ang regalo ko sa kanya.

Naisip ko bigla ang pangalan na palagi niyang tinatawag sa akin, mi rosa. Maganda siguro kung rosas ang aking iguguhit atsaka ibabakat namin ang aming mga kamay gamit ang pintura doon sa gitara. Napangiti ako sa aking naisip na plano.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon