Chapter 29

737 20 5
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Simula noong sinabi iyon ni Roux aaminin kong naging malaki ang epekto noon sa takbo ng aking isipan. Hindi ko na nga alam kung ilang minuto ko na ba hinahalo ang huling pintura sa baso bago ako kinalabit ni Roux.

"Hey, kanina ka pa tulala. Tapusin mo na iyan, malapit na magsimula yung event." sabi niya sa akin. Napailing-iling na lang ako at mabuti naman dahil kahit papaano ay bumalik na ako sa tamang pag-iisip.

"Mas maraming oras ka lang nilaan sa pagtulala, Aleister Cerys." sabi niya pa sa akin na parang hinihintay na lamang akong matapos. Napatingin ako sa paligid, kami na nga lang dalawa ang natira dito sa room na gumagawa ng painting.

Tinapos ko na lang ang aking painting ng dahan-dahan lalo na't small details ang mga natira sa gilid ng canvas.

"AC." tawag ni Roux sa atensyon ko. 

"Hmmm?" tugon ko nang hindi lumilingon sa kanya.

"I know that you're thinking with so many things, but Victoria didn't come to here today." sabi niya sa akin na kaagad kong ikinalingon.

"What?" tanong ko sa kanya. I thought she's here. 

"Yes, knowing her naman kapag nandito siya pupunta iyon agad sa atin. She's not the one we saw a while ago. She just looks like Vicah." sabi niya sa akin.

"Fudge. Tinanggap niya ba yung tulong na binigay natin sa kanya?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"Hindi. Binalik niya iyon sa bahay." sagot niya sa akin.

"What? Paano na yung hospital bills ni Tito? Ibig sabihin ba noon si Victoria ang gumagawa ng paraan para makapagbayad?" tanong ko.

"Ganoon na nga siguro. Until now hindi pa rin siya nagsasabi sa atin kung bakit nga ba nasa ospital si Tito, and why she can't accept our help." sabi niya sa akin. I sighed. Simula pa lang naman nung una ay ganiyan na si Victoria, but in this kind of matter, we need to take action.

"What time the music fest will start?" tanong ko sa kanya.

"We still have 3 hours before the first part of the program." sagot niya sa akin.

"Let's go there, please." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Ipinasok muna namin ang mga painting namin sa safe na lugar para iwas sira o huwag naman sana, sa sabotahe.

Nagmamadali kaming nagpunta sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

Hindi naman ganoon kalayuan ang bahay nila Victoria kaya hindi naman kami inabot ng kalahating oras sa pagbiyahe.

"That girl is making me worried so much!" sabi ni Roux habang inililiko na ang kanyang sasakyan. Hindi na ako umimik dahil maging ako ay nag-aalala na rin ng sobra-sobra.

Nang maihinto na namin ang sasakyan ay nagmamadali kaming nagpunta sa tapat ng bahay nila. Sabay pa kaming huminga ng malalim bago kumatok sa gate ng bahay nila Victoria.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto, lumitaw roon ang ina ni Victoria. Kitang-kita sa hulma ng mukha nito na may matindi silang pinagdadaanan. Malungkot na ngumiti ito sa amin at pinagbuksan kami ng pintuan. "Pasok kayo mga anak." sabi nito sa amin, nagmano kami kay Tita Cecilia bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Nakita namin doon ang dalawang batang kapatid ni Victoria na naglalaro ng lutu-lutuan. Lumapit si Lala at Nini sa amin at yumakap.

"Ate Wru! Ate Eyshi!" sabik na tawag ng mga iyon sa amin. Natutuwa naman namin silang niyakap pabalik. Bulol pa rin sila sa pagtawag ng pangalan namin, pinisil ko ng marahan ang kanilang matatabang pisngi tapos ay naupo na sa upuan nila.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now