Chapter 24

797 25 4
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Habang kumakanta siya ay nanatili lang ang mga mata ko na nakatuon sa kanya. Hindi namin binitawan ang mga tingin namin sa isa't-isa, ngunit mas lumalim pa iyon na akala mo ay nasa malalim na parte kami ng karagatan at nalulunod.

"Sinta..." pag kanta niya sa huling salita sa liriko ng kanta. 

I smiled at him, a smile that's new, that's pure of admiration and love. Yes, with love, I don't know where it all started, but I realize it by just looking at his eyes, I realize that I will go crazy if that eyes leaves mine.

"Ahm, Nagustuhan mo ba?" bakas pa ang hiya sa kanyang boses habang ibinabalik niya sa puwesto ang violin na ginamit.

"I did not just like it Kyst, I love it. Kahit anong performance mo ay gustong-gusto ko." sagot ko sa kanya and he smiled. 

"God. Stop making my heart beat fast, mi rosa." sabi niya at hinawakan ang aking kamay.

"I can't do anything about it, Kyst." sabi ko na lamang at natawa.

"I really hope that you like this place, Ali. Wala na akong ibang naisip na unique date place that's why I choose here at my brother's hotel and restaurant. But all of these designs are made by me, am I good, Ali?" tanong niya sa akin.

"Very." sagot ko naman at hinaplos ang kanyang kamay.

"Are you hungry, Ali?" tanong niya bigla sa akin.

"A little, let's eat?" sabi ko sa kanya. He nodded. He removed his hands from mine and started fixing our plates together with our foods.

Habnag inaayos niya ang pagkain namin ay pinagmasdan ko lamang siya na seryoso sa paglalagay ng pagkain sa mga pinggan, did I mention how gorgeous he is tonight? With that simple white polo na nakatupi hanggang sa kanyang braso at nakabukas pa ang dalawang butones sa unahan nito that reveals a silver necklace with a guitar shape, mayroon pang isang shape doon pero hindi ko siya ganoong maaninag. 

"Your necklace looks so nice, Kyst. Where did you get it?" di ko mapigilang tanong. He stared at me then stared at his chest. Iniangat niya ng bahagya ang kuwintas kaya nakita ko ang isang paint brush na hugis katabi ng hugis gitara na nakakabit sa pinaka lace ng kuwintas.

"I had it personalized, mi rosa. Decagon personally made it for me." sabi niya sa akin.

"Wow, Decagon is so talented too, huh?" sabi ko at pinagmasdan iyong kuwintas.

"It's actually a two necklace. Dapat ay mamaya ko pa ito ibibigay pero nakita mo na so here." sabi niya at may kinuhang maliit na kahon sa kanyang bulsa.

"This one is yours, mi rosa." sabi niya at binuksan iyon. 

"I'm sorry if it's not a gold necklace, I promise when I earned higher, I'll buy you a new one." sabi niya at tumayo bago isinuot sa akin ang kuwintas.

"I love it, Kyst. This one is more than enough for me." sabi ko sa kanya.

"I'm glad you loves it." sabi niya sa akin at ngumiti.

Kahit anong ibigay mo ay magugustuhan ko. Kahit na ang mga tingin mo palang sa aking mata ay malaking bagay na.

"Your stares are more than enough." mahinang bulong ko habang pinagmamasdan siya kumakain. Bumabagay ang kulay ng mga ilaw na nagmumula sa mga gusali sa kanyang mukha, gumaganda lalo ang kanyang imahe at binubusog ang aking mga mata.

"Mi rosa." tawag niya sa akin at nag-angat ng tingin.

"Yes?" sagot ko naman bago sumubo muli ng pagkain.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα