Chapter 45

1.4K 31 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"What?" tanong ko sa kanya.

"I'm planning to leave the band. Aalis na rin ako sa company. Babayaran ko na lang ang mga damages." sabi niya sa akin at ngumiti.

"You can't do that, Kyst Hames." sabi ko sa kanya.

"Why not, mi rosa? I want to focus to the both of you." sabi niya sa akin.

Marahas akong umiling sa kanya. Humigpit ang aking hawak sa kanyang kamay at mas kumapit pa sa kanya.

"No, don't do that, please." sabi ko sa kanya.

"Why? Are you still mad at me? Galit ka pa rin ba sa akin? Ayaw mo bang lumalapit ako sa inyo? May ayaw ka pa ba? Hindi ko na gagawin pangako." sabi niya sa akin.

"I won't let you leave your dreams just like you won't let me leave mine." sabi ko sa kanya.

"B-But, I want to make it up to the both of you." sabi niya sa akin.

"You can make it up to us, kahit na hindi mo iwanan ang pangarap mo. Tandaan mo, Kyst. Pinaghirapan mong buuin ang career na iyan. Marami kang pinagdaanang pagsubok, hindi ba? Huwag mong kakalimutan ang mga iyon." sabi ko sa kanya.

"Kapag nagpatuloy ako sa pagtugtog, magiging abala ako. Hindi ko na kayo mapagtutuunan ng pansin." sabi niya sa akin. I smiled at him, umiling ako sa kanya dahil hindi iyon totoo. 

"Iyon ba ang iniisip mo? Dahil nandito rin kami sa France, mahihirapan ka, ganoon ba?" sabi ko, tumango naman siya sa akin. 

"Hindi lang ako ang mahihirapan, mi rosa. Pati kayo, lalo na si Amarilla." sabi niya sa akin.

"Hindi ka mahihirapan. Hindi siya mahihirapan. Trust me." sabi ko sa kanya. Mukha naman siyang nagtataka.

"I will let you have her for the mean time, sayo muna ang anak natin sa dalawang taon na pag-aaral ko dito sa France. Isama mo muna siya doon sa Pilipinas, kung nasaan ka nararapat. Kung nasaan ang pangarap mo. Isama mo siya, hindi baling hindi niyo ako kasama, ang mahalaga, magkasama kayong mag-ama." sabi ko sa kanya.

"W-What? Magiging maayos ka ba kung wala siya sa tabi mo? Ayokong mahirapan ka. Tapos na ang naging paghihirap mo ng dahil sa akin." sabi niya sa akin.

"Mas mahirap para sa akin na isusuko mo ang pangarap mo para lang makasama kami. I know we're your family. But you can't just set aside your dreams. You can't set aside your love for music, Kyst. Kasi kaming mag-ina mo, nandito lang hindi ka namin iiwan, hindi kita tatakbuhan. Pero yung career mo, kailangan mo iyang ikandado, kailangan mo iyang pahalagahan. Pwede mo kami alagaan habang inaalagaan mo rin ang pangarap mo." sabi ko sa kanya.

"B-But, m-mi rosa..." saad niya na gusto pang tumutol. Ipinuwesto ko ang aking hintuturo sa kaniyang malambot na labi at ngumiti sa kanya.

"That's my request, can you grant it?" tanong ko sa kaniya.

"Yes, of course. Anything. I will do it for you." sabi niya sa akin.

"Kyst, I want to say something." sabi ko sa kaniya. Tumingin naman siya. Tumingin din ako sa kaniya at inilipat ang tingin sa kamay naming magkahawak.

"What is it, mi rosa?" tanong niya sa akin.

"I'm sorry." sabi ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at mas humarap pa sa akin.

"W-Why are you saying sorry? Y-You don't need to." sabi niya at humalik muli sa aking kamay.

"I'm sorry because I blamed you for everything. Sinisi kita sa lahat, kahit na ako naman ang nagdala noon sa sarili ko. Maling-mali na sinisi kita. Mali na sinisi kita dahil sa nasaktan ako. Tunay na hindi tama ang pag-iisip kapag hindi rin tama ang nararamdaman." sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora