Chapter 42

1.1K 33 10
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Aleister Cerys, tell me. She's mine, right?" tanong niya habang hawak pa rin ang aking mga kamay. Unti-unting nagsituluan ang aking mga luha at marahas na umiiling sa kanya.

"Wala akong dapat sabihin sayo, Kyst." sabi ko sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa aking kamay ngunit hindi sya nagpapatinag, at nanatiling nakahawak sa akin.

"Tell me, please." sabi niya, bakas sa boses niya ang pagmamaka-awa. Patuloy lang ako sa pag-iling at pilit na kumakawala sa kanyang mga hawak.

"Wala akong dapat sabihin sayo Kyst. Wala. Naiintindihan mo ba ako?" sigaw ko sa kanya.

"Enomis, halika na. Uuwi na tayo." pagtawag ko kay Enomis, mukha naman siyang nagtataka sa nangyayari ngunit sumunod na lamang siya.

"No, Enomis. Dito lang kayo hangga't hindi mo sa akin sinasabi ang totoo, Aleister." sabi ni Kyst. 

"Bitawan mo ako. Wala akong ipapaliwanag sayo. Matagal na tayong tapos hindi ba? Kaya wala ng rason pa para mag-usap tayo." sabi ko at marahas na tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin. 

"She literally looks like me. I know she's mine! Tell it to me, directly to my eyes. Aleister. Please." sabi niya sa akin at unti-unting napaluhod sa aking harapan. 

"S-Sir Kyst, why are you crying po?" tanong ni Enomis at inabutan ng panyo si Kyst. Mas lumakas pa ang paghikbi ni Kyst at niyakap ang kanyang anak.

"I know, I can feel it. Bakit ayaw mo sabihin sa akin?" tanong niya sa akin.

"Dahil hindi pa ako handa! Dahil ayaw pa kitang makita o makausap!" sigaw ko sa kanya.

"Mommy, Sir Kyst. Nag-aaway po ba kayo?" saad ni Enomis at unti-unting humikbi.

"Shh, baby no. W-We're just talking." kalmadong saad ni Kyst at pilit na pinapatahan ang kanyang anak. Ang mga imaheng aking nakikita ay naging dahilan upang bumigay ang pader na pilit ko ginagawa, hindi ko na kayang ipunin ang mga nararamdaman kong ito. Ayoko nang maging madamot pa. 

"Yes. Y-Yes. She's your daughter. She is. Are you happy now?" saad ko.

"M-Mommy?" nagtatakang saad ni Enomis sa akin.

"Let us go. Pabayaan mo na kami. Please." sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at niyakap ng mahigpit si Enomis. Lumalakas ang kanyang paghagulgol at patuloy na hinahaplos ang likuran ng kanyang anak. 

"H-Huwag ka mag-cry po p-please." saad ni Enomis habang humihikbi.

Tanging mga hagulgol lamang nilang dalawang mag-ama ang naging laman ng buong silid. Tahimik lamang ang ibang taong nandito, maging ako. Wala na akong masabi pa. Dahil masakit makita na kapwa silang lumuluha.

"What's this noise all about?" napatingin kaming lahat nang biglang may pumasok.

"M-Manager." tawag nila rito.

"Kyst Hames, ano ito? Hindi bawal ang outsiders sa back stage? Paalisin mo sila ngayon din." sabi nito kay Kyst. Hinawakan pa ako nito sa braso at iginigiya sa pintuan nang biglang tumayo si Kyst at hinila ako papalayo roon sa Manager nila.

"Don't touch her." saad ni Kyst.

Mukhang nagulat naman ang manager sa inasta ni Kyst.

"Kyst Hames, you know the rules. Kung sino man ang mga 'to, paalisin mo dito. Hindi nila kayo pwedeng makita dito sa back stage." sabi pa nito at halatang galit na.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora