Chapter 39

1K 31 10
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Maaga akong nagising dahil ngayong araw ang kaarawan ng aking anghel.

Pagkababa ko sa unang palapag ng aming bahay ay gising na rin pala sila Mommy and Kuya Allen. Hindi sila papasok ngayon sa company dahil birthday ni Enomis.

"Good Morning Ma! Kuya!" bati ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin at binati ako pabalik.

"Kumain ka na rito, para nasimulan na rin natin agad ang pagdedecorate sa garden." sabi ni Mommy. Kumuha ako ng bread toast at kinain na iyon ng mabilisan dahil dapat matapos na namin ito kaagad bago pa magising ang mahal na prinsesa. Ilang sandali pa ay may nag door bell. Si Kuya Allen na ang nagbukas noon, habang umiinom ako ng gatas ay nakita kong pumasok na sa bahay namin si Victoria, Roux at Brandy. Nagsabay na pala sila sa pagpunta rito.

May dala silang malalaking kahon na tiyak kong regalo nila kay Enomis.

"Good Morning po, Tita, Kuya Allen." bati nilang tatlo.

"Good Morning din." sabi ni Kuya at Mommy.

"Magdecorate na kayo roon sa garden, magpatulong na lang din kayo kay Manang at Manong Baron. Kami na bahala ni Kuya Allen niyo sa mga pagkain." sabi ni Mommy. Tumango na kami at nagpunta na sa garden.

Mabuti na lang din ay may bubong ang kaunting parte ng garden. Mayroon kami mapaglalagyan ng mini stage.

Si Brandy ang nagpuwesto ng mga kahoy na para sa mini stage at nang matapos niya iyon ay kaming tatlo naman nila Victoria ay nag decorate nito habang si Brandy ay nagpapalobo ng mga balloons.

Kulay yellow ang theme ng birthday ni Enomis dahil iyon ang paborito niyang kulay. Nilagay namin ang mga yellow foil curtain sa dingding ng mini stage maging ang paarkong mga lobo sa itaas nito. Naglagay din kami ng mga lights para maganda ang liwanag ng stage. May mga sunflower din na bulaklak sa gilid para mas maging maganda pa iyon. Nilagay din namin ang mga letra na gawa sa styro na may nakalagay na Happy 5th Birthday Amarilla Enomis. Tapos si Brandy naman ang naglagay ng upuan na kulay itim sa gitna maging ng malaking number 5 na may mga ilaw sa gilid na parte ng mini stage. Naglaan din kami ng isang mesa para sa cake ni Enomis at para sa mga regalo niya. 

Nagtulung-tulong na lang din kami sa pagpupuwesto ng mga lamesa at upuan para sa mga bisita. Naglagay kami ng mga lobo sa mga upuan na para sa mga bata, maging sa dingding din ng bahay at sa poste ng maliit na silungan ng garden. May mga bandera din na color yellow kaming nilagay sa paligid, at nagmukha talagang children's party ang garden. Natuwa naman ako sa kinalabasan. 

Nang magtanghali na ay tinulungan na rin namin sila Mommy at Kuya Allen sa paglalagay ng pagkain sa lamesa. 

"Kami na ang bahala rito. Mag-ayos ka na roon, ayusan mo na rin ang birthday girl, gising na daw sabi ni Manang." sabi sa akin ni Mommy.

Nagmamadali akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Sumalubong sa akin ang nagkukuskos pa ng mata na si Enomis.

"Good Morning to my baby! Ligo na po tayo." sabi ko sa kanya.

"Kumain na po siya ng breakfast Manang?" tanong ko.

"Oo hija." sagot ni Manang sa akin. 

"Salamat po. Paliguan ko lang po siya." sabi ko at nagpunta na kami sa kuwarto niya.

"Baby, it's your birthday today, gising na. Inaantok ka pa, sige ka yung friends mo parating na sila." sabi ko. Kaagad naman siyang bumangon at nauna na pumasok sa banyo. Mahina naman akong napatawa sa inasta niya.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon