Chapter 15

1K 35 7
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ay dapat ay babalik na ko sa puwesto namin nila Roux para gawin ang group work namin, pero biglang nagpatawag ang basketball team, kaya wala akong nagawa kung hindi magpasama na lang muna sa dalawa.

"Bakit ba hingal na hingal ka?" tanong ni Roux sa akin, habang inabutan ako ni Victoria ng panyo kaya pinunasan ko na ang aking pawis.

"Di ako makakasama agad sa paggawa ng group work natin, pinapatawag kasi ako ng basketball team sa main court, kukunin ko lang muna itong gamit ko." sabi ko sa kanila at isinakbit na ang aking bag.

"Teka lang, sasama na kami. Kaya naman nating tapusin 'tong group work mamaya." sabi ni Roux tapos kinuha na rin ang kanilang mga bag tapos nagsimula na kaming maglakad papunta sa main court.

"Ayos lang ba na sasama kayo sa akin?" tanong ko sa kanila habang naglalakad.

"Oo naman, ano ka ba. Dapat ka naming samahan no, syempre ito ang first time mo na mag-muse." sabi nila sa akin, natawa na lang ako ng mahina bago pinihit ang pinto ng main court, pagkapasok namin ay ramdam ko na ang lamig mula sa airconditioner tapos puno ng tao ang court dahil nandoon rin pala ang soccer team.

"Nandito rin pala ang soccer team. Oh my gosh ang gwapo nila at ang fresh." sabi ni Roux kaya muntik ko na matakpan ang bibig niya, tapos ay nagsitinginan ang iba sa kanya.

"Bunganga mo talaga Rouxelle." sabi ni Victoria.

"Gagang 'to. Di mapigil bunganga, kaya pala sumama kayo sa akin." sabi ko sa kanila, tumawa na lang sila sa akin tapos ay naghanap na kami ng mauupuan.

"Dito muna tayo, tatawagin naman siguro ako ni Brandy kung kailangan na ako roon." sabi ko sa kanila. Napansin ko na may kasamang babae si Kyst, siguro ay ito na ang nakuha nilang muse, nagulat pa nga ako ng bahagya dahil nakakapit na ito kaagad sa matipunong braso ni Kyst.

Habang si Kyst naman ay tila naggagala ang mga tingin, hindi ko alam pero hinihintay kong magtama ang kanyang pagtingin sa akin. At hindi nga ako nagkakamali.

Nang magtama ang aming mga tingin ay nakita ko kung paano unti-unting kumurba ang kanyang labi sa kanyang ngiti. Nakita ko pa kung paano niya biglaang inalis ang pagkakakapit ng babae sa kanyang braso at nagmamadaling lumapit sa aming puwesto.

"Ali!" pagtawag niya sa akin. Napakalawak ng kanyang mga ngiti ganoon din ang aking ibinalik.

"Hi Kyst!" pagbati ko sa kanya. Kumaway naman ang dalawa sa akin.

"Hindi ka ba nilalamig, Ali? Malamig dito." sabi niya sa akin.

"Hindi naman gaano." sabi ko sa kanya, ramdam ko rin ang lamig dahil manipis lamang ang tela ng suot kong damit. Nagulat ako nang bigla na lang niyang hinubad sa aking harapan ang suot-suot niyang long sleeves na jersey. Iniabot niya ito sa akin, at amoy na amoy ko ang napakabangong panlalaking pabango niya.

"Wear this first, I heard that this will take long. I got to go, mi rosa. See you around." sabi niya bago bumalik sa kanyang puwesto. Dahan-dahan kong isinuot ang kanyang jersey, at rinig na rinig ko ang maliliit na hagikgik ng dalawa kong kaibigan. Nagmukha akong naka dress sa laki ng suot kong jersey. 

"Lozano, 25." bulong pa ni Roux na halatang nang-aasar, ganoon din ang mga mapang-asar na tawa ni Victoria. Nagmistula akong tanga sa sobrang pamumula at malawak na pag ngiti.

"Sana maayos ka lang AC, kanina ka pa nakangiti. Tinatawag ka na ng basketball team." hindi ko na namalayan na matagal na palang magkatagpo ang aming mga tingin ni Kyst. 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon