Chapter 27

803 27 9
                                    


(Enjoy Reading!)

~0~

Lumipas ang isang oras bago tuluyang dumating si Kyst. Ayos lang naman iyon sa akin, naging dahilan para iyon para makapag-ayos pa ako ng sarili. Bumaba siya mula sa kanyang kotse, ibang kotse ang gamit niya ngayon, hindi na yung sports car ang ginamit niya. Pagkababa pa lang niya ay kakaiba na ang dating niya sa akin, hindi mo talaga masisisi ang mga babae sa school namin dahil totoo talagang guwapo at malakas ang dating ni Kyst, lalo na at may pagkasuplado pa siya na mas nakakadagdag dating.

He's wearing a black suit and a white polo underneath, he looks so formal today. Kitang-kita na nanggaling siya sa isang formal event.

Tinanggal niya pa ang suot niyang shades bago hinawi ang kanyang mahabang buhok na tumatabing sa kanyang magandang mukha dahil sa lakas ng hangin sa lugar na ito. Nang magtagpo ang aming mga mata, doon na iyon napuno ng masayang emosyon.

"Mi rosa!" masayang pagtawag niya sa akin bago ako sinalubong ng mahigpit na yakap na akala mo'y ilang taon kaming hindi nagkita.

"You missed me?" tanong ko sa kanya habang hindi pa rin bumibitiw. I felt him kissed my forehead as he always do.

"Damn much." sagot niya bago bumitiw at hinawakan ang aking kamay.

"Wow." sabi niya habang iginagala ang kanyang mga mata sa puwesto na pinag-decoran ko.

"You like it?" tanong ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa kanyang mga mata.

"Fudge. You're effort made my heart beat so crazy. Love! This is so wonderful. Thank you mi rosa." sabi niya sa akin, kitang-kita sa mga mata niya na naaliw siya sa mga dekorasyon na nilagay ko.

Ang naging ayos kasi ay malapit sa isang puno na may duyan na gulong at ang mga kumot ay nakasabit sa aking sasakyan para magsilbing bubong namin. Para siyang naging picnic pero marami ang dekorasyon, makukulay ang mga iyon at bumabagay sa sinag ng araw na tumatama sa puwesto namin.

"I really love the set up, Ali." sabi niya sa akin, hindi siya makamove-on kaya natatawa ako.

"Halika na at umupo na tayo, kaso ang guwapo guwapo mo sa suot mo na iyan parang di bagay umupo sa damuhan." biro ko sa kanya.

Natawa naman siya at napailing na lang sa sinabi ko bago ako inalalayan sa pag-upo sa latag namin na kumot. Iba talaga ang simoy ng hangin dito, malalanghap mo ang amoy ng mga berdeng-berde na mga halaman. Iba ang hangin, malamig at presko kaysa sa hangin sa siyudad na puno na ng usok.

"Happy Birthday my love." bati ko sa kanya. 

"Are happy right now?" tanong ko habang inaayos ko ang kanyang buhok na hinahangin.

"I am, I can't explain how happy I am to celebrate this day with you." sagot niya sa akin.

"You know what love, Mom helped us, I mean the band to enter an entertainment and hopefully it will turn out great." sabi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. I hugged him and smiled.

"Oh my God! That's great, Kyst! I will look forward to it, I know the band can make it, and make it for more." sabi ko sa kanya. He smiled at me, his smile is so clean and genuine, sumasalamin sa kanyang ngiti kung gaano siya kasaya.

"Seeing you being proud of me is the best gift ever. I never thought someone would be proud for me. Thank you love for appreciating me. Thank you for appreciating what I can do and what I am." sabi nito sa akin.

"It's your birthday Kyst, don't you dare make me cry!" sabi ko sa kanya at sumubsob sa kanyang dibdib sabay palihim na pinunasan ang luha na nakatakas sa aking mata.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now