Chapter 10

1.3K 48 28
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Muntik na ko mabinlaukan ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Mukha siya bata na sabik na sabik mayakap ang ina. And the most surprising is, he's f*cking smiling.

"Apo, kilala mo ba sila?" tanong ni Lola Lily.

"Si Ali po ang kakilala ko, I mean Aleister po, Lola." sabi ni Kyst at ngumiti sa akin. Hindi na ako nahiya pa at ngumiti rin pabalik sa kanya.

"Ali?" sabay na sabi ng magaling ko mga kaibigan na halata sa boses nila ang pang-aasar.

"Bakit mo pala ako hinahanap?" pagtatanong ko bago kumain muli ng halo-halo.

"Yayayain sana kita manood sa practice namin sa soccer, if it's okay to you, of course." sabi niya sa akin.

"Game diyan si Ali, sakto pala nandiyan na ang sundo ko, halika na Victoria, sabay na tayo umuwi, hindi ba may gagawin ka pa?" sabi ni Roux bago inubos ang halo-halo niya ganoon din si Victoria, kapwa sila ngumisi sa akin ng malawak bago tuluyang lumabas ng tindahan.

"Pumupunta ka pala dito." sabi niya at naupo sa aking tapat.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain, habang binigyan din siya ni Lola Lily ng baso ng halo-halo.

"Simula noong dito kami nag-aral nila Roux, palagi kami dumidito." sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kayo napapansin." sabi niya.

"Busy kayo sa banda eh." sagot ko. Muntik ko na matampal ang aking bibig. Nagtaas ang kilay niya na parang nagtataka sa sinabi ko.

"How did you know?" nakangiting tanong niya sa akin.

"N-Narinig ko lang." nauutal na sagot ko at binalingan na lang ang walang laman na baso. I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya. He looks so happy, unlike the first time I saw him.

"Really?" sabi niya at may kinuha sa kanyang bulsa.

"O-oo." nauutal pa rin na sagot ko. Nahihirapan ako magsalita dahil sa sobrang pagkalunod ko sa mga tingin niya.

"Tara na?" pag-aaya niya sa akin nang matapos na rin siya kumain. Hindi ko na maalala kung ilang minuto ko siya tinitigan habang kumakain, baliw na ata talaga ako.

Tulad ng ginawa niya kanina, ay kinuha niya muli ang aking tote bag. Nauna siyang maglakad at pinagbuksan ako ng pintuan. 

Nang makalabas kami sa tindahan ay binilisan ko ang lakad ko para makapantay ako sa kanya, dahil nga malaki siyang tao, ang laki rin ng mga hakbang niya.

I heard him chuckled that's why my eyes focused on his smiling face, I almost jumped into my place when his hands held mine.

"You looks so cute, Ali." sabi niya and patted my head.

I look like a red tomato for sure because of my cheeks that I can feel that is heating.

"You look like a red rose. Mi rosa." sabi niya at ipinasok ang aming kamay sa kanyang bulsa.

Hindi na ako pumapalag pa dahil hindi ko naman maitatanggi na nagugustuhan ko ang mga nangyayari. I like him so much that it bothers me that I can't stop this anymore.

"Your hands is so smooth, I feel like I'm holding a cotton balls." sabi niya kaya natawa ako.

"Chansing ka na ha." sabi ko sa kanya.

"Okay naman ata sayo?" sabi niya at alam kong may halo iyong pang-aasar. Akmang tatanggalin ko na ang pagkakahawak ko sa kamay niya ng bigla niya itong mas higpitan pa.

"Don't let go, mi rosa." sabi niya. Natulala na lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa soccer field.

Nakita ko na ang mga ka-banda at ka-team mates ni Kyst kaya di ko rin maiwasang mamangha, lahat sila ay mamaganda ang mga itsura at hulma ng katawan, sayang at wala ang dalawa, panigurado ay magkakaroon na naman ang dalawang yun ng bagong crush. Nailing na lang ako sa naisip ko. Inalalayan ako ni Kyst na maupo sa unahang bench. Inilagay niya ang suot niya jacket sa aking hita upang takpan ito. I smiled, why is he so thoughtful? He's being illegal, and bad for my heart.

"Hames! Tawag ka na ni Coach!" narinig ko pagtawag sa kanya ni Decagon. He stared at me and put his cap on my head. I saw how his hair tied neatly. He looks so manly. He smiled at me before going in the bathroom in the side part of the court.

Nakatingin sa akin ang mga ka-team ni Kyst at parang nagtataka pa, nagulat ako ng lumapit sa akin si Decagon.

"Teka nga, sino ka?" tanong niya. Kinabahan ako ng kaunti pero naalala ko ang sinabi ni roux na mabait naman daw si Decagon at mapagbiro.

"Ako si Aliester, AC na lang." sabi ko sa kanya, ilang sandali pa ay halos lahat na sila ay nasa harap ko habang si Decagon ay binabalita ang pangalan ko.

"Ano mo si Hames?" tanong niya.

"Sa tingin ko ay magkaibigan kami!" sagot ko sa kanila. Maya-maya pa ay dumating na si Kyst at pinaghahampas ang mga ka-team niya.

"Anong ginagawa niyo kay Ali?" tanong nito. Bumalik na naman sa pagiging malamig ang kanyang boses.

"Tinanong lang namin kung ano pangalan, Cap!" sagot ng isang ka-team ni Kyst.

"Ali? Akin lang ikaw? Hames dami mo na hindi sinasabi sa amin!" sabi ni Decagon at sumimagot.

"Daming mong alam Decagon. Ali kasi Aleister. G*go!" sabi ni Kyst.

"Totoo ba, di ako naniniwala. Sino talaga yan si Ali?" tanong naman ni Axis.

"Don't call her Ali. Call her by her full name." sabi ni Kyst at lalong kumunot ang noo. Nagsitawanan ang mga ka-team niya kaya nagtaka din ako.

"Sayo ba?" tanong ni Axis.

"Shut the f*ck up Axis." sabi ni Kyst.

Nagsimula na pumito ang coach nila kaya nagmamadali na ang team na bumalik sa court. 

"Wait me here mi rosa. I'm going to treat you for early dinner." sabi niya at ngumiti.

Ngayon ko lang napansin that he's wearing a yellow jersey pero iba ang design unlike sa basketball team. His number is 25, Lozano. He looks dazzling, ganito ata talaga ang mata ko pagdating sa kanya, hindi pumapangit, pero mas gumaganda pa. 

Wala naman akong alam sa sport na nilalaro nila, I can see that he's a pro-player, maybe that's why he's the team captain and mvp.

Tinatangay ng hangin ang nakatali niyang buhok sa tuwing tumatakbo siya at sa tuwing sumisipa ang kanyang paa ay palaging kasunod noon ang salitang goal.

How can he manage this? Playing soccer, going on gigs and studying? How much stress he have right now?

I'm just amazed, totally. Kahit wala akong alam sa soccer, nalilibang ako at hindi naiinip dahil sapat na sa akin ang makita siyang masaya sa ginagawa niya.

He looks so precious when he's happy doing what he wants. That's the one reason that made my heart fall even more deeper. I feel like I'm being drop from a tall building and being caught by his arms. 

"Kyst Hames, di ko na ata kayang pigilan pa 'to." bulong ko sa hangin habang dama-dama ang puso kong nagmamadali sa pagtibok.

~0~

The Captivating Chaos Series Book I: Unpleasantly Captivating

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 


Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now