Chapter 12

1.1K 40 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Kumain na tayo." sabi ni Kyst ng makuha na niya ang order naming dalawa.

Umorder kami ng chicken and rice, tapos ay dalawang chocolate sundae, mayroon ding dalawang basong soft drinks. Simpleng-simple, pero malaking bagay na sa akin, lalo na't kasama ko siya.

"Okay lang ba talaga 'to sayo? May gusto ka pa ba?" tanong niya sa akin.

"Ikaw." sagot ko ng wala sa sarili. Napansin kong napatigil din siya sa kanyang pagkilos.

"Ibig kong sabihin ay, ikaw ba? may gusto ka pa bang idagdag?" sabi ko at nag-iwas ng tingin. I heard him laughed kaya napatingin ako sa labi niyang nakangisi.

"You look so cute, fudge." sabi niya tapos siya na ang nagbukas ng kanin ko, inilapag niya iyon sa aking pinggan, tapos ay nilagyan din ng straw ang aking coke, at binuksan pa ang sundae ko. I smiled. I can't help it. I felt my cheeks keeps on burning. 

"Kumain na tayo, baka gabihin ka na." sabi ko sa kanya. Nagsimula na akong kumain. Ganoon na rin siya, habang kumakain kami, patuloy pa rin ang pagpapalitan ng mga tingin namin sa isa't-isa. 

"I'm sorry if I just dragged you here, and there at the soccer field." sabi niya sa akin.

"Why saying sorry?" tanong ko sa kanya tapos natawa ng bahagya.

"I just felt it. Pakiramdam ko mali yung bigla-bigla na lang kita niyaya, alam mo naman, hindi pa tayo gaano magkakilala." sabi niya sa akin tapos ay atsaka nagpatuloy kumain.

"Ano ka ba, hindi naman ako sasama sayo, kung hindi ako pumapayag, hindi ba?" sabi ko sa kanya. I saw how his face became relieved. 

"I remember seeing you in the rooftop before, why were you there?" tanong niya bigla. Iyon, naalala pa pala niya ako, akala ko ay hindi.

"I was crying that time." sabi ko sa kanya, napangiti na lang ako habang inaalala ko ang nangyaring iyon.

Nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha. I smiled at him, and nodded, saying that's it's true.

"Really? Hindi ko gaanong napansin, I'm actually surprised to see you there. Wala naman kasing pumupunta roon sa rooftop, kadalasan ay ako lang." sabi niya sa akin. Kinuha niya ang isang tissue tapos ay pinunasan ang aking labi, na ngayon ko lang napansin na may sauce pala ng gravy.

"T-Thank you, Kyst." sabi ko sa kanya.

"You sang there before, do you always do that there, including the smoking?" tanong ko sa kanya.

"Yes." sabi niya sa akin. Tapos ay nainom siya sa kanyang baso ng coca-cola.

"Why?" tanong ko sa kanya.

Inabot niya ilang segundo, ngunit naging tahimik lang ang paligid. Hindi siya sumasagot o gumagawa ng ingay.

"Sorry, don't bother to answer it, Kyst." sabi ko at ngumiti ng nanghihingi ng paumanhin.

"I always sing there, Ali. But I'm smoking when I feel frustrated and pressured." sabi niya sa akin pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay. Hinaplos niya ito ng dahan-dahan. Halos nasakop na ng palad niya ang buong kamay ko.

"It's alright, I understand. I won't talk anymore, I won't ask questions if you're not comfortable." sabi ko sa kanya at ngumiti, upang pagaanin sana ang bumibigat na paligid.

"No, it's okay. I'm comfortable with you, mi rosa." sabi niya sa akin.

"Like what I told you, music is my second course. I took the course first that I don't even want. I can't do anything. I need to follow my parents, for the sake of what they f*cking want that the best for me. I graduated but I never helped in our company, I didn't promise them anything." sabi niya sa akin.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now