Chapter 7

1.3K 41 6
                                    

(Enjoy reading!)

~0~

I'm wearing a simple white dress pairing a cute black doll shoes, I stared at my reflection in the mirror and smiled a bit. My outfit is perfect for today. Kinuha ko na ang tote bag ko na may lamang mga art materials, pati na rin ang mga gamit na kailangan ko, tulad ng cellphone, wallet, notebook at pen. Maaga ang klase namin ngayong araw, and we're going to paint again, luckily I feel so inspired today kaya I have some ideas for my painting later.

Bumaba na ako sa unang palapag ng aming bahay, I saw Kuya Allen staring at me while raising his eyebrows. Sungit.

"You're wearing white and you're going to paint? Seriously Aleister?" sabi ni Kuya. I just laughed.

"Hindi naman ako madumi magdamit, Kuya atsaka, I like my dress." sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya at inubos ang kape na kanyang iniinom.

"Ihahatid kita sa school mo, I don't have any works today." sabi niya at inayos ang kwelyo ng kanyang suot-suot na polo.

"Thank you Kuya! Libre mo ko." sabi ko sa kanya. tumawa siya at nagsimula na maglakad papalabas.

Sumunod na ako kaagad sa kanya, huminto siya sa tapat ng kanyang black fortuner at pinagbuksan ako. I smiled and thanked him before sitting. I feel so happy today, and of course excited, to see him.

 "You look so excited." pagpuna ni Kuya habang nagsimula na siyang magmaneho.

"I am." sabi ko at ngumiti.

"Anyways, Kuya, nasaan pala sila Mommy? parang hindi ko sila nakita kagabi." sabi ko. 

"They are in Australia, kahapon ang flight, hindi na sila nakapagpaalam because the meeting urgent." sabi sa akin ni Kuya, tumango na lang ako. Actually, there's nothing new, palagi naman silang may business meeting sa ibang lugar, I just can't help but to feel sad kasi hindi man lang sila sumisilip o nagpapaalam man lang sa akin, sa amin ni Kuya. Malalaman na lang namin sa secretary nila.

"Don't be sad, babalik rin naman sila, atsaka nandito naman si Kuya." sabi niya sa akin. I know. Babalik sila, pero aalis ulit, palagi na lang. Si Kuya Allen lang ang palagi kong kasama kaya si Kuya lang halos ang kilalang-kilala ako.

"I'll treat you a large milk tea, so smile now." sabi ni Kuya, I forced a little smile at stared at the car's window.

Ilang sandali pa nga ay tumigil na ang sasakyan sa isang milktea house, sa drive thru nito. 

"Can I have 1 large sized chocolate mousse milktea and 1 medium sized cappuccino milktea, thank you." sabi ni Kuya. He really knows my taste in drinks. Hinintay lang namin iyon mai-prepare at pagkatapos ay kaagad na rin kaming umalis.

"Thank you for this Kuya!" pasasalamat ko bago nagsimulang uminom.

"Eat your lunch, don't forget it. Eat on time." sabi ni Kuya bago ako tuluyang bumaba sa kotse at pumasok na sa school.

Nakangiti lang akong naglalakad, nakasalubong ko pa si Brandy, habang kasama ang kanyang mga team mates, they are all wearing their jerseys and I can't deny that they look great with it.

"Hey gorgeous! What a nice view in my morning." sabi niya tapos huminto sa aking harapan. Binuksan niya ang kanyang bag at inilabas roon ang kahon ng natitiyak kong cupcake.

"For you." sabi niya sa akin at inabot ang kahon. I smiled at him.

"Thank you for this Brandy, I love your cupcakes!" sabi ko sa kanya.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now