Chapter 36

992 36 20
                                    

(Enjoy Reading!) 

~0~

"Miss Alves, I want to say you're brave because you can now stop attending your therapy sessions with me. We've reach the goal, Miss Alves." bigkas ni Doktora Kia na ikinatuwa ng aking puso.

"You heard that Mommy? Roux? Victoria?" sabi ko at tumingin sa mga kasama ko, they are smiling wide like me. I feel so happy today.

 I was diagnosed with Major Depressive Disorder four years ago. I suffered so much that sometimes I can't help but to hurt myself. 

It took me a year to finally recover. And I am happy. Beyond happy. 

I can finally take care of my princess without thinking about my possible anxiety attacks. I can finally take care of her without any problems and hindrances.

"We know that you can get through it. Kinaya ko nga hindi ba? Ikaw pa kaya AC?" sabi ni Victoria. She was diagnosed too with Major Depressive Disorder four years ago too. She finished her therapy sessions last month. Halos magkasabayan lang kami, and Roux never left our side.

Masayang-masaya ako kasi hindi na ako mag-aalala para sa kalagayan ng anak ko, kasi maayos na ako, hindi ko na siya kailangang ilayo sa akin kapag inaatake ako ng anxiety ko, hindi ko na siya kailangang ilayo dahil sa takot kong masaktan siya. Kasi nandito na ako ulit. Buo na ako ulit. Kaya ko na ulit. Matatag na ako. Mas matatag pa.

"For sure Nomi will be happy." sabi sa akin ni Mommy.

"I can't wait to see her Mommy." sabi ko naman. Sumakay na kami sa kotse dahil balak naming sunduin sa school si Nomi.

"Since both of you are now finally okay, what are your plans here in France?" sabi sa amin ni Roux.

My family and Victoria's are currently staying here in Paris, France. While Roux is still staying in the Philippines, she's just visiting us every month.

"We'll stay here, we're planning to build a small art gallery here." sabi ko.

"Wala ba kayong balak bumalik sa Pinas?" tanong niya sa amin. Natigilan kami roon.

"Hindi na siguro. Masaya naman na ako dito." sabi ko na lang at ngumiti.

"Ako din, masaya naman na rin ako dito." sabi ni Victoria.

"I understand. Pero next flight ko kayo naman magbayad ng ticket, akala niyo ba ibang street lang 'tong France?" sabi ni Roux kaya natawa kami pare-pareho.

"You can manage it, mayaman ka naman pati si Max." sabi ni Victoria. 

"Hindi kami bati ngayon." sabi niya kaya natawa naman kami sa kanya, mukhang yamot na yamot siya kay Maximus ngayon.

"At bakit na naman?" tanong ni Victoria.

"Pumayag ba naman magpahalik sa pisngi sa fan niya. Sarap i-washing machine ng bibig para luminis." sabi ni Roux at sumimangot pero tinawanan lang namin siya.

"Ganoon talaga, fan service kuno." sabi ni Mommy.

"Nakakainis pa rin kaya Tita. Tapos hahalik sa akin pag-uwi, kadiri." sabi ni Roux kaya natawa lang talaga kami sa kanya. Bukod sa nakakatawa ang mga sinasabi niya, nakakatawa din ang itsura niyang lukot dahil kakasimangot.

"Tama na iyang kaka-rant mo sa amin, selosang asawa. Nandito na tayo sa school nila Nomi, baka makita niya mukha mo at umiyak pa ang bata." sabi ni Victoria, sumasakit na ang tiyan ko kakatawa sa mga 'to.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now