Chapter 41

1.1K 36 20
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Hindi ko batid kung bakit inabot pa ako ng ilang minuto bago siya itulak papalayo sa akin.

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang mapagtanto kong nagkita kami ngayon, na hindi dapat. 

"Ali, why are you here?" tanong niya sa akin habang pilit na hinahawakan ang aking kamay.

"It's not your business." sabi ko sa kanya.

"Yeah. But I'm happy to see you here." sabi niya sa akin.

"Well, I don't." sabi ko at tinalikuran na siya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib. Hinawakan ko iyon at hinaplos, baka sakaling kumalma ang tibok nito.

Ang nakataling buhok ko ay nilugay ko na lamang, sinuot ko na rin ang aking face mask at isang sunglass. Tiyak makikita niya ako kapag hindi ko itinago ang aking mukha, bukod sa makikita niya ako, makikita niya ang anak ko, na ayaw kong mangyari. Dahil hindi pa ako handa. 

Nagmamadali akong bumalik sa venue, mabuti na lang ay hindi ako naligaw lalo na't puno na nga mga tao ang venue hindi tulad kanina na sakto lang.

Hingal na hingal ako napaupo sa aking upuan. Kinuha ko ang isang bottled water at diretsong ininom iyon. Nakatingin ang dalawa sa akin nang binalik ko sa pagkakalagay ang mask ko sa aking bibig.

"Are you okay? Bakit parang nagmadali ka?" tanong ni Roux.

"I saw him." mahinang saad ko, hindi naman iyon narinig ni Enomis dahil nakapokus na ito sa nagsasalitang host sa stage.

"What?!" sabi niya. Tumango ako at hinaplos muli ang aking dibdib. Malakas pa rin ang kabog noon.

"It's okay, hindi naman niya siguro tayo makikita dito. Ako pwede niya pang mamukhaan, pero ikaw, hindi ka naman niya siguro mamumukhaan diyan sa suot mo. Huwag ka na kabahan." sabi niya sa akin.

Kahit papaano naman ay kumalma ang pagtibok ng aking puso. Inayos kong maiigi ang mask ko at sunglass, para siguradong hindi niya ako mamumukhaan.

"Welcome to the Captivating 2021! This is the last event and the Captivating 2021 Tour will end. Are excited Captivaters?" sabi ng host. Captivaters pala ang tawag sa mga fan ng banda nila. Nakakatuwa naman, samantalang noon, nanonood lang talaga kami sa kanila.

Nanghiyawan naman ang mga tao, halos mga kababaihan ang nandito kaya malalakas ang kanilang mga tili, at isinisigaw pa ang mga pangalan ng paborito nilang miyembro ng banda.

"Let's all welcome, The Captivating Chaos!" saad ng host bago umalis ng stage, lumabas na ang banda hawak-hawak ang kani-kanilang mikrophono.

"Good Evening Paris! We're The Captivating Chaos!" sabay-sabay nilang saad. Tumayo na ang ilang tao maging si Enomis at tumatalon na, binabanggit at sinisigaw niya ang pangalan ni Kyst na tila naririnig siya nito.

"We're going to sing our greatest cover hits." sabi ni Kyst na siyang nasa gitna na. Ganoon pa rin siya, tila walang pakialam sa paligid at tanging ang mikropono lang ang mahalagang bagay para sa kanya.

"Let's go, Paris!" sigaw niya bago sila nagsimulang tumugtog. Ang mga tao ay mas lumakas pa ang mga hiyaw nang nagsimula na kumanta si Kyst.

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Habang siya ay kumakanta, kitang-kita ko kung paano gumagala ang kanyang mga mata sa paligid, pasimple lamang iyon ngunit ako, pansin na pansin ko iyon.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now