Chapter 14

962 36 9
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Buong klase ay halos nakatulala na lang ako, pinagalitan pa ko ng isang prof namin dahil mali ang pagkaka-mix ko ng paints kanina. Hindi mawala sa isip ko yung text sa akin ni Kyst. Hindi ko magawang magreply pa dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi na ako pwedeng maging muse ng soccer team. 

Hawak-hawak nila Roux at Victoria ang magkabila kong kamay habang papunta kami sa cafeteria para kumain ng lunch.

"Kanina ka pa tulala girl, anong problema?" sabi sa akin ni Roux. Naiwan pala kaming dalawa dito sa upuan, at si Victoria ang nag-order para sa amin.

"It's just that, I can't say no to Kyst. But I can't also say no to Brandy. They both wanted me to be the muse of their team." sabi ko sa kanya.

"Really? Why didn't you choose the soccer team?" tanong sa akin ni Roux. I sighed.

"Right after I said yes to Brandy, Kyst texted about that. I can't say anything anymore." sabi ko na lamang.

"It's not your fault that Brandy came first. That the basketball team got you first." sabi ni Roux at tinulungan ang papalapit sa amin na si Victoria. Inilapag nilang dalawa ang tray ng mga pagkain namin pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkwentuhan.

"What's the matter?" tanong ni Victoria pagkakaupo pa lang niya.

"Ito kasing si AC, kinukuha rin ng soccer team bilang muse, di niya alam sasabihin niya kay Kyst kasi nakuha na siya ng basketball team." sabi ni Roux. Di na ako kumibo at pinaglaruan na lang ang straw ng inumin ko.

"Really? Why getting upset? It's okay, for sure, Kyst will understand naman." sabi ni Victoria.

"I feel bad." sabi ko.

"Bakit naman? Wala ka namang kasalanan." sabi ni Victoria.

"It's not your fault na nauna si Brandy, I mean yung basketball team. Atsaka don't feel responsible. Hindi naman porket gusto mo yung tao ay palagi mo nang pagbibigyan." sabi ni Roux. I stared at them sadly. I feel so bad because at the same time, I want to be with the soccer team more, to be with him.

"I know what you're thinking." sabi ni Victoria at mas inilapit sa akin ang kanyang upuan upang akbayan ako. This is her way to tell me that it's okay. I smiled a little even though it makes me uncomfortable.

"Just talk to Kyst. For sure maiintindihan naman niya, base on my observations, he's a softie when it comes to you." sabi ni Roux sa akin, kaya hindi ko na rin napigilan na mapangiti pa. 

"Come on, just eat this, may gagawin pa tayo kahit tapos na ang class." sabi ni Victoria at siya pa ang nagbukas ng mga pagkain namin. Victoria is the sweetest, Roux is the bravest, and me, I don't actually know.

"Stop thinking about the things you can't control, Aleister Cerys." sabi ni Victoria sa akin, Roux smiled at me and they held my hand.

I don't know what to do anymore if I don't have these two. 

"Tama na iyang kakaisip mo ng kung ano-ano." sabi nila sa akin pagkatapos ay nagsimula na rin kaming kumain.

"Ang tagal ko na 'tong kinikimkim, at mukha namang sabik kayo sa chismis, may sasabihin ako sa inyo." sabi ni Victoria kaya napatigil kami ni Roux sa pagkain.

"Wow, himala. Spill the tea sis." sabi ni Roux kaya natawa ako, yung tono kasi ng kanyang boses ay mala-Kris Aquino.

"Well, ito kasi yun. Axis approached me last week. We started to talk again." sabi ni Victoria, kitang-kita ko kung paano magningning ang mga mata niya at kung paano sumilay ang napakagandang ngiti sa kanyang labi. She's happy. She really is. 

"Just make sure na seryoso siya. Mamaya may ibang balak siya tapos masaktan ka." sabi ni Roux.

"I will. But this happiness I'm feeling right now is different." sabi niya sa amin.

"I'm glad to see that smile from your lips, Victoria." sabi ko sa kanya.

"We're glad that you're happy. We just wanted the best for you, babe." sabi ni Roux at niyakap kaming dalawa ni Victoria.

Ilang sandali pa ay biglang nag-ingay ang mga tao sa cafeteria kaya napatingin kami sa pumasok sa pintuan. Muntik ko na mabuga yung iniinom ko matapos kong makita ang soccer team na pumasok sa cafeteria with their jerseys. 

"Gosh, why so hot boys?" bulong sa akin ni Roux kaya natawa kami ng bahagya.

Ilang sandali pa ay halos kainin na ko ng dingdig sa sobrang pagsiksik ko roon dahil ang mga mata namin ni Kyst ay hindi na naghiwalay pa hanggang sa huminto siya sa tapat ng aming kinakainan na mesa.

"Hey, can I borrow Ali?" tanong ni Kyst. Wala itong emosyon, tanging nakatitig lang siya sa aking mga mata na akala mo ay isang malalaking alon na pilit ako nilulunod.

"Oo naman, tapos na rin kami kumain. Pakibalik na lang siya sa amin doon sa basketball court, may gagawin kasi kami." sabi ni Victoria tapos ay nagpaalam na silang dalawa sa akin.

"A-Ano, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. He held my hand, not gently as he used to. Kaya nakaramdam ako ng kaba at lungkot.

Hila-hila niya ako papalabas ng cafeteria, ramdam ko ang mga tingin ng iilan ngunit hindi ko na sila nagawang pansinin pa. 

Hanggang sa nakarating kami sa soccer field na sobrang tahimik. Walang katao-katao. Mabibigat ang kanyang paghinga, kaya sa tuwing naririnig ko iyon mas lalong lumalakas ang kalabog ng aking puso.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya nang lakas loob.

Humarap siya sa akin, tapos ay tinitigan akong muli.

"Why aren't you replying to my messages?" tanong niya sa akin.

"A-Ano kasi, Ano, di ko kasi alam sasabihin ko." sabi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"I was worried, I thought something happened." sabi niya sa akin. Nakita ko naman na tila nabawasan ang halo-halong emosyon na nakikikita ko sa kulay kayumanggi niyang mga mata.

"Di ko kasi alam ang sasabihin ko sayo, di ko alam kung anong isasagot ko sa text mo. Kinuha na kasi ako ng basketball team as their muse, minutes early bago ka mag-text. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sayo, kasi sa totoo lang, nahihirapan akong tumanggi sayo. Kasi gusto ko rin sana, pero hindi ko rin naman mahindian si Brandy." sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha at humugot ng lakas ng loob pero masaya akong nasabi ko 'to sa kanya.

"F*ck. You can always say no to me. It's not a big deal, Ali. Mi rosa, why are you being like this?" sabi niya sa akin.

"I don't know, I just can't say no when it comes to you." sabi ko sa kanya.

"I will always accept your no's, I don't have the right to demand, so it's alright." sabi niya sa akin.

"Sorry kung hindi kita masasamahan. Maghanap ka na lang ng ibang muse niyo. Yung mas maganda at mas karapatdapat sa team niyo." sabi ko sa kanya at nayuko. Naiinis ako sa katotohanang maghahanap siya ng ibang babae, at lalo na sa katotohanang wala akong karapatan. Wala kaming karapatan sa isa't-isa.

He held my head and made me face him. I heard him sighed and laughed after. 

I felt his soft lips gently kissed my forehead.

"Basta con los celos mi pequeña rosa. Si detienes el tuyo, yo detendré el mío."

~0~

- Basta con los celos mi pequeña rosa. Si detienes el tuyo, yo detendré el mío. (Enough with jealousy my little rose, If you stop yours, I'll stop mine.)

The Captivating Chaos Series Book I: Unpleasantly Captivating

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon