Chapter 8

1.3K 56 19
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Kung hindi pa nga ako nagkakamali, he's not the only one who's in the music room. Naroon ang buong banda, kaya napaisip ako, dito rin ba sila nag-aaral?

"Aleister, anong ginagawa mo? Tara na sa cafeteria." napatingin ako sa papalapit na sila Roux at Victoria. I signed them to shut up. Hindi rin naman nila gugustuhin na makita kami ng banda na ito, it will be awkward.

"Anong meron?" tanong nila, ilang sandali pa nga ay dumungaw na rin silang dalawa sa bintana kung saan ako nakatingin. 

"The Captivating Chaos?!" sigaw ni Roux kaya tinakpan ko agad ang kanyang bibig habang sabay namin siyang hinila papaalis ni Victoria.

Nasampal namin ni Victoria ang braso ni Roux. Siraulo talagang babae 'to. 

"Baliw ka talaga Cressida Rouxelle!" sabay na sabi namin ni Victoria.

"Sorry na kasi! Shuta kasi, dai The Captivating Chaos na yun! Ano gusto niyong gawin ko ha? Ang gagwapo!" sabi ni  Roux at kilig na kilig. Parang tanga 'to.

"Hoy teka, yung tote bag mo, nandoon pa sa harap ng art studio!" sabi ni Victoria sa akin, Sh*t oo nga pala. Dali-dali akong bumalik lalo na't nandoon ang cellphone at wallet ko.

Halos atakihin ako sa puso ng sabay na bumukas ang pintuan ng katabi kuwarto. Nabangga ko ang isang malapad at matigas na katawan. Malas ko naman ngayong araw, I'm inspired but I'm also unlucky.

"Watch where you going." nag-angat ako ng tingin, it's Kyst. 

"I'm so sorry." paghingi ko ng paumanhin. He smirked and gave me a handkerchief.

"Remove those paints." sabi niya at umalis na sa harapan ko.

"T-Thank you." nauutal na saad ko na hindi ko alam kung narinig pa ba niya. I stared at the handkerchief he gave. It's so manly and smells so good.

The pattern of the handkerchief is simple, the color of it is black and gray. Itinabi ko iyon sa aking tote bag. Hindi ko gagamitin iyon. I grab some wipes in my bag at wiped the paints on my face.

"Hoy AC, ano yun ha?" napatingin ako sa mga kaibigan ko na papalapit sa akin. They probably saw us. 

"Nagulat ako, akala ko mamaya pa sila lalabas ng music room." sabi ko sa kanila. They both smiled at me.

"Start na yan." bakas ang pang-aasar sa boses ni Roux, habang ang mga ngiti ni Victoria ay kitang-kita na nang-aasar.

"Halika na nga sa cafeteria. Gutom na ako, tama na muna landi." sabi ni Roux. Sabay nila akong hinila papunta sa cafeteria. Napangiti na lang ako.

Pagkarating namin ay marami-rami rin ang mga estudyante sa loob, kaya medyo nahirapan kami sa paghanap ng mauupuan. Si Victoria naman ang bumili ng aming pagkain, di ko ba alam, bakit iba-iba ang trip nilang dalawa, may schedule pa ang kung sino ang bibili ng pagkain namin. 

"Anyways, infairness, Kyst seems nice to you, a little bit. You know, wala naman talaga siyang pinapansin bukod sa mga kabanda niya, he's totally snob and cold than the ice." sabi sa akin ni Roux, I don't know but those words made my heart thump.

"He actually gave his handkerchief to me." sabi ko habang namumula ang aking mukha. Her face became so surprised, gladly I managed to shut her up bago pa siya tuluyang tumili. 

"You crazy! Maraming tao dito." saway ko sa kanya.

"Sorry, I'm just surprised! Hindi namin nakita maiigi, akala lang namin kinausap ka niya. Shocks, iba na yan, Aleister Cerys." sabi ni Roux, sakto naman na dumating na si Victoria dala-dala ang tray ng mga sandwiches at drinks namin.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now