Chapter 9

1.2K 48 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakasabay ko na sa pagkain si Kyst, he looks so fine infront of me eating his food. 

"I actually want to invite you to join me in my practice, if it's okay." sabi niya sa akin.

"Ganoon ba, payag naman ako, pero bakit naman ako ang napili mong yayain?" tanong ko sa kanya.

"Bakit naman hindi ikaw? Besides I find you interesting." sabi niya sa akin at tumitig sa akin, ang mga titig niya ay parang mga malalakas na alon na ikinalulunod ko.

Natahimik ako matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, pinakatitigan ko na lamang siya at naaaliw sa mga simpleng kilos niya. Ganito nga talaga siguro kapag hinahangaan mo ang isang tao, hindi naman siguro masama na busugin ko ang aking mga mata sa kanyang presensya lalo na't ito ang nagpapagana sa akin sa pagguhit.

"Is there something wrong?" pagkuha niya sa aking atensyon, ngumiti lamang ako at umiling. Ilang minuto pa ay kapwa kaming natapos sa pagkain, hindi ko alam pero parang bumabagal ang oras dahil kasama ko siya.

"Saan ka pagkatapos ng break?" tanong niya sa akin habang siya na ang humawak ng tote bag ko.

"Sa room na ulit, last subject na kasi namin. Ikaw, saan ang punta mo ngayon?" tanong ko naman sa kanya.

"Ihahatid muna kita sa room mo." sabi niya sa akin. Naglakad na ako papalabas ng cafeteria at ramdam ko ang kanyang pagsunod.

"Hindi ka ba malelate?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Nope." simpleng tugon niya sa akin kaya nanahimik na lang din ako.

Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng classroom namin, ramdam ko ang iilang tingin ng mga tao sa loob sa amin ni Kyst.

"A-Ano, papasok na ako." sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. I almost jump in my place because he gently touched my hands. Isinuksok niya sa aking mga daliri ang tali ng aking tote bag bago kumaway sa akin papaalis. 

Hindi ko na nagawa pang itago ang ngiti at pamumula ng aking pisngi, napupuno na naman ng mga paru-paro ang tiyan ko.

Pagkapasok ko sa classroom ay sakto naman na wala pa ang aming professor, pero ang mga tingin ng mga kasama ko ay naging dahilan para hindi ako mapakali.

"Aleister, close kayo ni Kyst?" tanong ng kaklase ko, agad naman akong umiling.

"Bakit niya hawak bag mo? Nililigawan ka ba niya?" tanong pa ng isa, umiling ulit ako.

"Akala ko kayo ni Bradley?" tanong pa ng isa pa.

"Hindi, ang kulit niyo." sabi ko at natatawang umupo sa tabi nila Victoria at Roux.

"Namumula ang babae, ang harot." sabi ni Roux kaya tumawa na lang din ako.

"Nagulat ako, hindi ko inexpect na lalapitan niya ako, hindi naman kami close." sabi ko sa kanila.

"Baka matagal ka na niya nakikita sa mga gigs." sabi ni Victoria.

"Sa gigs? Imposible, hindi naman pumapansin ng mga tao yun si Kyst sa tuwing may gig sila, mga kabanda niya lang pinapansin niya." sabi ni Roux kaya napaisip ako. Baka natyempuhan lang na maayos ang mood niya kaya naisipan makihalubilo.

"Huwag na lang muna natin bigyan ng ibig sabihin, baka gusto lang niya makipagkaibigan." sabi ko at inilabas na lang ang aking notebook bago nagsimulang iguhit ng kanyang mukha.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now