Chapter 19

905 36 7
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"I-I'm not running away from y-you." sabi ko pa at nag-iwas ng tingin.

"Really? Don't lie now, mi rosa. Wala kang takas sa akin ngayon." sabi niya sa akin at mas inilapit pa sa akin ang kanyang mukha. Amoy na amoy ko ang amoy mint na kanyang hininga na parang nagdudulot ng paghihina ng mga binti ko. 

"Bitawan mo muna ako." sabi ko sa kanya ngunit tumaas lamang ang kilay niya tapos ay marahan akong hinila papalapit sa sports car na ngayon ko lang napansin na nakaparada na rin pala sa tapat ng aming bahay.

"Get in, mi rosa." sabi niya sa akin, wala na akong nagawa pa at pumasok na sa sasakyan.

Sumakay na rin siya kaagad, pero bago niya paandarin ang sasakyan ay hinubad niya ang kanyang suot na jacket at ipinatong iyon sa aking hita. 

"It's cold." sabi niya bago pinaandar ang sasakyan.

"Saan mo ako dadalhin, Kyst?" tanong ko sa kanya habang hindi pa rin siya tinitingnan.

"Why can't you look at me huh?" sagot niya sa akin.

"Kailangan bang nakatingin ako sa iyo?" bawi ko at mas tumitig pa sa bintana ng sasakyan niya. 

"You're always looking at me, so why not? And besides I love your stares." sabi niya pa, na alam kong ikinapula ng aking buong mukha.

"S-Shut up." naiinis na saad ko na ikinatawa niya lang.

Nakita ko pang umiling-iling siya habang nakangisi ng maliit. Iniwasan ko na lang na mapairap. May nakakainis rin palang ugali 'tong lalaking ito.

Hindi pa rin ako mapakali, dahil hanggang ngayon ay nasa biyahe pa rin kami at malapit na magdilim, palubog na ang araw.

"Kyst, saan ba tayo pupunta? Malapit na mag-gabi." sabi ko sa kanya. Pagkakasabi ko noon ay napansin kong nasa isang malawak na damuhan. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan at hinawakan ang aking kamay bago kami nagtungo sa isang duyan na nakakabit sa isang malagong puno.

"We'll talk here." sabi niya at iniwan muna ako saglit, pinagmasdan ko siya habang inilabas ang isang paper bag na tiyak akong mula sa isang restaurant at inilabas niya rin ang kanyang gitara. Nagmumukha tuloy sa akin na pinagplanuhan niya ang bagay na ito.

Naglatag pa siya ng isang kumot sa damuhan at inihanda pa ang mga pagkain na kanyang dala-dala.

"Sit here beside me, mi rosa." wala na akong nagawa pa kung hindi ang sundin ang sinabi niya.

"I want to say these things to you in a peaceful place, so I'm sorry for not informing you." sabi niya sa akin.

"I-It's totally fine." sabi ko na lang sa kanya at tiningnan ang tanawin ng papalubog na araw.

"You asked me a while ago." sabi niya.

"Yeah, I'm sorry for asking if that bothers you." sabi ko sa kanya.

"Nope, it's not. Actually that was a good timing, Aleister." sabi niya sa akin. Naramdaman ko kaagad ang aking kaba, lalo na't iba na ang itinawag niya sa akin. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari. Para bang napunta na ako sa sitwasyong ito at sigurado na ako na kung ano ang naiisip ko kanina lang ay magkakatotoo. 

"Really? T-That's nice, Kyst." sabi ko na lamang at hindi pa rin siya tinitingnan.

"Don't be nervous, Aleister. Just enjoy the moment first." sabi niya at iniabot sa akin ang isang pagkain. 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now