Chapter 33

846 27 15
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lumalabas ng kuwarto, hindi ako tumatayo sa higaan. Nanatili lang akong nakabalot sa makapal na comforter at hinahayaang lunurin ako ng mga bagay-bagay sa aking isipan.

Nakatulala lang ako sa kisame, pinagmamasdan ang puti at blankong kisame. 

Kanina ko pa sila naririnig na kumakatok sa pintuan ko pero hindi pa ako handang pagbuksan at makita sila.

Hanggang sa mga sigawan naman nila Mommy at Daddy ang kumalat sa buong bahay. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba sila o hindi, kasi mas lalo akong napapagod sa mga bangayan nila.

"You're a cheater William! How dare cheat? May mga anak na tayo nagawa mo pang mambabae!" sigaw ni Mommy.

"Saan mo na naman narinig ang bagay na iyan? You really think I can cheat on you?" sabi ni Daddy.

"Really? May gana ka pa talagang sabihin yan samantalang nakita ko na kayo ni Antonette! In your own office kissing like there's no tomorrow, hindi ka pa talaga nahiya at kasal din ang kinabit mo ano? That's your taste William? Your taste is Mrs. Lozano? Hindi ka pa nahiya na anak niya ang boyfriend ng anak mo!" sigaw ni Mommy na naging dahilan ng pagtayo ko mula sa aking kama.

"What the hell Dad?" di ko na napigilan at lumabas ako ng kuwarto at hinarap silang dalawa. Dad looks so frustrated while Mom is crying hard.

"Don't come near your Dad. He's a cheater." mariing saad ni Mommy.

"Dad, is that true? Your mistress is Kyst's Mom?" tanong ko at tinitigan ng mabuti ang kanyang mga mata. 

Nakita ko kung paano maglikot ang kanyang mga mata at unti-unting humakbang pababa ng ikalawang palapag ng bahay namin.

"Dad, answer me!" sigaw ko.

"Fine! Yes she's my mistress. I love her, and I will file an annulment." sabi ni Daddy na mas ikinalakas ng iyak ni Mommy.

"H-How dare you Dad?! Why?!" sigaw ko sa kanya.

"I'm tired staying with your Mom, una pa lang hindi naman namin mahal ang isa't-isa. Just let me be happy." sabi ni Daddy.

"Let you be happy? We can let you go Dad, but can't you think about the family you're about to ruin?" sabi ko, at doon siya natahimik.

"Ang selfish niyong lahat sa totoo lang. You know I have something to deal with and then dadagdag kayo, you can fight and shout until your esophagus hurt, but please. Not inside this house! Lahat na lang kayo sinasaktan ang damdamin ko. I'm so tired." mahinang saad ko na lamang at padabog na umalis ng bahay. 

They are so insensitive. Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang iparinig sa akin para mas lalo maging mabigat ang nararamdaman ko.

Naglakad-lakad na lang muna ako sa village namin. Mukha akong baliw sa suot ko ngayon, pero di na yun mahalaga, basta malayo sa problema, tahimik na isip, ayos na.

Nakasuot lang kasi ako ng isang malaking puting t-shirt at maiksing shorts, wala pang suklay ang buhok ko at bahagyang magulo, maga pa ang mga mata ko at halos puro galos ang binti ko dahil sa pagkalmot ko roon.

Nakapunta ako sa playground ng village namin kaya naisipan kong maupo na lang muna sa duyan roon, lalo na't wala namang mga tao at tanging mga pagalang aso lang ang nandoon.

Pinaugoy ko ang duyan habang pinagmamasdan ang paligid na berdeng-berde. Malamig pa ang hangin dahil maaga pa. Buntong hininga ang aking pinakawalan bago nilaro ang mga aso na lumapit sa akin. Mababait naman sila kahit na hindi nila ako kilala, panay dila pa sila sa paa ko kaya natuwa ako kahit kaunti. Hinimas-himas ko ang kanilang mga ulo. Katamtaman ang lago ng kanilang balahibo kaya masarap iyon haplusin. Nakuha ng isang tuta ang atensyon ko. Sobrang liit pa niya at parang nawawala.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now