Chapter 28

807 22 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Nagising ako nang maramdaman ko na gumalaw sa aking tabi si Kyst. Naramdaman ko na umupo siya sa kama. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at naramdaman ko na naman ang kanyang labi na lumapat sa aking noo.

"Good Morning mi rosa." bati niya sa akin.

"Good Morning my Kyst Hames." sabi ko at naupo na rin sa kama habang inaayos ang comforter dahil malamig rito sa kuwarto ni Kyst.

"What do you want for breakfast?" tanong niya habang nagsusuot ng kanyang kamiseta.

"A pancake with chocolate syrup." sagot ko naman sa kanya.

He smiled and kissed my forehead again before going out from the room.

Napangiti na lamang ako habang kinukuha ang aking damit sa ibaba ng kama. Isinuot ko na iyon para makalabas ako ng kuwarto niya at mapanood siyang magluto.

Naramdaman ko na agad ang kirot sa pagitan ng aking hita ngunit napangiti ako sa bagay na iyon, dahil buong puso ko namang binigay sa kanya ang bagay na iyon at hinding-hindi ko pagsisisihan.

Naligo lang din ako para hindi na kain pa sa oras dahil Music Fest na rin ngayong Araw at siguradong maaga sila Kyst sa school.

Nagsuot lang ako ng t-shirt ni Kyst at shorts na baon ko. Kinuha ko na rin ang bag ko at ang hoodie na pinahiram sa akin ni Kyst para magamit ko mamaya.

"Hey, why did you get up? I was planning to give you a breakfast in bed." sabi niya sa akin at sinalubong ako ng halik sa labi.

"I want to watch you." sabi ko sa kanya at naupo na sa upuan.

He look more handsome when he's cooking and being himself.

"Love, I didn't know that you look this handsome early in the morning." sabi ko sa kanya.

"Binobola mo lang ata ako dahil ako ang nagluluto ng breakfast." sabi niya sa akin at natawa kaming pareho.

"Hindi ah! I really love seeing your true and simple self." sabi ko sa kanya.

"I love it too. You're even more gorgeous without anything on your face my love." sabi niya sa akin tapos ay naghain na ng pinggan.

"You're a good cook huh?" puna ko dahil ang pagkakagawa pa lang niya ng pancake ay maganda na. Ang itsura nito ay parang pancake ng Mcdonalds. 

"That's because I need to. I don't want to spend so much money eating outside lalo na't mag-isa lang naman ako." sabi niya sa akin habang nilalagyan na ng chocolate syrup ang pancake ko at ang kanya. 

"You literally can do anything." sabi ko sa kanya.

"Yeah, I can even make you shout my name once again." biro niya na ikinapula ng aking pisngi lalo na't bumalik sa utak ko ang mga senaryong pinagsamahan naming dalawa kaninang madaling araw.

"Stop it Kyst Hames!" saway ko sa kanya at napatakip ng aking mukha.

Natatawa naman siyang tumayo tapos nagtimpla ng aming kape. Nakakainis 'tong lalaking 'to. Ang dami niyang sides na kakaiba na ngayon lumalabas, at nakakagulat ang side niyang 'to but honestly, it gives me butterflies to see him being himself infront of me.

Ilang minuto pa nang matapos siya atsaka siya bumalik sa pagkakaupo. Kumain na kami dahil malapit na rin mag ala syete ng umaga at kailangan maghanda ng maaga ng Music Department. Sasama na rin ako sa kanya ng ganito kaaga dahil may konti pa rin ako idadagdag sa painting ko at syempre para makatulong din kahit papaano sa Music Department sa pag-aayos ng venue.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now