Chapter 40

1.1K 30 6
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Mabilis lumipas ang mga araw, ganito pala talaga kapag masaya ka, hindi mo na namamalayan ang oras at panahon. 

Ngayong araw na ang concert ng The Captivating Chaos dito sa France, ito na ang huling lugar ng concert tour nila para sa taon na ito. 

Maaga kaming nagising para maaga rin kaming makapaghanda, plano pa kasi namin na dumaan sa unit nila Roux, para magsabay-sabay na sa pagpunta sa concert venue. Niyaya kami ni Roux na pumaroon sa unit nila dahil wala naman na daw roon si Maximus, dahil madaling araw pa lang ay nag-hahanda na ang The Captivating Chaos para sa ilang oras na concert mamaya.

Tulog pa si Enomis nang umalis ako sa kuwarto. Kumuha lang muna ako ng bag na gagamitin ni Enomis para mamaya, kumuha ako ng mga damit niya incase na mapag-pawisan siya o kaya madumihan roon sa venue, naglagay din ako ng tissue roll, baby wipes, baby powder, baby cologne at isang maliit na cellphone na naka-on ang location incase of emergency.

Nauna na ako maligo para mag-aagahan na lang pagkatapos. Tulog pa rin sila Mommy at Kuya Allen kaya ako na ang nagluto ng breakfast. Nagluto ako ng Pancake with bacons, fried eggs at fried rice, nagtimpla din ako ng coffee para kay Mommy and Kuya, at gatas naman para sa amin ni Enomis.

Ilang sandali lang din ay bumaba na rin sila Mommy at Kuya Allen. Sinalubong ko sila at humalik sa kanilang pisngi.

"The breakfast is ready, I'll just wake up my daughter." sabi ko sa kanila. They nodded. Umakyat na akong muli at pumasok sa kuwarto namin.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong tulog pa siya at nakabalot ng makapal na kulay pink na kumot. Napangiti ako sa imaheng aking nakita. 

Lumapit ako sa kama at naupo roon, inayos ko ang kanyang buhok na tumatabing sa kanyang magandang mukha. Dahan-dahan ko siyang inuga upang magising siya. 

"Baby, gising na. Aalis po tayo." sabi ko sa kanya. Unti-unti naman niyang minulat ang kanyang mga mata, kinusot niya iyon gamit ang kanyang mga munting kamay bago naupo sa kama.

"Saan po tayo pupunta, Maman?" tanong niya, halatang inaantok pa ang batang ito. Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Today is the concert, right?" sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mata bago yumakap sa akin.

"Mommy, ligo na." sabi niya sa akin. Natawa akong muli, halatang sabik na sabik na siyang manood ng concert.

Pumasok na kami sa banyo, pinaliguan ko siya at mukhang excited na excited siya dahil tinutulungan niya pa akong magkalat ng sabon sa kanyang katawan. 

"You're excited?" tanong ko sa kanya nang binabanlawan ko na ang kanyang katawan.

"Yes, super! I want to see Sir Kyst, I want to show him my guitar kasi same kami po." sabi niya sa akin. Nag-request kasi siya sa akin kahapon na baka kaya ko raw gawin ang design ng gitara ni Kyst para maging magkaparehas daw ang kanila, hindi niya lang alam na ako mismo ang gumawa ng disenyo ng gitara ni Kyst kaya kayang-kaya ko ring gawin iyon sa kanyang laruang gitara.

"Kung makikita mo siya, marami kasing tao doon sa concert baby. Baka rin hindi tayo sa unahan makapuwesto, but you'll going to see them naman habang kumakanta sila." paliwanag ko sa kanya.

"Okay po, pero sana he'll see my guitar." sabi niya pa rin. Napakamot na lang ako sa aking ulo. 

"Halika na, bibihisan na kita." sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin, sinuotan ko na siya ng white na t-shirt maging ang underwear, sumunod naman ay ang denim na jumper niya, hindi ko na siya pinagsuot ng dress dahil baka hindi siya maging komportable doon, lalo na't maraming tao.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon