Chapter 13

1K 37 6
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Pagkagising ko nitong umaga ay pansin ko na yung ngiti ko, ibang-iba sa mga ngiti ko nito mga nakaraang araw. 

Pagkababa ko sa kusina ay nanibago ako dahil nandito sila Mom and Dad. Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil bihira lang sila makasam dahil sa sobrang abala nila sa business nila.

"Good Morning AC, what's with that smiles huh?" sabi sa akin ni Mommy, nahihiya akong napangiti lalo bago naupo sa tabi ni Kuya Allen.

"Nothing. I'm just happy, so much." sabi ko sa kanila. Kumuha na ako ng piraso ng pancake sa lagayan at nilagay iyon sa pinggan ko. Kinuha ko na rin ang bote ng chocolate syrup at nilagyan na rin ang pancake ko. Kumain na rin ako kahit na pansin ko ang paninibago ng mga tingin nila sa akin.

"You're glowing anak." sabi sa akin ni Mommy. 

"I think being happy makes me glow po." sabi ko at ngumiti sa kanila. Inubos ko na yung pagkain ko at ininom na ang fresh milk ko. Anong oras na rin kasi kaya kailangan kong magmadali.

"Anyways, wala ka bang kailangan anak? Ikaw, Allen?" tanong ni Daddy.

"Wala naman po, Dad." sabi ko. Umiling lang si Kuya Allen. Wala namang bago roon dahil tahimik lang talaga palagi si Kuya Allen. Humalik na ako sa pisngi nila Mommy at Daddy bilang pagpaalam.

"Ihahatid na kita, AC." sabi ni Kuya Allen at sumunod na rin sa akin papalabas ng kusina.

"Wala kang gagawin ngayon, Kuya?" tanong ko sa kanya.

"Meron naman, pero mamaya pa, I want to accompany you to your school. To check on you." sabi ni Kuya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Inayos ko ang suot kong dress bago naupos sa car seat. Sumakay na rin si Kuya sa sasakyan at pinaandar na rin ito.

"How's your school?" tanong sa akin ni Kuya.

"It's fine naman Kuya. Medyo nahihirapan ako, but it's okay, I'm inspired to do it all." sabi ko sa kanya.

"You can do it, AC. If you need help, ask me." sabi ni Kuya Allen.

"Thank you Kuya." sabi ko. Ilang sandali pa lang ay nakarating na rin kami sa school. He parked his car and kissed me in my forehead bago ako lumabas ng kotse. I smiled at hima nd waved a little. Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad. 

Habang naglalakad ako ay nagulat ako dahil may biglang kumalabit sa akin.

"Gosh!" nasabi ko sa gulat. I saw Brandy smiling at me widely holding a small box of cupcake.

"Nagulat naman ako sayo, Brandy!" sabi ko sa kanya kaya nahampas ko siya sa braso niya. Shemay, matigas.

"I'm glad that I found you this early." sabi niya sa akin. Napangiti naman ako. 

"Another cupcake?" natatawang saad ko. Natawa naman siya sa akin tapos kinuha ang aking kamay at ipinatong doon ang kahon ng cupcake.

"Yep! Freshly baked for you, AC." sabi niya sa akin at ngumiti pa ng mas malawak.

"Thank you for this. Magkakaroon ata ako ng diabetes dahil sayo!" sabi ko sa kanya.

"Sagot ko na hospital bills mo, don't worry." sabi niya na mas ikinatawa naming dalawa. Siraulo talaga 'to.

"Hope you like it." sabi niya sa akin. I smiled.

"Of course, actually, pinatikim ko rin 'to sa mga friends ko, they liked it too. You're such a good baker." sabi ko sa kanya. I saw how his cheeks reddened. 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant