Chapter 23

811 28 2
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"What are you saying, Kyst?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko gaanong narinig lalo na't mahina ang kanyang pagkakabulong.

"It's nothing, mi rosa." sagot niya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang aking kamay bago tuluyang pumasok sa loob ng aming bahay.

Habang papasok kami ay nakasalubong namin si Manang, mukha pa itong nagmamadali, dahil inutusan ni Daddy magluto para sa hapunan.

"Ito na ba ang manliligaw mo, hija?" tanong ni Manang, hindi ko maiwasang mamula, kahit na normal lang naman na marinig ang salitang manliligaw.

"Kyst Hames po." saad ni Kyst at lumapit kay Manang pagkatapos ay nagmano.

"Kay gandang ngalan naman, hijo. Oh siya, pumunta na kayo roon sa kusina, nandoon na ang Mommy at Daddy mo, pati ang Kuya mo." sabi ni Manang at iniwan na kami.

Pagkapasok namin sa kusina ay nandoon na sila Daddy, nakaupo at nakatingin sa amin.

"Mommy, Daddy, Kuya Allen. This is Kyst Hames, my suitor." sabi ko lalo na't mahigpit ang kapit sa akin ni Kyst at tila kinakabahan.

"Kyst Hames. Maupo na kayo." sabi ni Daddy, wala man lang itong kangiti-ngiti. 

"Hello, Kyst! Maupo na kayo at kumain. Napakagwapong bata naman nito." sabi naman ni Mommy at tinanggap ang pagmamano ni Kyst, at ganoorin din kay Daddy. Nagkipag-kamay naman si Kyst kay Kuya.

Ako na ang naglagay ng pagkain sa pinggan ni Kyst dahil nakaupo lang ito at kitang-kita na kinakabahan dahil wala itong kagalaw-galaw. Hindi ko tuloy maiwasang matawa ng mahina.

"W-What's funny?" tanong sa akin ni Kyst.

"Calm down." sabi ko at natutuwang hinawakan ang kanyang kamay na nakayukom at bahagyang nanginginig.

"Hijo, huwag kang kabahan." sabi ni Mommy at pinaghiwa si Kyst ng piraso ng cake na siya mismo ang gumawa.

"Kumain na muna tayo bago magkausap, mas masayang mag-usap kapag busog ang tiyan." sabi ni Mommy at pinaghandaan din ng pagkain si Daddy at Kuya Allen.

Habang kumakain kami, napansin kong tahimik lang si Daddy. Nakakapanibago lang ng bahagya, lalo na't normally, siya talaga ang palaging nagsasalita tuwing kumakain.

"Hijo, saan ka nag-aaral at anong course mo?" tanong ni Mommy kay Kyst.

"Same school po with AC, Tita. I'm currently studying my second degree which is music po." sagot ni Kyst at sumubo ng pagkain.

"Second degree?" tanong ni Mommy.

"Mommy, graduate na po si Kyst sa una niyang course na related to business. He's pursuing his first love which is music as of now po." sagot ko dahil kumakain pa si Kyst. 

"Wow, that's great Kyst. I hope to hear you play or sing." sabi naman ni Mommy.

"Kayo pala ang banda na pinapanood ni AC tuwing madaling araw, at nagpapahatid pa sa akin." sabi ni Manong Barron.

"I remember that one day, nahuli ko siyang palabas na, tapos nakiusap sa akin na ihatid siya." sabi ni Kuya Allen.

"Kuya! Manong!" saway ko sa kanila.

"Talaga po?" tanong ni Kyst.

Namula naman ang aking mukha. Lalo na't hindi ko naman kailan nabanggit ang mga bagay na iyon kay Kyst. Tumingin sa akin si Kyst at nakangisi sa akin na tila ba nang-aasar. Kinurot ko nga siya sa kanyang tagiliran ng mahina at nagpokus nalang sa aking pagkain.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now