Chapter 2

2.1K 57 13
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Simula nang mangyari iyon kahapon, hindi na ako tinigilan ng dalawa kong magaling na kaibigan. And the always late girl, Cressida Roux, today she's not late. Surprising right?

"Himala at nakasabay ka sa amin papasok, Cressida." sabi ni Victoria, we're currently in the school's entrance holding our own drinks, mine is caramel frappe, Victoria's cappuccino, and Roux's is iced latte.

"Victoria, please lang huwag mo kong tawaging Cressida." naasar na sabi ni Roux, well, she's kinda hate her name, it sounds old daw, but it's nice kaya, ewan ko ba sa kanya, she prefers Roux.

"Edi hindi na, Cressida." pang-aasar pa ni Victoria. Siraulo din.

"Bakit maaga ka ngayon, Roux?" tanong ko sa kanya at inayos ang pagkakasuot ng bag ko dahil muntik na ito malaglag mula sa balikat ko.

"Well, para malaman kung anong happenings between you and that Brandy Romero." sagot niya sa akin.

"Anong happenings ka diyan. Tinanong lang ang pangalan ko, issue kayong dalawa." sabi ko sa kanila. That's what really happened. Brandy asked my name and that's it, oh I forgot, he also smiled at me. Yun lang nothing more, maybe he wants to be my friend.

"Sa tanungan naman talaga ng pangalan iyan nag-uumpisa, right Vicah?" sabi ni Roux at ito namang si Victoria ay tumango-tango pa. Halatang maraming alam.

"Ang dami niyong alam dalawa. Tara na nga, mag-breakfast na muna tayo sa cafeteria. Maaga pa naman for first class." sabi ko sa kanila. Tumawa naman sila at parehas na kumapit sa braso ko, luckily naubos ko na ang caramel frappe ko.

These two, hindi ko na lang talaga minsan matiis sa sobrang kulit nila but I can't deny that I don't know what to do without them

Pagkapasok namin sa cafeteria, marami-rami ring estudyante, pero mabilis lang din kaming nakahanap ng puwesto, the cafeteria looks so nice, para siyang isang coffee shop, the colors are cozy and I really like it. Si Roux na ang umorder para sa amin, dahil tulad nga ng deal, sagot ko ang snacks nila, although hindi naman 'to snack, pero iyon na rin yon. I grabbed my phone to take a picture of the cute little lamp and succulent on the table. Since the window is open, kitang-kita ang kulay na berde na mula sa mga halaman, I clicked the camera and smiled. Tiningnan ko ito pero para akong inatake sa puso. There's someone smiling while looking at my camera, It's Brandy Romero. I lost my focus because of the beauty of the plant infront of me kaya di ko napansin.

I smiled at him when he's already approaching towards our table together with his team mates? friends? Whatever.

"Hi AC!" sabi niya ng makarating sa tapat ng table, Victoria's smiling like an idiot kaya pasimple ko siyang inirapan.

"Hello, Brandy!" tipid na bati ko pabalik.

"Hello, Brandy!" bati din ni Victoria. Nanlaki pa ang mata niya ng makita si Carlos Navarro na nasa tabi ni Brandy.

"Here, AC. I hope you will like it." sabi niya at inabot sa akin ang isang katamtamang laki na karton.

"Oh! Thank you for this Brandy!" pasasalamat ko sa kanya.

"No big deal, AC. See you around, gorgeous." sabi nito bago umalis na sa aming tapat, hindi ko maiwasang mamula. Like it's my first time to be called gorgeous. 

"Taray ni Aleister Cerys Alves, may pa regalo na agad. Gorgeous yarn?" pang-aasar ni Victoria sa akin kaya lalong namula ang aking mukha. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon, napangiti ako nang makitang isa itong caramel cupcake. 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon