Chapter 4

1.6K 45 2
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Hindi ko alam pero, nawala na lang ako sa sarili ko at basta-basta na lang na sumagot ng oo.

Rouxelle looks happy, lalo na si Victoria dahil may maiaasar na raw sila sa akin.

"Maghanda ka na mamaya, AC." sabi niya sa akin.

"Madaling araw yun, baka hindi ako payagan nila Mama." sabi ko sa kaniya.

"Papayag yun, sasama naman ako. Atsaka hindi sila sa bar ngayon, okay? Doon lang sila sa park ng Sta. Lucina. Medyo marami-rami rin ang tao kaya agahan natin. Susunduin kita! Victoria, sama ka rin!" sabi ni Roux.

"Game ako, sunduin niyo ako." sabi niya, tumango naman si Roux bago kami nagkaiba-iba ng landas, sumakay na ako sa sasakyan namin dahil uwian na at ganoon din sila.

"Manong, nasaan po sila Mama?" tanong ko.

"Nasa opisina, hija. Si Sir Allen lang ang nasa bahay ninyo." sabi nito at napatango na lang ako.

I'm still thinking kung paano ako makakapagpaalam kay Kuya Allen. He's kinda strict kasi kaya nakakatakot magpaalam. But since Roux is telling that she will accompany me, for sure naman papayag yun si Kuya.

"Ang lalim po ng iniisip niyo Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Manong sa akin kaya kinurot ko ang aking braso dahil kanina pa ako wala sa sarili.

"Ayos lang naman po." sabi ko at tumingin na lang muna sa bintana, malapit na kami sa bahay. Tamang paalam lang, tapos mag-aayos na rin ako kaagad.

Inayos ko na ang pagkakahawak ko sa aking bag at hinintay na makapasok ang sasakyan sa loob ng garahe tapos ay bumaba na rin ako kaagad.

"Nandito ka na pala, how's your day?" tanong sa akin ni Kuya Allen habang may hawak na kape.

"It's fine Kuya! May ipagpapaalam pala ako sayo." sabi ko, tumango siya at inilapag ang tas ng kape sa maliit na lamesa sa gilid ng pintuan.

"What is it?" sabi niya habang nakatapat sa kanyang laptop.

"Ahm, may gig kasi sana akong pupuntahan, together with Roux and Vicah." sabi ko sa kanya, napaangat naman ang tingin niya sa akin tapos ay napataas pa ang kilay. Sinasabi ko na nga ba.

"Gigs are usually happening in the middle of the night, late night. Sinong kasama niyo?" sabi niya.

"Kami lang sana, and sa park lang yun ng Sta. Lucina, no bars!" sabi ko sa kanya. Oh please, pumayag ka na Kuya.

"Fine, sigurado naman ay may kasamang guards si Roux. Go there with them, ipapasundo na lang kita kay Manong. Be safe, Aleister." sabi niya, napangiti ako at tumango. Papayag din naman pala.

"Thank you Kuya! You're the best!" sabi ko at natutuwang pumasok na sa loob ng bahay.

"I bought you chocolates and almonds, just ask Manang where she put it." pahabol na sigaw ni Kuya kaya mas lalong lumaki ang aking ngiti.

 I saw Manang preparing for our dinner. 

"Manang!" bati ko at yumakap. Simula noong bata pa ako ay kasama na ni Mama si Manang na mag-alaga sa amin ni Kuya Allen.

"Nandito ka na pala, halina at kumain ka na, ang mga chocolate at almonds mo ay nandoon sa ref." sabi ni Manang at siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa aking pinggan.

Ang ulam namin ay sinigang na baboy kaya ang tiyan ko ay lalong kumakalam sa gutom.

"Thank you po Manang Lucile!" pasasalamat ko at nagsimula na ring kumain. Gosh, ang sarap talaga ng ulam na ito lalo na kapag may sampalok, bagay na bagay ang asim.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now