Chapter 11

1.1K 50 9
                                    

(Enjoy Reading!) 

~0~ 

Sa tingin ko ay inabot ng halos dalawang oras ang naging practice ng soccer team, wala naman akong ginawa bukod sa tingnan si Kyst na naglalaro, pati ang gatorade na para sa kanya ay ipinilit niya pang ibinigay sa akin.

Nakita kong nagsialisan na ang ibang team mates ni Kyst, tahimik lang akong naupo habang tinitingnan siya na papalapit sa akin habang nagpupunas ng kanyang pawis.

"Ali!" tawag niya sa akin habang nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik at tumayo na sa pagkakaupo.

"Uminom ka muna ng tubig." sabi ko sa kanya at binigay ang binili kong bottled water kanina. He smiled at me and grabbed the bottle from my hands.

"Thank you for this, Ali." sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya muli at sumagot.

"Walang anuman, Kyst." sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang bag niya na nasa tabi ng upuan tapos ay nagpaalam muna sa akin na magbibihis.

Pinagmasdan ko lang ang papalayo niyang bulto bago napangiti na lang sa saglit naming pag-uusap. Kahit kakarimpot ang mga salitang lumabas sa kanya-kanyang bibig, para pa rin noong pinuno ng magandang pangyayari ang araw ko. It sounds crazy, but that's how I describe it.

Pinagmasdan ko lang ang cap at jacket niya, hinaplos ko iyon na para bang isa itong ginto. Sa mga simpleng galaw niya, talaga namang may epekto sa akin. Maya-maya ay may naramdaman akong kumalabit sa akin, halos mapatayo ako sa pagkakaupo dahil sa gulat.

Pagka-lingon ko ay nakita ko si Brandy na nakangiti sa akin, he wearing his basketball jersey and he's carrying a large backpack too.

"Why are you here, AC? Hindi ba kanina pa ang uwi niyo?" tanong niya sa akin at tumabi sa akin.

"May sinamahan lang ako rito." sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo na tila nagtataka.

"Ganoon ba, kanina pa kita hinahanap, nagbake ako kanina ng black forest cake, tinabihan kita, sana magustuhan mo." sabi niya sa akin at inabot ang isang maliit na karton. Nagningning ang aking mga mata nang makita ko pa lang ang itsura ng cake, nakakapaglaway. 

"Bilib din talaga ako sayo, Brandy, ang galing galing mo mag-bake." sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya at ginulo ang aking buhok.

"Namana ko siguro kay Mommy." sabi niya at inabutan pa ako ng isang ice latte.

"Sagot mo na palagi yung pagkain ko." biro ko sa kanya.

"I love to see you smile, AC. Let's see kung anong maisipan kong gawin bukas." sabi niya sa akin kaya hindi ko naiwasang mamula.

"Asahan ko iyan." sabi ko na lang.

Ilalagay ko na sana ang karton sa aking tote bag ng biglang may tumikhim kaya napalingon kaming dalawa ni Brandy.

"Kyst nandito ka na pala!" sabi ko pero tila nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Kyst, pare, ikaw pala. Kasama mo pala 'to si AC?" tanong ni Brandy at umakbay sa akin.

"Yes, she's with me." sagot ni Kyst tapos ay hinila ako patayo at ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang.

"Ganoon ba, sige mauuna na ako. AC, see you next time, enjoy the cake." sabi niya at hinalikan pa ang aking kamay bago umalis. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Kyst sa aking baywang.

"Kyst, A-Ano, may problema ba?" tanong ko sa kanya at umalis sa kanyang pagkakahawak. Mukha naman siyang natauhan at lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I'm sorry, mi rosa. I just thought about something." sabi niya at hinawakan ang aking kamay na hinalikan ni Brandy, pagkatapos ay pinunasan niya ito ng kanyang panyo kaya di ko maiwasang matawa.

"What's funny?" tanong niya sa akin. Mas lalo pang lumakas ang pagtawa ko nang lagyan niya pa ito ng alcohol.

"Why are you cleaning my hand?" tanong ko sa kanya habang natatawa pa rin.

"Don't get me wrong, it looks filthy." sabi niya tapos hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay at isinuksok muli iyon sa bulsa ng kanyang hoodie. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng hoodie. 

"What do you want to eat, Ali?" tanong niya sa akin, kinuha niya ang bag ko at siya na rin ang nagbitbit noon, tapos ay sabay kaming naglakad papalabas ng court habang hawak ang kamay ng isa't isa.

"Ikaw? Ano bang mga gusto mong pagkain?" tanong ko sa kanya.

"I kinda want to eat fast food, is that okay?" tanong niya sa akin. Alalang-alala pa sa sasabihin ko, di ko maiwasang mapangiti.

"It's okay, that's my favorite, actually." sabi ko sa kanya. Mas lalo namang lumaki ang kanyang ngiti sa aking sinabi.

Tahimik lang ang naging lakad namin, mabagal na siya maglakad kaysa kanina, kitang kita tuloy ng lahat ang tangkad niya lalo na't hindi ako nakasuot ng heels. Nakita ko rin ang iba na natira sa school na papatingin sa amin. Hindi ko naman sila masisisi lalo na't nakakakuha naman talaga ng atensyon si Kyst, sa tangkad pa lang niya ay mapapansin na siya kaagad, lalo na ang kanyang halos perpektong mukha. Sikat pa siyang captain ng soccer team at vocalist ng The Captivating Chaos.

"Ito yung motor ko. Angkas kita." sabi niya sa akin. Nilagay niya sa harapan ang mga bag namin, tapos ay siya na mismo ang nagsuot sa akin ng isang helmet. Inalalayan niya pa ako sa pagsakay tapos nang makasakay na rin siya ay kinuha niya ang aking mga kamay at ipinulupot iyon sa kanyang baywang. 

Kahit na natatakot ako, ay ngumiti na lang ako, kasama ko naman siya, di na ako mag-aalala.

"Don't be scared, mi rosa. You have me." sabi niya bago pinaandar ang kanyang motor. It's my first time, and yet all of those nervousness vanished like a bubble.

Hinigpitan ko na lang ang pagkakakapit sa kanya at isinandal ang aking ulo sa malapad niyang likuran. Dinama ko ang bawat minuto na ganito ako kalapit sa kanya, sa lalaking kakaiba ang epekto sa sistema ko.

Para akong inuugoy ng mga ulap, habang nakakapit sa kanya, parang ayoko nang kumawala pa.

"Nandito na tayo." sabi niya at nauna bumaba sa kanyang motor. Siya na muli ang nagtanggal ng helmet sa aking ulo, tapos ay halos buhatin na ako pababa sa kanyang motor. Mabuti na lang at ang buhok ko ay humaharang sa aking mukha kung hindi, kitang-kita niya ang pamumula ng aking mukha.

"Mi rosa, turn around, please." sabi niya sa akin, nagtataka man ako, pero sumunod na lang din ako.

Maya-maya ay naramdaman ko ang marahan niya pagkuha sa lahat ng hibla ng aking buhok, inipon niya iyon tapos ay itinali niya gamit ang isang scrunchie.

"Saan mo nakuha iyang scrunchie? You like scrunchies?" tanong ko sa kanya habang humarap na sa kanya, maayos ang kanyang pagkakatali, kulay dilaw ang scrunchie, nakita ko iyon ng humarap ako sa salamin ng kanyang motor.

"My classmate earlier was selling scrunchies for her baby brother's hospital bills, I bought quite a lot, and I remember you. I'm not giving those to you now, I will give it to you each day, when your long hair is not tied. Tied or not, you're beautiful, mi rosa."

~0~

The Captivating Chaos Series Book I: Unpleasantly Captivating

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon