Chapter 35

965 28 12
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Ngayong araw ko naisipang puntahan si Kyst, para sa huling pagkakataon. Pagbibigyan ko ang parte ng sarili kong umaasa pa na maayos ang lahat sa amin ni Kyst.

Nagsuot lamang ako ng isang puting dress na ang haba ay hanggang tuhod ko. Itinali ko ang aking buhok gamit ang scrunchie na binigay niya sa akin. Tipid lang akong ngumiti sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng aking kuwarto.

Humalik lang ako sa pisngi ni Mommy nang masalubong ko siya sa living room.

"Where are you going, Aleister?" tanong sa akin ni Mommy.

"Sa house po nila Victoria. I'll go ahead Mommy, babalik po ako bago mag-gabi." sabi ko at umalis na ng bahay.

Pupunta muna ako sa bahay nila Victoria kasama si Roux para mabisita siya, ilang araw akong nagmukmok, hindi lang naman si Kyst ang dapat kong pagtuunan ng pansin, nandiyan pa si Victoria, na sana ay maayos na ang kalagayan.

Unti-unti ko na ring pinipilit ang sarili ko na bumalik sa mga bagay na kaya kong gawin noong hindi ko pa nakakasama si Kyst. Kahit na, ilang buwan pa lang naging kami, ang mga buwan na iyon ay mahalaga sa akin dahil iyon ang unang pagkakataon na naging masaya ako, hindi dahil sa pamilya, sa kaibigan o sa kahit anong materyal na bagay. Dahil sa kanya, naging masaya ang mga buwan na iyon. Na inaamin kong, umaasa pa rin akong madadagdagan pa ang mga oras na mapapasaya at magkakasama kaming dalawa. 

Hating-hati ang isip at puso ko, ang isip ko ay patuloy akong tinutulak na humakbang na papalayo mula sa kanya, habang ang puso ko naman ay tinutulak ako pabalik sa kanya. 

Inaamin ko naman, nangungulila ako sa mga yakap, halik at haplos ni Kyst. Hindi ko maiwasan, hindi ko magawang magalit sa kabila ng mga sinabi niya, nasasaktan ako, pero hindi ko kayang magalit sa kanya, dahil siya lang naman ang lalaking nagawang pasiyahin at alagaan ako sa buong buhay ko. Hindi naman kasi ako gustuhin ng mga lalaki.

 Ako ang palaging nagkakagusto, ngunit hindi ko alam kung bakit hindi nila iyon nagagawang ibalik, tinatanggap ko na lang, dahil wala naman akong magagawa sa kanilang damdamin na hindi naman para sa akin. 

Pero si Kyst, siya lang yung lalaking pinaramdam sa akin na gusto niya rin ako, na mahal niya ako, na dahilan kung bakit gusto kong maayos pa namin ito, may halaga naman siguro ang ilang buwan na aming pagsasama para sa kanya, hindi ba?

"AC! Finally you're here!" sabi sa akin ni Roux noong nakapasok na ako sa kanilang bahay, nagulat pa ako ng makita si Maximus roon.

"Hi Roux, Hi Max, kumusta kayo?" tanong ko sa kanila.

"We're still together, holding strong you know." sabi ni Roux at tumawa. Natawa naman din ako kahit papaano, ngunit lamang yata ang inggit sa nararamdaman ko.

"How about you and Kyst?" tanong naman ni Maximus sa akin. 

"A-Ahm, we're doing good, I think." sagot ko at umiwas ng tingin. Ayoko pa sanang sabihin kay Roux dahil alam kong magagalit siya kay Kyst. At baka maka-apekto pa iyon sa relasyon nila ni Maximus lalo na't magkaibigan din ang dalawa.

"That's good." sabi ni Maximus, kitang-kita sa mata niya na may nalalaman siya. Ngumiti naman ako ng tipid, simbolo na pasasalamat sa pagtatago niya ng nangyari sa amin ni Kyst kay Roux.

"What happened to your painting, AC?" tanong sa akin ni Roux.

"I don't know, wala naman akong balita, atsaka wala na rin akong pakialam pa roon." sabi ko na lamang.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now