Chapter 21

844 27 7
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Sobrang naging abala kami sa buong oras ng klase dahil ilang canvas din ang ginawa namin. Kaya yung damit ko punong-puno na ng mga pintura.

"Grabe kahit naka-apron na tayo, mayroon pa rin tayong paints sa damit." sabi ni Roux, natawa tuloy kami ni Victoria kasi ayaw na ayaw talaga ni Roux na nadudumihan mga damit niya.

"May baon ba kayong damit?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Victoria, naalala kong wala akong dalang damit.

"Meron ako. Kayo?" tanong sa amin ni Roux.

"Meron din ako, si AC ata ang wala." sabi ni Victoria.

"Hiramin ko na lang muna itong jacket ni Kyst, isasauli ko sana 'to ngayon." sabi ko sa kanila. Sabay silang napalapit sa akin na para bang may nalalaman ako na hindi nila alam, hindi ko tuloy maiwasang matawa.

"Bakit ganyan kayo makapagreact?" tanong ko sa kanila.

"Bakit ka rin ganyan makangiti? Something happened huh?" sabi ni Roux.

"Ibang ngiti iyan." puna pa ni Victoria.

"Observative masyado." sabi ko.

"Kilalang-kilala namin buong pagkatao mo." sabi pa ni Roux kaya nagstiwanan kami.

"What's the score between you and Kyst?" tanong ni Victoria sa akin.

"Dito talaga natin pag-uusapan? Baka may makarinig na iba." sabi ko sa kanila lalo na't nandito pa kami sa classroom at may iilang kaklase pa kami na naririto.

"Tama ka, tara na doon tayo sa bench side." sabi nila kaya tumayo na kami at lumabas ng room. Isinuot ko na rin ang jersey jacket ni Kyst para matakpan ang madumi kong damit.

Nang makarating kami sa bench side ay naupo na kami roon at sakto pang walang gaanong tao, bukod sa mga naglalarong soccer teams na medyo malayo naman sa puwesto namin.

"So, ano na nga." pagkakaupo pa lang namin ay nagsalita na si Roux.

"Ganito kasi yun, kahapon magkasama kami, nanliligaw na siya ngayon sa akin." sabi ko sa kanila. Kapwa nanlaki ang kanilang mga mata at nagtititili kaya napatingin ang ilang players sa kanila. 

"Huwag kayong maingay!" saway ko sa kanila.

"Seryoso?" sabay na tanong pa nila sa akin.

"Mukha ba akong nagbibiro?" sabi ko sa kanila.

"Hindi naman, medyo hindi kasi kapanipaniwala." sabi nila sa akin.

"Ang sasama niyo!" sabi ko sa kanila at tumawa.

"Pero seryoso nga, AC. Totoo?" sabi pa nila na parang kailangan ng kasiguraduhan.

"It's true, after we attended their gig, pagkauwi ko nandoon siya sa tapat ng bahay namin, then he dragged me somewhere then we talked about what we really have." sabi ko sa kanila. They held my hands and their eyes were sparkling like stars. Mas kinikilig pa ata sila sa akin.

"Yung totoo, mas kinikilig pa kayo kaysa sa akin." puna ko sa kanila na ikinatawa nila.

"Masayang masaya lang kami para sa inyo. Sinong mag-aakalang malapit ka ng hindi maging no boyfriend since birth." sabi ni Roux sa akin.

"Bastos ng bunganga mo, Rouxelle, pero may point ka." sabi ni Victoria. Akala ko ipagtatanggol ako, isa rin pala.

"Isa pa 'to." sabi ko pero natawa lang sila sa akin bago ngumiti na nagpabago sa ihip ng hangin.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now