Chapter 22

869 23 5
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Kumanta pa ang banda ng halos limang kanta bago tuluyang natapos ang simpleng event para sa halo-halo shop ni Lola Lily.

Unti-unti na rin nababawasan ang mga tao kaya bumalik na muna kami nila Roux sa table namin at pinagpatuloy ang pagkain namin ng halo-halo na mainit na.

"Nalibang tayo masyado sa banda, mainit at lusaw na 'tong halo-halo natin." sabi ni Victoria, natawa lang ako ng bahagya at inubos pa rin ang aking halo-halo dahil masarap pa rin naman ito kahit lusaw na.

"Masarap pa rin naman 'tong halo-halo ni Lola Lily." sabi ni Roux at inubos na rin ang kaniya.

"Hindi ako nagsasawa dito." sabi naman ni Victoria. Saglit lang din at naubos na namin iyon.

"Hindi ko inakala na magkakaroon ng simpleng gig sila dito." sabi ko.

"Normally kasi sa mga malalaking cafes at bars lang sila." sabi ni Victoria.

"Nakakapanibago but it's nice that they perform here. Lalakas lalo ang benta ni Lola Lily." sabi ko pa.

"Halika na, balik na tayo sa school, may practice pa 'to si AC." sabi ni Roux.

Naglakad na kami papaalis sa table namin, nakita namin ang banda na inaayos na ang mga ginamit nilang instruments. 

Didiretso na sana kami ni Victoria nang biglang tumawag si Roux kay Maximus kaya napalingon silang lahat sa pwesto namin. 

Nagtagpo ang mga tingin namin ni Kyst at nakita ko kung papaano kumurba ang mapupulang labi niya nang kay lawak at punong-puno ng saya.

Ibinababa niya ang kanyang gitara at inayos saglit ang suot na damit bago nagmamadaling nagtungo sa puwesto ko.

Napatingin muna siya sa suot ko bago napangiting muli, bigla naman akong nahiya at akmang tatanggalin ang suot kong jacket ngunit pinigilan niya ang aking mga kamay.

"No, don't remove it. I like that you're wearing it. It looks like the evidence that you're only mine, mi rosa." sabi niya at hinalikan ang aking noo. 

"I wasn't expecting to see you here, Kyst." sabi ko sa kanya nang hawakan niya ang aking kamay.

"It's not planned, biglaan lang. Naisipan kasi namin para mas lalong lumakas din ang benta ni Lola." sabi ni Kyst sa akin at iginiya ako sa isang upuan malapit sa mini stage.

"I'm glad to see you here. I love the performance of the all of you." sabi ko sa kaniya.

He smiled and held my hand tighter. 

"Are you free today?" tanong niya sa akin.

"Yes after my practice with the other team's muse." sagot ko sa kanya.

"I'll take you on a date. I'll fetch you by 7 in the evening, is that okay mi rosa?" tanong niya sa akin.

"Of course. But, nandoon sila Mommy, are you fine with seeing them?" tanong ko sa kanya.

"O-Oh, that's nice mi rosa. I'm fine with that." sabi niya at mas humigpit pa ang hawak sa aking kamay. Hinalikan niya ito habang hinaplos-haplos ng marahan.

"See you later, Kyst. I have to go na." sabi ko sa kanya dahil nasa gilid ko na sila Victoria at Roux.

"I'll see you later, mi rosa." sabi niya at binitawan na ang aking kamay.

"Huwag kang mag-alala Kyst, masosolo mo rin 'to mamaya." biro pa ni Roux kaya namula ang aking pisngi at ikinatawa nilang lahat.

"Hames, kalmahan mo lang. Bakod na bakod ka masyado." biro pa ni Decagon. 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now