Prologue

6.6K 128 37
                                    

| The Captivating Chaos Series # 1 Unpleasantly Captivating |

P R O L O G U E

Dahan-dahan ang hakbang ko pababa ng hagdan, They can't hear me! Hindi nila ako papayagang manood ng gig ng nag-iisang banda na gustong-gusto ko!

Inayos ko ang pagkakasakbit ng maliit kong bag sa balikat ko bago dahan-dahan na binuksan ang front door.

"Hey Aleister, Where do you think you're going?" bigla naman akong nagulat nang marining ang boses ni Kuya. 

"Kuya! Aatakihin naman ako sa puso sayo!" napahawak tuloy ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.

"Aleister? Saan ka na naman pupunta? alas dose na ng madaling araw." malamig sa saad ni Kuya Alen sa akin habang hawak ang braso ko.

"Kuya naman, please, sige na payagan mo na ko, magpapahatid na lang ako kay Manong Barron. Please, just this one, I need to hear them play! I want to see The Captivating Chaos! Please Kuya, Pretty please." pagsusumamo ko kay Kuya.

Please madala ka sa pakiusap ko, I badly want see them! Kakatapos lang ng exams namin and I need inspiration for upcoming activities sa school!

"Fine, pero ako na ang maghahatid sayo. Wait me here, you brat." sabi ni Kuya at umalis na sa harap ko.

"You love this brat, hihi." natutuwa kong sabi sa kanya, I heard him "tsked" after entering his room.

Napatingin naman ako sa maliit na bondpaper na nasa bag ko, tinupi ko pa yun para magkasya. I wrote something there, That's my banner for this midnight.

Ilang sandali lang ay nakita kong  bumaba na si Kuya mula sa kwarto niya, He's wearing a white simple shirt and pants while holding his car keys.

"Let's go." sabi niya at naunang lumabas ng pinto. 

Kaagad niyang binuksan ang pinto ng kotse para sa akin, ngiting ngiti naman akong pumasok sa loob. My gosh. I'm so excited. I stared at my wrist watch, It's already 12:30. The start is 1 AM, makakahabol pa ko.

"Stop smiling like an idiot Aleister Cerys." naiiling na sabi ni Kuya Allenier bago pinaandar ang sasakyan.

Napanguso naman ako. "I'm just excited." sabi ko sa kanya.

"Tsk. You like them so much huh? Or you like one member?" tanong  ni Kuya sa akin kaya ramdam kong namula ang mukha ko.

"Kuya!" reklamo ko sa kanya. Bakit parang alam na alam niya ang ugali ko? But I like the whole band. It's just, there's Kyst who I like the most.

Saglit lang ang naging biyahe namin, bukod sa walang traffic, malapit lang ang Neon Nights sa bahay. Neon Nights ang pangalan ng bar kung saan tumutugtog ang The Captivating Chaos.

I've been a fan of them for almost a year. Simula nung makita ko silang tumutugtog sa isang event. Palagi ko ng inaabangan kung saan sila tutugtog, Kaya hangga't maaari, talagang pumupunta ako kahit na hating gabi pa.

Eversince na naging fan nila ako, never akong lumapit sa kanila, I'm fine just seeing them singing and using their instruments while holding my banner.

Pagkapasok palang namin ni Kuya Allenier sa bar ay puno na agad ng tao, halos puro babae, mabuti na lang talaga at staff dito ang kaibigan ko, kaya panigurado nahandaan na niya ako ng pwesto.

Mabilis ako nakasiksik, habang si Kuya Allenier ay doon daw muna sa counter. Nakita ko agad si Roux na nasa bandang unahan, Ang Captivating Chaos ay inaayos na ang instruments nila sa stage.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Where stories live. Discover now