Chapter 20

1K 27 7
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Kinabukasan, ngiting-ngiti ako nakaharap sa aking malaking salamin habang inaayos ang suot-suot kong floral dress na binili ko kahapon sa mall. Pastel yellow ang kulay nito at bell sleeves kaya bagay na bagay sa sandals na suot ko. Itinali ko lang ng low ponytail ang aking kulot na buhok gamit ang scrunchie na binigay sa akin ni Kyst. 

I just applied a litlle amount of eyeshadow, blush on and a matte lipstick just to make myself more presentable.

I grabbed my small shoulder bag and my tote bag that is full of my art materials then I left my room.

I need a great look for a great day.

"Hija, kakain ka pa ba dito?" tanong sa akin ni Manang nang makasalubong niya ako pababa ng hagdan.

"Hindi na po siguro Manang." nakangiting sagot ko dahil nasabi ni Kyst na susunduin niya ako ngayong umaga.

"Mukhang maganda ang gising ng Senyorita?" pansin ni Manang sa akin. Natawa ako ng bahagya tapos ay kumapit sa kanyang braso.

"Masaya lang po talaga ako ngayon, Manang." sabi ko sa kanya at sakto naman na may bumusina na sa harap ng gate. Nasisiguro kong si Kyst na iyon kaya nagpaalam na ako kay Manang at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nakita ko na ang sasakyan na ginamit niya kahapon, lumabas siya mula roon at ang puso ko na naman ay unti-unting nagwawala.

"Hey lovely." sabi nito at hinawakan ang aking kamay at dinampian ito ng halik.

"You look so lovely, mi rosa. Enough to complete my day." sabi niya pa na tiyak kong ikinapula ng aking pisngi.

"Aga-aga mong inilalabas yang mga matatamis mong salita." biro ko sa kanya. He laughed and open the car door for me. He guided me to sit while holding my head so I won't bump my head into the car's roof.

Ngayon ko lang napansin na magkakulay pa ang aming damit, but he look so good wearing a pastel yello polo and a jogger pants with his sneakers. His hair is tied too that made his look even more perfect.

"Quit staring mi rosa. Iisipin ko talaga gusto mo na agad akong sagutin." sabi niya. Hinampas ko naman ang matigas niyang braso at natawa.

"Siraulo ka. Napansin ko lang na magkakulay ang suot natin ngayong araw." sabi ko sa kanya.

"We look like a couple na." sabi niya, napangiti na lang ako lalo na noong naramdaman ko ang kanyang kamay na ipinatong sa aking kamay.

"Did you eat your breakfast?" tanong niya sa akin.

"Nope." sagot ko sa kanya.

"Thank God I bought some." sabi niya sa akin sakto at naka-red light ang stop light kaya may kinuha siya saglit sa likuran ng kotse, inabot niya sa akin ang isang paper bag galing starbucks.

"Eat your breakfast, lovely." sabi niya sa akin and I can't help it but to smile.

"Did you eat your breakfast too, Kyst?" I asked him.

"Not yet but I'm good, mi rosa." sabi niya sa akin. I opened the paper bag and grabbed the sandwich, luckily it's not that hot anymore so I can cut it in half with my hands.

Itinapat ko sa kanyang bibig ang kalahating parte ng sandwich, at kinain ito.

"You should eat breakfast too, Kyst." sabi ko sa kanya tapos ay kinain na rin ang akin.

Habang nagmamaneho siya ay sinusubuan ko siya ng pagkain at pinapainom ng iced coffee nang sa ganoon ay mabusog din siya katulad ko. 

I grabbed some tissue and cleaned his mouth same with mine lalo na't nandito na pala kami sa parking lot ng school.

"We're here, mi rosa." sabi ni Kyst at naunang bumaba sa kanyang kotse pagkatapos ay pinagbuksan naman ako. Katulad ng ginawa niya kanina, inalalayan niya ulit ang aking ulo lalo na't higit na mas mababa ang mga bubong ng mga sports car kumpara sa mga karaniwang kotse.

Nakita kong maraming mga mata ang nakatuon sa amin kaya hindi ko naiwasang mapayuko dahil nakaramdam ako bigla ng hiya.

I heard him laughed a little then held my hands as we walk into the school's entrance.

"Don't be shy, mi rosa." sabi niya sa akin. Habang hawak niya ang aking kamay, kinuha niya pa ang dala-dala kong tote bag at siya na rin ang naghawak noon.

Habang naglalakad kami sa campus ay nakasalubong namin ang basketball team, nakita ako kaagad ni Brandy kaya nakita ko kung paano ito nagmamadaling lumapit sa akin tulad ng parati niyang ginagawa.

"H-Hi AC." bigla itong nautal nang mapansin na kasama ko si Kyst.

"Hello Brandy!" bati ko sa kanya pabalik.

"Here's your cupcake for today, sunshine." sabi nito habang nakangiti tapos ay kinuha ang isa kong kamay at inilagay ang maliit na paper bag roon.

"Wow, another flavor! Thank you for this Brandy, I love it!" pasasalamat ko habang tuwang-tuwa na tinitingnan ang cupcake na amoy banana. 

"Always welcome little sunny. Hope you will like that recipe. I practiced overnight for that. To impress the sun." sabi nito kaya natawa ako ng bahagya.

"Oh my gosh, really? Grabe ka naman, I love your cupcakes naman so no need for new recipes." sabi ko sa kanya.

"I want new recipes for the bright sun." sabi nito sa akin kaya natuwa ako.

"Are you done, Romero?" biglang singit ni Kyst kaya napatingin ako sa kanya.

"I actually want to talk to her more." sagot ni Brandy, pagkasabi niya noon ay naramdaman ko ang mga bisig ni Kyst na humawak sa aking baywang.

"A-Ahm, malapit na kasi ang class ko, maybe we can talk some other time, Brandy." sabi ko nalang sa kanya dahil totoo naman, halos sampung minuto na lang ay simula na ng unang klase.

"Ganoon ba. Sige, see you around sunshine!" sabi nito sa akin at bahagyang ginulo ang aking buhok bago tuluyang naglakad papaalis.

Pagkatapos noon ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Kyst, natahimik siya pero nandoon pa rin ang kanyang bisig sa aking baywang. 

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng building ay tahimik pa rin siya kaya medyo nabahala ako, nilakasan ko lang ang loob ko atsaka siya kinausap pero naunahan niya ako.

"Mi rosa, you like cupcakes?" biglang tanong niya sa akin kaya napatingin ako agad sa kanya.

"Yes, I love sweets." sagot ko sa kanya. I saw him almost rolled his eyes like a small kid.

"Tsk. I'll bake you a large cake, just wait." sabi nito na parang nakikipagkompetensiya na akala mo ay nasa isang karera.

"Kyst, are you okay?" tanong ko sa kanya.

"I'm fine mi rosa. I'm just a little bit irritated with that f*cking Romero." sabi nito kaya nanlaki ang mata ko.

"Magka-away ba kayo ni Brandy?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko inakala na may alitan pala sa dalawang captain ng dalawang sikat na teams dito sa school. Akala ko pa naman ay magkaibigan sila. Lalo na't halos lahat ng mga sporty at athletes dito sa school ay palaging magkakasama.

"Kaaway ko na siya ngayon." sagot niya sa akin habang ang kamay ko naman ang kanyang hinawakan.

~0~

The Captivating Chaos Series Book I: Unpleasantly Captivating

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang