Kabanata 84

240 7 0
                                    

Kabanata 84

Sa buong maghapon ay salubong na lang yata ang noo ni Phil. Lahat na ng empleyado niya ay nabulyawan niya. At alam niya ang totoong dahilan kung bakit wala siya sa mood buong araw. Kagaya nang alam niyang hindi naman siya naiinis talaga, nalulungkot lang siya.

"I said don't disturb me Chad!" mariin niya iyong naisigaw nang makarinig ng mahinang pagkatok sa kaniyang opisina. Kanina pa niya nasabihan ang kaniyang secretary na huwag siyang abalahin ngayong araw. Pero narito ito ngayon at panay ang pangangatok.

Mabigat ang kamay na inilagay niya ang papel na hawak sa isang gilid matapos niya iyong basahin at pirmahan. Kaya naman hindi na niya napansin ang pagbukas ng pinto ng kaniyang opisina at pagpasok ng bisita.

"Good afternoon Tart!" Mapangbuyong bati ng bagong dating bagay na agad na ikinaangat ng tingin ni Phil. Without a doubt it was Alison Salvatori. Ito lamang naman ang nagiisang tumatawag sa kaniya ng ganon. Dagli na tuloy ang pagtayo ni Phil para salubungin ito.

"Alison, you should stop calling me that." Mababa ngunit seryosong turan niya. Nananaway. Natawa naman ang dalaga bago ito naupo sa may sofa at tinanggal ang lab coat niya.

"I was just kidding, Phil. Relax!" Matapos ay isinampay nito ang lab coat niya sa may sofa. Doon na lang napansin ni Phil na may dalang pagkain si Alison nang ilagay na nito ang paper bag sa center table.

"What are you doing here?" He couldn't help but to asked.

Sa pagkakaala ni Phil ay wala naman na silang paguusapan ng dalaga. Huli nilang paguusap ay nilinaw na niyang wala nang mangyayari pang pagbabago sa nararamdaman niya dahil buo na ang desisyon niya sa pagpapakasal kay Seline. Maayos naman nitong tinanggap iyon. Phil heard that Alison was in a medical mission out of the country kaya naman hindi nakaabot dito ang invitation letter nang ikasal siya. At mukhang ngayon lang ito nakabalik.

"I heard your married." It was not a question at all. It was a statement. Hindi naman si Phil umimik bagkus ay ngumiti lang habang nakataas ang palasingsingan. Tila nais ipagyabang bagay na ikinangiwi naman ni Alison bago ito naging abala sa paglalabas ng kung ano sa dala nitong paper bag. "Nakakatampo, you didn't invite me."

"I do send you my wedding invitation letter, your no where to be found."

"Ah yeah! I was on Indonesia for some medical mission. AES send me off. Don't you think Aestellah did it on purpose? She was Seline's bestfriend after all." Mula sa paper bag ay inilabas nito ang pagkain at isang red wine. "Here's my wedding gift. Congratulations." Bahagya pa nitong inipod sa direksyon niya ang alak kaya naman lumapit na si Phil at naupo sa kaharap na sofa nito ng may ngiti.

"I don't think so, Ali. You know Aestellah was still a resident cardiologist on AES. She was not the one to decided that." Nang makomportable sa pagupo ay kinuha na niya ang wine na ibinigay nito at itinabi. "Thank you for this by the way."

"Your welcome!" Ngumiti ito ng payak bago dumikwatro sabay turo sa mga pagkain. "I brought you foods pero bago mo ako sawayin gusto ko lang sabihing huli na ito." Doon natahimik si Phil at pinakinggan ang dalaga. "As in last na talaga, hindi na ulit ako magdadala ng pagkain sa'yo. I know my place."

At that point, hindi napigilan ni Phil ang mapabalik tanaw sa lahat ng pinagsamahan nila ni Alison. Remembering it all, Phil knew he was a big jerk. Tuloy ay hindi niya napigilang katitigan ang dalagang minsan din naman niyang nagustuhan.

"Staring is rude, Mendez." Ngumisi pa ang dalaga. Sa dami-rami ng pinagdaanan ni Alison na nasaksihan ni Phil ay alam niyang isa siya sa pinaka nagpahirap sa dalaga. Ginulo niya ang puso nito, pinaasa at pinaniwalang maaaring mabaling dito ang pagtingin niya kahit imposible. Doon napalunok si Phil at napagsalikop ang kapwa kamay. Kung nais niya ng bagong buhay, mukhang kailangan niyang umpisahan iyon sa paghingi ng tawad.

"I'm very sorry for constantly hurting you, Ali." Dama ni Phil na natigilan ang dalaga sa binitawan niya gayunpaman ay nagpatuloy siya. "For taking advantage of you and making you hope in vain. I've been rude to you. A self-centered jerk who only returned to you so I could use your adoration to get through my loneliness." Nais niyang sabihin ito ngayon bago pa siya tamaan ng hiya. "You can be angry with me, curse at me, smack me, or do anything else you want to do in order to get back at me. I won't mind." Huminga si Phil ng malalim at hinintay ang sagot ng dalaga. Ngunit mapait lang itong ngumiti bago sumandal ng maayos sa sofa.

"I'm mad right now Phil, gusto talaga kitang sampalin ngayon pero sa totoo lang I've done wrong too back when we were together." Bumuntong hininga si Alison bago nagpatuloy. "I tolerate your selfishness, nagpakamartyr ako at hinayaan kitang gamitin ako without thinking about myself. It was funny to recalled all those crazy thing I have done just so I could be with you. Isipin mo, nagpakalunod ako sa pagaaral para lang makapagaral abroad kahit hindi na sa harvard kagaya mo basta malapit lang ako sa'yo."

"Your crazy back then, pumunta ka sa States na tanging scholarship lang ang pinanghahawakan at walang matitirhan." Natatawang turan na rin ni Phil nang maalala ang mga nagyari sa kanila.

"And thanks to you and Rain for saving me to that situation. Sobrang hirap pa namang mag-adjust sa abroad." Tumatawa na din ito ngunit kalaunan ay nauwi muli sila sa seryosong paguusap. "Pero kahit na ganon ang mga nangyari, at least masasabi ko sa sarili kong ginawa ko naman ang best ko makuha ko lang ang puso mo." Nang pumatak ang luha sa kaliwang mata ng dalaga ay nagsunod-sunod na iyon. "It was a toxic and painful battle but still, I want to express my gratitude for all  the lessons you have taught me, Phil."

Walang imik na pinanood lang ni Phil si Alison habang pinupunasan nito ang mga luha sa mata niya.

"It was nice to meet you." Iyon ang huling binitawan ng dalaga bago ito nagpaalam sa kaniya. Mas magmumukha daw siyang kawawa kung mag-i-stay siya at magiiyak sa harapan ni Phil. Kaya naman mas pinili nitong lumisan bagay na hinayaan na lang niya.

I M _ V E N A

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now