Kabanata 44

194 6 0
                                    

Kabanata 44

Bihis na bumaba si Seline hawak ang sling bag niya. Suot ang black sport bra na pinatungan ng  black cropped denim jacket na may pink collar, white heels at orange skirt ay bumaba siya ng hagdan. Masyadong umaalingasaw sa bango ang pabangong gamit niya kaya naman hindi na kailangan pang magpasabi para lingunin siya ng mga tao sa sala. Naroon ang mga magulang niya habang kausap si Phil na mukhang kanina pa siya hinihintay. Masyadong napasarap ang paglalamyerda niya sa banyo kung kaya't natagalan. Bukod kasi sa pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya. Ayaw naman niyang magmukhang basahan sa harapan ni Phil. Pormadong-pormado pa naman ang tukmol. Hindi naman niya gugustuhing mapahiya muli.

Doon na tumayo ang ina ni Seline at sinalubong siya. Nagulat na lang ang dalaga nang bigla siyang kurutin ng ina.

Ano na naman ba ang nagawa ko?

"Mama naman!"

"Ano ka ba naman Seline?" Pinanlakihan na siya ng mata ng ina bagay na ikinakunot ng noo ng dalaga. "Ehem! Bakit mo naman hinayaang ang bisita mo ang magtapon ng basura!" Doon na napaawang ang labi ni Seline. "Kilala mo ba kung sino 'yan? Siya lang naman ang fiance mo!" mahinang bulong na ng ina this time.

Now this is really great, napagsabihan pa siya. Ngali-ngali niyang sumagot na alam niyang fiance niya iyon at kilala niya ang bwisita-kuno. Nabaling ang tingin niya sa amang masinsinang kinakausap si Phil. Hindi na siya magtatakang kaya ito ang napili ng ama bilang fiance niya ay dahil alam naman nito ang totoo na si Phil ang ama ng unang anak niya.

Napabuntong hininga na lang si Seline dahil doon.

"Oh! There she is, Mr. Phil Mendez,  meet Seline, my daughter, " turan ng ama niya nang siya ay mapansin na nito. Ngumiti naman si Phil at bahagyang tumango. Bagay na nakapagpasimangot kay Seline.

Plastic talaga!

Hindi inaasahang nagtama ang mga mata nila ng binata subalit hindi iyon nagtagal nang muling hagudin nito ang suot niya. Kumunot ang noo nito at tila ba may hindi nagustuhan.

"Why are you wearing crop top?" biglang tanong nito sa kaniya. Hindi iniisip ang presensya ng mga nagtatakang magulang ni Seline. But to be specific alam niya ang ina lang niya ang nagtataka. Ang ama niya? Syempre imposibleng wala itong alam tungkol sa kaniya. After all he's non-other than, Sergeant Sandro Happuch.

"Alangan naman mag-longsleeve turtle neck ako 'diba? Mainit, Phil! Igaya mo pa ako sa'yo na akala mo'y may winter sa pinas." Wala na rin siyang pakialam kung magpabalik-balik na ang tingin ng ina niya sa kanilang dalawa. Basta hindi siya magpapalit, masyadong maganda na ito para sa kaniya. Minsan na nga lang siyang magsuot ng ganito pagbabawalan pa.

"Great idea, go change. Mag-longsleeve turtle neck ka na lang, " mapaklang turan ni Phil sa kaniya sabay tayo mula sa pagkakaupo. Pinanlakihan ni Seline ng mata ang binata.

"Are you serious?"

"Do I have to repeat myself, woman?"

"I don't want to! Mainit!" Iritado na si Seline. Hindi na kasi nakakatuwa ang inaasta ng binata. Akala mo naman kung sino para pagbawalan siya.

"You're going to change that by yourself or I'll go with you!" Hindi makapaniwala si Seline sa sinabi ni Phil. "Don't expect me not to touch you inside your room if I go and change your clothes." There everyone frost.

Like what the fuck is he saying right?  Damn you Phil! Infront of my family? Wow, just wow!

"Teka! Teka! Saglit nga lang. Kayo ba ay magkakilala na?" biglang tanong ng ina niya na mukhang hindi na nakapagpigil. Kunot ang noo at parang hindi maintindihan ang nangyayari.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now