Kabanata 80

146 3 0
                                    

Kabanata 80

Nang makalabas ay talagang nagulat si Seline nang bumungad sa kaniya ang sariling cruise ship na ilang taon niya ring hindi nakita. Sa pagkakaalala niya ay nasa Switzerland ito. Huling tawag niya ay iyon ang location na ibinahagi sa kaniya. But there it is-the Moonlight Cruise-proudly showing itself.

Nang ilibot ni Seline ang paningin sa paligid doon niya na-realize na nasa Alvatran Port sila. Doon nakadaong ang barko. Gayunpaman kung may bagay siyang mas napansin ay ang katotohanang wala siyang ibang taong makita sa paligid kundi silang dalawa lang ng kaibigan. Gabi na at tanging ang liwanag mula sa ship ang nagiging tanglaw nila.

"In my cruise ship? The wedding? Really!" Halos pabulong na niya iyong naitanong kay Aestellah pero nginitian lang siya nito bago siya alalayan papasok.

Having her staff smile and welcome her as she entered on her own cruise was incredible. Nakahanay ang mga ito sa gangway (The opening in the ship where passengers enter or exit) na daraanan niya patungo sa isang elevator. Seline's cruise ship was like a hotel inside. Naroon at may shopping area malapit sa galley (The ship's kitchen) drinking area at Lido Deck (Where you'll find the pool) a grand hall on the Midship. There are different cabins or staterooms. Meron din doong casino near at the atrium (A lobby-like space where you'll find the purser or guest services).

Hindi pa man nagbubukas ang glass elevator ay kilala niya na kung sino ang nasa loob niyon. It's her father waiting at her with a smile. The elevator here was made of clear polycarbonate material kaya naman kitang-kita niya ito.

Akmang papasok na siya sa loob ng elevator nang maalala ang kaibigan. Subalit nang lingunin niya ito ay wala na ito doon. Kaya naman sumama na si Seline sa ama niya. Masayang pinindot ng ama ang daan patungo sa upper deck. Habang si Seline ay hindi alam kung anong dapat maramdaman. Kung kakabahan ba o ma-e-excite. Tila planadong-planado ang lahat, gayunpaman hindi siya makalma.

"Nanginginig ang kamay mo, anak, " biglang saad ng ama niya. Mukhang naramdaman nito iyon. Naalala tuloy ni Seline ang sinabi nito kanina bagay na hindi na niya nais buksan pa. Mukhang kagaya ng ina, minsan ay ayaw din niya ng drama.

"Pa, sinong nagplano nitong lahat?" Lihis ang tanong niyang iyon sa sinabi nito. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili upang hindi maiyak.

Not now Seline. Not now.

"Your groom, my daughter." Kalmado ang boses ng ama niya. Isa lang ang ibig niyong sabihin. Masaya ang ama niyang pakakasalan niya si Phil.

That man! I take it back, he has a whole life span of sexy time with me.

But what if his dad find out that it was Phil who got her pregnant. Would he be mad with him? Or his dad already knew? There was one way to find out.

"Amm, Pa, I have something to tell you." Hindi niya kayang maglihim sa ama. Ikakasal na siya at sigurado naman na wala na itong magagawa tungkol doon.

"What is it?"

"It was all about my unborn child Philip-"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang magsalita agad ito.

"Matagal ko nang alam 'yan." Nakangiti ang ama niya bagay na talagang ikinakunot ng noo ni Seline.

Sinasabi ko na nga ba.

"You knew? How? I mean, I didn't say anything," gulat na gulat niyang tanong.

"I have my ways, Lieutenant." Magtatanong pa sana siya nang bigla na lang bumukas ang elevator.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1) PUBLISHEDWhere stories live. Discover now