Kabanata 66

111 1 0
                                    

Kabanata 66

First Day of Class
June 17 2019

Tahimik lang ako habang binabasa ang liriko ng jingle namin for nutrition month na ginawa ng mga kaklase ko. Where having this strand competition it was Nutrition Jingle, each strand requires to submit and compete. For a senior highschool completer na kagaya ko walang iba akong ginusto kung hindi ang makuha ang parangal na valedictorian sa darating na Grade 12. Umaasa na rin si Mama na iyon ang mangyayari kaya naman bagamat hirap sa pagbuhay sa aming dalawa ng nakababata kong kapatid ay sinikap niyang ipasok ako sa isang prestigious school na kagaya ng Mersilyo De Letran. Kaya naman habang maaga pa at nagsisimula pa lang ang Grade 11 ay nagpupursigi na ako't nakikilahok sa gawaing pampaaralan.

Pero ang kaninang atensyon ko sa liriko ay natigil nang may lumapit sa akin. Mula sa pagkakatungo sa teachers table malapit sa board ay agad akong nagangat ng tingin. Doon bumungad sa akin ang isang babae.

"Amm, excuse me." Magkasalikop pa ang mga kamay niya na animo'y kinakabahan. Naghintay naman ako ng sunod niyang sasabihin sa isiping baka importante iyon. Sa totoo lang hindi ko kilala ang babae. Basta ang alam ko lang ay ka-schoolmate ko siya at kagaya rin ng strand.

"Pwede mo bang tingnan itong ginawa ko?" Matapos ang mahabang katahimikan ay umimik na din siya.

She has lovely black eyes, sparse eyebrows, a little yet adorable nose, and a clear, white complexion. Maikli din buhok niyang sabog-sabog at may bangs din siya. Maliit siya at mukhang ... si Dora.

I wonder, nasaan kaya ang map ng isang ito?

With this silly though, I chuckle quietly.

"Sige titingnan ko."

Matapos kong sabihin iyon ay ngumiti ng malawak ang babae sa akin na akala mo ay nanalo siya sa lotto. Pinilit kong huwag mapangiti din, nakakahawa siya.

While reading her work. May mga lyrics itong pwedeng gamitin para sa pagbuo ng Jingle, kaya naman nginitian ko na siya pabalik. Mas mapapabilis kami kung gagamitin namin ang ginawa niya.

"Pwede ito, magagamit natin ang ginawa mo, " saad ko.

Doon ay mas lalong lumawak ang ngiti ng babae. Hindi ko na tuloy maiwasang titigan siya. She's adorable, but absolutely not my style.

"Thank you, Phil."

Masayang-masaya na talaga siya niyon? Pero teka, kilala niya ako? How?

"Kilala mo ako?"

Nanlaki ang mata niya na parang may nasabi siyang hindi niya dapat sinabi. Bakas sa kaniya ang pagkaaligaga. Mukhang kinakabahan siya sa presensya ko. Why would she?

She's odd but also extremely cute.

"A-Amm, narinig kong t-tawag nila sa'yo." Sabay turo niya sa mga kaklase ko na nagaaral ng step for interpretation ng jingle.

Ah! Kaya pala.

Napatango na lang ako bago siya iwan doon dala ang gawa niyang lyrics. Marami pa kaming gagawin para matapos na ito. Malapit na ang July kailangan naming makapag-come up na ng magandang kanta.

Nasa gitna na ako ng room nang matigilan ako.

Sa hindi ko maintindihang dahilan ay nilingon ko ang babae.

"Ano palang.." Saglit akong natigilan dahil kita ko kung paanong bahagya pa siyang nagulat at napaatras nang lingunin ko siya. Nakakapagtakang nakatingin din siya sa akin na kalaunan naman ay ipinagkibit-balikat ko na lang. "Pangalan mo?" bigla ko na lang iyong naitanong na parang hindi nagiisip at nagkukusa na lang.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon