Kabanata 41

201 7 0
                                    

Kabanata 41

Bagsak ang balikat na lumabas si Seline ng hospital bitbit ang mga basurang itatapon niya.

"Ayos ka na ba talaga?"

"Hmm, salamat Councilor." Hinatid si Seline ni Kid palabas ng hospital nang sabihin niyang uuwi na siya matapos tumahan sa pagiyak. Nagaalala man ay walang nagawa ang binata nang sabihin ni Seline na sa bahay muna siya. "Magingat ka."

Ngumiti si Seline doon. Mabait talaga si Kid, hindi lang sa kaniya maging sa mga kaibigan niya lalo kay Chontelle. Hindi nila ito ka-close pero mabait talaga ito. Maintindihin at talagang inuuna ang kapakanan ng iba.

"Thank you ulit." Ngunit nagulat na lang si Seline nang bigla itong humalik sa pisngi niya. Handa na sana niyang tuhudin ang bayag ng binata nang bumulong ito.

"Thanks me later." At sa isang mabilis na pangyayari ay nasaksihan na lang ni Seline na sinapak na ng biglang sumulpot na si Phil si Kid.

"Oh my god! Teka Phil!" Ngunit hindi na niya naawat ang dalawa nang magpalitan na ng sapak ang dalawa. Doon na nagsimula ang gulo sa ground floor.

"Fuck you Kid!"

"I already warn you, Mendez!"

"I will kill you, Castro!"

Natigil na lang ang dalawa nang dumating na ang ilang gwardya ni Councilor Kid na siyang umawat sa dalawa. Hindi makapaniwalang nagulo na lang ni Seline ang buhok sa nangyari at iniwan ang mga ito. Umiinit lang ang ulo niya, may media sa paligid na kanina ay nag-sho-shoot ng event sa pediatric ward. Hindi na siya magtataka kung magiging head line na naman ito ng balita.

Bakit ba naman kasi nakialam pa si Phil? Ano bang pinaglalaban niya?

Inis na itinapon niya sa basurahang nadaanan sa may parking lot ang basura bago siya dumiretso sa kotse niya. Seline was about to enter her car when someone grab here wrists.

"What the-"

Natigilan siya nang makilala ito.

"Phil!"

Ano na naman bang kailangan nito?

Masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng binata. Gayundin naman ang ibinalik niya. Walang imik na hinila siya nito.

"Ano ba Phil?" Mahigpit ang kapit ng binata sa wrist niya nang hilahin siya nito. "Nasasaktan ako!" Naramdaman niyang lumuwag naman iyon subalit nanatiling nakahawak ito sa kamay niya. "Bitaw!" utos niya pero mukhang hindi na iyon tatalab dito this time.

"No, lets talk." Idinala siya nito papunta sa parke na malapit lang sa hospital. Wala masyadong tao doon at tanging ilang streetlight lang na bukas ang naroon. Pansin niya rin ang ilang duyan at padulasan na malapit. Play ground.

Gabi na at makulimlim ang langit, isa rin siguro sa dahilan kung bakit wala masyadong tao ngayon. Halatang uulan.

"Ano bang problema mo?" pahasik na tanong ni Seline nang matigil sila. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito at nagtagumpay naman siya doon.

"I should be the one asking you that Seline. What is your problem?" bakas ang galit sa boses ni Phil at nakuha pa siyang sigawan nito. Naging awtomatiko naman ang palad niya sa paglipad nito sa pisngi ng binata.

"'Wag mo kong sigawan!" napapasigaw na rin si Seline. Pasalamat na lang siya at walang tao doon. Hindi makapaniwalang nilingon siya ni Phil.

"What was that for?" This time ay mahinahon na ito pero nandoon pa rin ang diin.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now