Kabanata 55

1.1K 44 13
                                    

Kabanata 55

Hindi mabilang na buntong hininga na ang ginawa ni Phil habang nakaupo kasama ang pamilya niya sa loob ng isang opisina. Kung opisina ngang matatawag iyon. Puno ng mga papeles na maayos namang nakasalansan sa bookshelf na nasa likuran ng table at swivel chair. Malawak ang kwarto ngunit nagiisa lang ang ilaw at tanging sa upuang kinauupuan lang nila iyon nakatapat. May mga nakahandang dokumento sa isa pang table na nasa harapan lang nila. Napaka-creepy din ng paligid but he can say how classy and manly the room is. Neat, organise and clean.

Sa gawing kanan makikita ang over looking view ng city dahil fiber glass lang ang nagsisilbing wall. Sa kaliwa ay naroon ang isang elevator door. Mahina ring tumutugtog ang piano piece Fur Elise by Beethoven.

Bago sila pumasok ay mariing ipinagbawal ang paguusap sa loob ng silid. Bawal ang magingay at tanging pakikinig lang ang gagawin na talagang ikinataka niya pa lalo.

Halos hindi si Phil makapaniwala sa nangyari kanina. Nakakapagtaka nang piniringan sila papunta sa kung saan man sila naroroon ngayon. Nakapagtataka nang sa harapan lang ng kwartong ito tinanggal ang piring nila, tapos ay dadagdag pa ito. Hindi tuloy maiwasang mapatanong ni Phil.

Ano bang nangyayari?

Ilang minuto na rin silang naroon at tanging pagtitinginan lang ang nagagawa nilang mag-anak. Hindi na niya gusto ang takot sa mga mata ng mga ito.

What the hell is this place?

Hindi ba dapat ay sa police station sila dumiretso at mag-report doon tungkol sa nangyari? Pero tiwala naman siya kay Seline na hindi sila nito ipapahamak. Gayunpaman hindi niya maiwasang hindi mairita. Halos lahat ng tungkol sa kaniya ay alam na ng fiance niya. Subalit siya ay wala man lang ni katiting na alam tungkol dito. He can feel it, there is something she's definitely hiding from him.

What is it?

"Good afternoon, Mr. Mendez." Nangunot ang noo niya ng makilala ang boses na iyon. Agad na nabaling ang tingin niya sa bumukas na elevator. Doon na napaawang ang labi niya nang mapagsino ang lalaking  nakapamulsang pumasok sa silid. Gaano man kadilim ang silid ay nananatiling malinaw ang paningin niya ang bagong dating.

Phil knows him, but he's not in his usual style. Today, the man he knew is wearing an eye glasses and look scary with it. He can feel the authority.

He's different.

"Y-You—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang magsalita ito.

"Today, just call me Nox. It would be nice for me to be called by my code name." The man said while arranging those documents on his table. After that, he drop each one of his guns out of his body.

Isang Glock 17 at dalawang 9MM na baril mula sa magkabilang hostler nito. Tinanggal din nito ang earpiece sa tenga at ilang bala sa loob ng bulsa ng black suit niya. Phil knows something about those thing, he wasn't that naive of course.

After that, naging abala ito sa pagbabalik ng mga baril nito sa lagayan and guess what. Nox press something to open the bookshelves at doon tumambad sa kanila ang ibat-ibang klase ng mga riffle, handgun, dozens of bullets, at iba't-ibang armas na ngayon niya lang din nakita ng personal.

Phil was literally shocked, even though they were not close enough. He knows this man as a generous man, not a dangerous one,  kind and simple, not this authorized person. And definitely not as cold as an iceberg.

Nang matapos ito sa pinaggagagawa ay humarap ito sa kanila dala ang isa pang dokumento saka umupo sa harapan.

"It doesn't feel nice to do work with familiar faces. This is getting on my nerves, but I have no choice, so please forgive me. This is just a work. " Phil was about to open his mouth when he talk again.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora