Kabanata 76

122 3 0
                                    

Kabanata 76

After three days in Spain ay agad na silang umuwi sa Pilipinas. Hindi sila pinayagan ni hinayaang magtagal doon ng Mistress. Lalo at hindi talaga nito gusto ang may bisita sa palasyo. Gayunpaman ay hindi naman iyon ang ikinabubuntong hininga at ikinakasimangot ng mukha ngayon ni Seline.

"What's with the face Val?" It's Aestellah who notice. "Seriously, it's your wedding tomorrow. You're so grumpy!" bakas ang pangungunsumisyon sa boses ni Aestellah. Lalo lang tuloy sumama ang mukha ng dalaga.

Sino ba naman ang matutuwa sa sitwasyon ni Seline ngayon. Kauuwi lang nila at kalalapag palang ng eroplano sa Pilipinas ay sinabi na ng fiance niya na kinabukasan ay kasal nila. Ni hindi man lang siya nakapili ng sariling gown na susuotin ni ang theme ng kasal, mga abay at cake. Wala man lang siyang naiambag.

Pagod siya mula sa ilang oras na biyahe. May jetlag at hindi pa ganon magaling ang likod niya pero narito ang mga hinayupak niyang kaibigan at nakikigulo sa bahay niya dahil sa bridal shower daw niya. Tila ba handang-handa pa ang mga ito at may mga pagkain at kung ano-ano pang dala-dala.

Theia, enjoy the night! See you tomorrow.

Captain Phil Mendez
(Sender)          

Napapikit lalo si Seline nang mabalingan ang phone niyang hawak. Pagkababa nila kaninang umaga sa eroplano ay bigla na lang itong nawala na parang bula matapos sabihin ang tungkol sa kasal nang pa-landing na ang eroplano. Magsi-CR lang daw ito subalit hindi na nakabalik. Bwiset na bwiset talaga ang dalaga dahil sa nangyari.

'Wag ko na kayang siputin ang gagong 'to bukas.

But hell, ang pinaka ipinuputok ng butsyi ni Seline ay ang katotohanang ikakasal siya bukas ng wala man lang ka-prepared-prepared? Hindi iyon ang kasal na pinangarap niya. Phil ruined it, big time.

Damn you Phil Mendez! You have no sexy time. I swear! No honeymoon for you.

Muling napabuntong hininga na lang si Seline nang mabalingang naroon na rin ang ina niya at tumutulong pa sa kalokohan ng mga kaibigan niya.

"Ano bang maitutulong ko hija?"

"Ay Tita, madali lang po. Gupit-gupitin ninyo lang po ng pa-triangle ang mga colored paper." Turo na ni Daniella. "Chontelle, tulungan mo si Tita."

"All right!"

Doon na siya tuluyang napailing.

"Ma, ano ba iyang—"

Hindi na natuloy ni Seline ang akmang pagsaway sa ina nang biglang kunin ni Aestellah ang cellphone niya. Aangal pa sana ang dalaga ngunit agad na itong nakatakbo patungo kay Daniella.

Okay! What now?

Nakasimangot na lang tuloy siyang naglakad papunta sa sala ng bahay nila kung saan nagkakalat ang ina at mga kaibigan niya. Kung ano-ano na lang ang pinagkakakabit ng mga ito sa pader. May mga bandititas at may pa-balloons pa. Hindi niya tuloy maintindihan kung fiesta-han ba ito o birthday-an.

"Woi! Ano ba! Iyong cellphone ko!" hirit na ni Seline. Balak niyang pagmumurahin ang kasintahan sa kalokohan nito. Ni hindi man lang siya isinali nito sa kung ano mang pagpaplano. Ano kaya kung magisa na lang itong magpakasal sa sarili niya.

"Don't ruin the night, Happuch!" bulyaw sa kaniya ni Chontelle na nakaakyat sa isang bangko para idikit ang bandiritas.

"Oo nga naman Val, umalis ka muna! Doon ka muna sa kusina o 'di kaya ayusin mo na lang iyong mga pagkain." Pagtataboy sa kaniya ni Aestellah na ngayon ay tumutulong sa pagtatali ng balloon sa iba't-ibang sulok ng sala. Iyong cellphone niya, missing na.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon