Kabanata 6

2.1K 90 160
                                    

Kabanata 6

Hindi sa pangaraw-araw buo tayo at kayang humarap sa napakaraming tao. Hindi sa pangaraw-araw pare-pareho ang mood ng tao. Hindi sa pangaraw-araw masaya tayo and that is because like the moon we go through different phases. Yet, just like the moon too we have a dark side that we never want to show to anybody. That is why, Seline really prepared everything for today meet up with Phil Mendez. She doesn't want him to say anything about her nor see that dark side behind her bright appearance. She want the man to look at her beauty and see for himself what he left behind ten years ago.

Napagkasunduan nilang magkita sa isang coffee shop kaya naman doon ang tungo ang sedan ni Seline. Kahapon, bago matulog ay nakausap niya ang binata kaya siguro siya dinalaw ng bangungot. Sa isiping iyon ay mas lalong humigpit ang pagkakakapit ng dalaga sa manibela at bumilis bahagya ang pagpapatakbo niya. Muntik pa siyang makalampas sa kalutangan.

Sige Seline isip pa.

Sa pagkapasok sa coffee shop ay agad niyang inilibot sa buong paligid ang paningin. Late siya ng halos five minutes na hindi na niya ikinataka sa kadahilanang natagalan pa siya sa pagpili ng sasakyang gagamitin. Bagamat dalawa lamang naman ito. Hindi naman kasi hilig ni Seline iyon sadya lang talaga na nais niyang pagyabangan si Phil ngayong araw kaya tinimbang niya kung alin ang mas mahal niyang kotse at iyon ang ginamit. Gusto niyang ipamukha sa binta na okay siya at may narating siya sa buhay.

Hindi kalayuan ay namataan niya ang bulto ng isang lalaki na bahagyang sumisimsim ng kape. Natigilan si Seline.

He has the same feature as before.

The capturing eyes, the pointed nose, pinkish kissable lips, the hot jawline and his sexy adam apple. Naroon at tila isang adonis na bagot ang binata at bahagya pang kunot ang noo.

Seline was out of breath, she clearly knows it. Hindi din normal ang tibok ng puso niya at halos tuyuan siya ng laway. Mas dumoble pa ito nang magtagpo na ang kanilang mga mata.

♪Fly me to the moon
Let me play among the stars♪

Sa isang iglap ay sumabay sa kanilang pagtatagpo ang pagtunog ng kanta mula sa stereo ng coffee shop. Fly me to the moon by Franz Sinatra.

♪Let me see what spring is like on
A-Jupiter and Mars♪

Nawala ang pagkakakunot ng noo ng binata at bahagya pang natigilan sa akmang paginom ng kape sa hindi malamang dahilan.

♪In other words, hold my hand♪

Nagkatitig lamang ito sa kaniya na parang inaanalisa ang kabuohan niya.

♪In other words, baby, kiss me♪

Doon na siya napalunok.

Fuck, Seline! What are you doing? Move bitch!

Nadadala na naman siya sa phasing ng binata at hindi iyon maganda. Right there, Seline composed herself before started to walk like a queen towards him. Itinago niya ang iba't-ibang emosyon na nagsisimulang sumilip. Ang lungkot, saya, puot, galit, at pagka-miss at kung ano-ano pa.

He shouldn't see anything as possible as it can be.

But Seline knew to herself how visible person she was. Kaya naman pinilit na lang niyang baguhin ang emosyon kaysa itago ito.

Deceiving, that's how Seline do it.

Bored na ngumiti siya sa lalaking titig na titig sa kaniya. "Hola! Buenos Dias Mr. Mendez," she said before seating in front of him. Damn! Kailan pa siya naging espanyola? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga jologs na kaibigan kapag nalaman ito.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon