Kabanata 68

109 2 0
                                    

Kabanata 68

Birthday
July 29 2019

"Phil, may nagpapabigay happy birthday daw." Abot tenga ang ngiti ni Nick habang iniaabot sa akin ang isang paper bag. Today is my birthday at wala akong inaasahang magreregalo sa akin.

But c'mon, what is this?

"Kanino galing?" Agad kong tanong matapos tanggapin ang paper bag at silipin ang laman niyon. It was a cup cake, tatlong cup cake and a key chain.

"Basta pinabibigay lang."

Matapos sabihin ni Nick iyon ay nagtatakbo na ito pabalik sa room niya. Napapailing na tinanaw ko na lang siya mula sa pinto ng room namin.

No choice ako kung hindi ang tanggapin na lang. Nang muli kong balingan ang paper bag ay napangiti na ang ako. It was a guitar like flashlight na tumutunog din. Then to my surprise there is a card inside under the name, Theia.

Dear Phil,

Hello Phil! Happy, Happy Birthday sa'yo. I just want to say that I like you. I really like you! I hope you like my gift and keep it.

-THEIA.

Simple but it made me smile widely. Who is she? Sinong Theia?

Saglit akong napaisip bago binalingan si Alison na ngayon ay katabi ko na.

"Bakit iyon?" Tanong ko.

"Okay lang ba sa'yo na ilibre kita ngayong araw?" Nakatingin siya sa hawak ko kaya naman hindi niya nakita ang pagkabigla ko.

"Huh?" Kilala ko si Alison, never siyang naging straight forward. Gayunpaman bagamat paligoy-ligoy ay naiintindihan ko naman ng lahat ng daing niya.

"Gusto ko sanang ilibre ka, pa-birthday ko sa'yo." Nakangiti na siya this time. Ikinagulat ko nang bigla na lang niyang kinuha sa akin ang paper bag at ilagay iyon sa likod niya.

"Alison—"

Babawiin ko sana iyon subalit natigil na lang ako nang pumagitan na si Arem. Umakbay ito sa akin habang nakangiting aso pa.

"Libre? Sama ako!"

Dagli ang naging pagsimangot ni Alison ngunit hindi na nakatanggi nang maging si Kid at Rain ay nakisali na din.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now