Kabanata 50

213 6 0
                                    

Kabanata 50

"No Theia, listen to me. I need to explain." He whispered to her ears this time. Sinagot naman iyon ng tango ng dalaga.

"Kaya kitang panindigan Seline noon pa, kaya ko." Lumunok ito. "Magpapakasal tayo, 'yon ang balak ko. Pakakasalan agad kita." At muli ay lumunok na animo'y namamaos. "Kaya lang mali iyong timing. Naka-schedule na talagang aalis ako kinabukasan after the Grand Ball. Gusto kong magpaalam sa'yo kaya lang natatakot ako na baka once na magising ka pagsisihan mo iyong nangyari. Ayoko ng ganon ang mangyari kaya umalis ako agad. Umalis ako nang walang paalam sa'yo." Doon ay tuluyan nang narinig ni Seline ang mahinang paghikbi ng binata. Lumunok muli bago nagpatuloy.

"K-Kinailangan kong umalis para sa pagaaral ko. Scholarship iyon para sa future ng family ko, Seline. Panganay ako e, kailangan nila ako."

"Kaya lang hindi ko naman akalaing matatagalan akong makabalik. Balak ko sanang mag-propose na sa'yo pagkauwi ko. Pero nalaman ko na lang buntis ka at si Christian ang ama. Ang sakit n'on, Seline. To the point na mas pinili ko na lang na bumalik sa America."

"I was so fucked up. Ready na akong umamin sa'yo noong araw na iyon." Huminga si Phil ng malalim na tila kinakalma ang sarili. "My proposal has been set up, pero putangina." mariing mura nito bago binaon muli ang mukha sa basa na niyang balikat. "Wala e, wala sa timing, Theia. Na-late ako ng dating." Sumisinghot na ito na tila sinisipon na sa pagiyak. Ganon din naman si Seline, namumula na ang mata ng dalaga kakaiyak.

"For almost 10 years, iba't-ibang babae na ang kinasama ko. I even date Alison again pero tangina talaga! Pangalan mo pa rin ang palaging inuungol ko. Ilang beses na ba akong nasampal dahil doon? Hindi ko na din mabilang." Bahagya pa itong natawa habang siya ay napangiti na lang. Isang ngiti na tila pa nagpapahiwatig na tapos na. Tapos na ang matagal na panahon na pagkakatabing ng mga ulap at muli na siyang sininagan ng buwan.

"Sa loob din ng sampong taon na 'yon, sinubaybayan ko ang buhay mo. Naiinis at naiirita ako sa'yo pero wala, tinamaan ako. Kaya noong makita ko ang name mo sa business card na bigay ni Arem, walang pag-da-dalawang isip na ti-nry ko. Nagbabakasakaling ikaw iyon, and then miracle happened, ikaw nga!"

"Ginawa kong excuse 'yong kontrata para makasama ka. Pero nang makita ko muli si Christian, naalala ko ulit lahat Seline. Naalala ko na, oo nga pala, may anak kayo. Bumalik iyong inis ko that even after I found out na tayo ang ipakakasal ng mga magulang natin ay nawalan ako ng gana."

"I was thinking na naghiwalay kayo at na kay Christian lang 'yung bata. Then naisip ko baka tinatago n'yo lang dalawa kasi may mga pangalan na kayo sa industriya, hindi ba? Iyon din ang rason kung bakit I try to entertain women again." Huminga muli si Phil ng malalim. "My mind is telling me to give the fuck up. Wala akong laban e, may anak kayo. Kaya ko nasabi lahat ng iyon sa'yo sa hospital. That mother fucker Kid added to my irritation too. So again, I'm so sorry about that, sorry for being an asshole. I misunderstood everything and I'm really sorry." Nasapo ni Seline ang labi dahil sa mga narinig habang panay pa rin ang pagluha ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwala, ang hirap paniwalaan pero ito ang totoo. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang side ng binata. Ngayon malinaw na ang lahat.

"I love you, Seline." Hindi niya alam ang isasagot. Sobra-sobra siyang nabibigla sa pangyayari. Walang mapagsidlan ang halo-halo niyang nararamdaman. Hindi niya nga rin alam kung maniniwala ba siya o ano. "Please, believe me." Bahagyang inangat ni Phil ang kamay niya upang itabingi ang mukha ni Seline. Doon muling nagtagpo ang mga luhaan nilang mata.

"I love you so much, Seline."

She wants to say the same words back to him, pero hindi niya pa kaya. Nandoon pa rin ang pagdududa na baka mali lang siya ng dinig o 'di kaya pinaglalaruan na naman siya. Pero habang tumatagal sila sa ganoong sitwasyon, everything feels real. She can see his sincerity and it feels like she's ready to answer but then he spoke again.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now